Baekhyun
"B-Baekhyun?" Napahinga ako ng malalim na parang may kung anong humiwalay sa katawan ko. Napatingin ako sa kamay ni Taeyeon na nasa braso ko. Nanghihina pa rin ang katawan ko at nahihirapan akong huminga. Parang may sumakal sa akin or something. "Ayos ka lang ba?" Inalalayan nila akong tumayo. Tumango ako. "Bakit ka nga pala gumagapang dyan sa ground? Ang dumi-dumi kaya dyan. Kadiri lang ah."
Gumapang? Wala akong maalala.
"Saka nga pala eomma, sino yung kausap mo kanina? Kinabahan ako. Sakalin ka ba naman, e. Hindi ko nakilala pero mukhang gwapo at matangkad." Kausap? Sinakal? I could only remember seeing Nana (ghost) before I passed out pagkatapos nun, wala na as in blangko. "Eomma?" Napatitig ako sa kanilang dalawa ni Taeyeon. Nagaalala ang mukha nila na parang naweweirduhan sa inaasal ko. "Umuwi na tayo, mukhang kailangan mo ng magpahinga. Nilalagnat ka pa ata." ani ni Taehyug. Tumango ako.
"Hindi ko..." I said. Hindi ko maalala.
Sumakal.. sino kaya yun?
"S-Sumakal?! Hindi mo man lang nakilala? 'Di bale, h-huwag kayo magalala. Gagawa ako ng paraan para makita natin ang CCTV, come. Sumabay na kayo." ani ni Taeyeon.
Hindi na ako umangal dahil hinang-hina na talaga ang buo kong katawan. Nakasandal ang ulo ko sa bintana habang nakamasid lang ang bawat madadaanan ng sasakyan. Sino kaya yung lalaking sumakal sa akin? Paanong nangyaring patay na si Nana? At sino ang Nana na model ngayon ng lotte? Hindi ko pa nasosolve ang pagkamatay ni Hae Rin and then this, si Nana naman ang gumugulo sa isip ko, paano kung konekta ang pagkamatay ni Nana at Hae Rin? Pero paano? Nana is all by herself. Nawala sya dalawang araw bago ako maaksidente, e.
Now, she's back..
Differently, a ghost. How?
"Taeyeon, ihinto mo ang sasakyan." sabi ko nang makita ko si Lola Juliet sa waiting shed, may bandera naman ng t-back. Gagu. Nagtatakang napatitig sila sa akin, hindi ko na sila pinansin at lumabas. Nilapitan ko si Lola Juliet. "Lola?" ani ko at napatitig sya.sa akin. Hindi nya ako sinagot. Napahinga ako ng malalim. "Hindi nyo na kailangang antayin si Lolo Romeo kasi po hindi na sya babalik. He's in the other world now... the place where we can't see." Hinawakan nya ang kamay ko, "Uwi na kayo, Lola Juliet.. Baka hinahanap na kayo ni Joong Ki, um?"
Napayuko naman sya, "Kung pupunta ako dun, makikita ko ba sya, um?" Hindi na ako nakasagot. "Dito kami nagkahiwalay noon, apo. Marahil nakatuluyan nya si Darla.. It's my fault. Mas gusto ng mga magulang ko si Jose; mayaman at galante. Malungkot ako nun. Wala akong magawa. This is the path I chose." Pinisil nya ang kamay ko, "Choose the path that will lead you to happiness at ipaglaban mo ang bagay na nagpapasaya sayo, apo." Ngumiti sya, "Itong t-back ko, sayo na yan ah." Nasapo ko ang mukha ko.
Kaloka talaga si Lola Juliet.
Napatingin ako kela Taeyeon na lumapit sa amin. "Lola, natandaan nyo pa po ba yung hula nyo sa akin?? May dalawang lalaking gugulo sa buhay ko. Maaari nyo po ba ulit basahin ang kapalaran ko?" Tumango sya. Hinawakan nya ang palad ko. Napansin ko na nangunot ang noo nya habang binabasa ito. "Lola Juliet? Ano pong nababasa nyo? May nagbago ba? May nadagdag? Ano po?"
"Marami kang tanong, gusto mo mahanap ang kasagutan. Two guys and.. a shadow? Tinatahak mo ang daan na maglalagay sa inyo sa panganib. Think," She paused as if adding anticipation, "...wisely." Shadow?! Pero sino ang tinutukoy nya? "Mahahanap mo ang mga kasagutan sa tanong mo, apo. Malapit na..." Napahinga ako ng malalim. I can't think straight. "Ingatan mo ang sarili mo.. Marami ang gustong umangkin dito."
BINABASA MO ANG
ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]
FanfictionByun Baekhyun can see ghost. Finding the mysterious death of Jang Hae Rin whom should he trust? Find out.