iii

8K 444 131
                                    

Baekhyun

Boss ko sya? Hala.

"Now sit down, Mr. Byun." Sarap pataobin nitong desk. Sakit sa tenga ng Mr. Byun. Umupo ako gaya ng sabi nya. "Now, let's start. Pinakita ko 'tong structure sa board at nagustuhan nila. I only want you to fix something. Make it more cozy and relaxing. Our target market are foreigners. You have to work hard on this project. Hindi 'to isang biro. If you're not serious then leave now."

"Hindi nyo naman sinasabing panget?"

"Don't misunderstood, Mr. Byun. I don't just want a good one, okay? I want it to be perfect. Make it perfect and different and, eye catchy." Napatingin ako sa mga mata nya. Wala ata akong naintindihan sa sinabi nya kasi nadidistract ako. Ano ba naman 'to? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit kasi feeling ko matagal ko na syang kilala? Nakakalunod ang itim na mata nya.

"Gaya po ng mata nyo, Sir?"

"Ha? Mr. Byun? Are you with me?"

"Yes, I'm with you. Dalhin mo ko sa langit!"

Mr. Park snapped his fingers right in my face. Napailing ako at napayuko dahil dun. Nakakahiya ka, Baekhyun. Ang sarap mong ihampas sa pader. Wait, hindi naman ako naglaway 'di ba? No, tell me, I did not drool over his hotness? Hindi naman 'di ba? "It's too early for daydreaming, Mr. Byun." He said, coldly, resting his back at the chair.

"Hindi, Sir."

Fuchsia, masesesante na ba ko?

Pitingini. Enough with Mr. Byun.

"Did you get what I said?"

Napakamot ako sa ulo ko, "Sir, ahh? Kasi, pwedeng i-record nalang natin? Ang bilis nyo kasing magsalita. Hindi ko nadigest." Napaface palm sya. Hindi naman kasi ako ganito, e. Kung trabaho, trabaho talaga. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Bakit ganito kagrabe ang epekto nya sa akin? 

Tumayo sya at lumapit sa akin.

Tumigil sya sa likod ko. Naramdaman ko ang hininga nya sa may tenga ko. Nagdala yun ng libo-libong boltahe sa katawan ko. Naaamoy ko ang pabango nya. Ang sarap amuyin. "Mr. Byun, make up your mind. You are not here to play. Now, get out of my office! I need those designs as soon as possible, did you get it?" Gwapo pero nakakatakot sya. Gusto ko na tumakbo.

Napatingin ako sa pangalan nya sa desk.

Park, Chanyeol.

"And one more thing, natutuyo na yang kulangot sa kwelyo mo. Pakitanggal na."

Napahawak agad ako sa dibdib ko nang tuluyang makalabas ng building na yun. Napapityag ako nang biglang magvibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon. Si Luhan. "Oh, hello?" I gasped with anxious. Hindi ko makalimutan ang kaepikan ko.

"Nasaan ka?"

"Sa hell, bakit?"

"Punta ka dito sa SX."

Pagkatapos nun, binabaan nya na ako.

Aga naman ng mga 'to sa Bar.

Dumiretso ako sa SX Bar and Resto. Ito ang tambayan namin kapag walang magawa. Pagpasok ko, nakita ko na agad sila sa bar counter ni Kyungsoo. "Anong meron ha? Bakit ang aga nating tumambay dito?"

Ngumuso si Luhan kay Jongin, "Sila na."

"Woah. Cheers for that!" Napansin kong namula si Kyunsoo at ngumiti naman si Jongin. "Huwag mong paiiyakin 'tong si Kyungsoo, Jongin ah? Kundi tatadyakan kita sa you know what mo." pagbibiro ko. Tinakpan naman ni Kyungsoo ang bibig ko. Four months ago nung unang magkakilala sila and now, sila na. "I'll shut up na nga."

"San ka galing? Bakit hell?" said Luhan.

"Nakakatakot yung boss ko."

"Bakit minanyak ka ba?" asked Kyungsoo.

Yun nga, e. Hindi. Wait, san galing yun?

"Hindi naman. It's his fierce eyes."

"Hot ba?" hinampas ko si Luhan.

"Oo, laglag panga ko 'te. Yung mata nya," I closed my eyes para alalahanin ang mukha ni Mr. Park. "Nakakapanglambot ng tuhod. Sa bawat tingin nya sa akin, nagtataasan ang balahibo ko. Yung labi nya, parang ang lambot-lambot at nangiimbita. But wait there's more.." Idinilat ko ang mata ko at napangiti, "Nakakatuwa yung tenga nya parang ang sarap hawakan." I giggled.

"Manyak mo, bruh." ani ni Kyungsoo.

"Ha? Hindi ah!" Napahawak ako sa braso ko nang biglang lumamig sa lugar namin. "Teka, hindi ba kayo nilalamig?" tanong ko na syang ipinagtaka nila. Umiling silang tatlo. Napalinga ako sa paligid. Marami ng tao kaya imposible namang lumamig ng ganito dito. Isa pa, bakit parang ako lang ata ang nilalamig sa aming tatlo.

"Sino ba yung boss mo?" tanong ni Luhan.

"Uhm, Park Chanyeol is the name."

Napatingin sila lahat sa akin. Pati si Jongin ay napatigil din sa pagmimix ng inumin. Ang weird nga ng tingin na ibinibigay nila sa akin. Parang nangungusap, nagtatanong at nagtataka. Kilala ba nila ang boss ko? Kilala ba nila si Park Chanyeol? Kung hindi, bakit naman ganun ang reaksyon nila?

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon