lii

4.3K 311 104
                                    

Jungkook

Napatigil ako sa pagsusulat ang magring ang phone ko. Si Taehyung. "Hello? Bakit ka napatawag?" tanong ko bago tumayo't lumayo kela Lola Juliet na nanunuod ng The Walking Dead. "Nakita nyo na ba sya? Wala kami sa bahay, Taehyung.. Nandito kami sa Hacienda ng mga Song. Gustong umuwi ni Lola Juliet kaya pinasamahan sa amin ni Hyung. Hindi namin sya nakita, e." Saan kaya nagpunta si Baekhyun?

"24 oras na syang nawawala. Tinatawagan namin ang phone nya pero nakapatay ito.. Nagaalala na kami. Ang sabi nya lang nun, pupuntahan ka nya. May nagtangka pa sa buhay nya nung nakaraang araw kaya lalo kaming kinakabahan. Sana sinamahan ko nalang sya. Now, sino na ang tatanungin ko kung paano ginawa ang mundo?" aniya, "Bakit bilog ang mundo? Bakit?!" He cried.

"May iba pa kaya syang pinuntahan? Kung pupuntahan nya kami. Si Hyung ang tao sa bahay. Sya lang ang makakausap nya dun." Napaisip ako. Hindi kaya may ginagawa sa kanya si Hyung? Lately, napapansin ko ang kaibahan nya. Parang may mali. Lagi syang nakatitig sa litrato ni Hae Rin. "Hahanapin ko rin sya, Taehyung. I will ask Hyung kung may nabanggit ba si Baekhyun kung saan sya pupunta." sabi ko at binaba ang tawag.

"BOOOOM! PATAYIN MO NA YAN! HAHA. AY, NAMATAY NGA. KYAH! RATATATAT! OH NO! ZOMBIE NA RIN SYA! Nu ba yan!" Napailing ako. Wagas makareact si Lola Juliet talaga. Ang ingay nya talaga manuod ng walking dead. Si Jesper naman, tahimik lang pero magtatakip ng mata mamaya. "Sabi ko sa inyo, magtanim kayo ng halaman! Haha!"

"La Jul, aalis muna ako."

"Ingat apo." She swayed her hand.

Napatayo si Jesper at napayakap sa tuhod ko, "Hindi ka pwedeng sumama, Jesper." I pinched his nose, "Stay here with Lola ha? Don't go anywhere. Hahanapin lang namin si Eomma Baekhyun." Nalungkot bigla ang mukha nya nang marinig ito. "Mahahanap din natin sya." Ginulo ko ang buhok nya at saka tumayo. "Huwag kang pasaway kay Lola ah?"

Tumango lang sya. Umalis na ako. I used Hyung's car sa garage. Marunong naman akong magmaneho kaya hindi na dyahe. Kinausap na nila si Hyung pero ang sabi lang nito ay umalis agad si Baekhyun. He didn't even stayed for an hour. Hindi sa hindi ako naniniwala pero kinukutuban lang ako nang hindi maganda. Ilang oras ang nakalipas bago ako nakarating. Ang tahimik at patay lahat ng ilaw sa bahay.

Pumasok ako. Nandito kaya si Hyung? I opened the lights on. Ang gulo ng sala ah. Ano kayang ginawa ni Hyung? Naiwan nya pa ang gamot nya. Anti-depressant? Hindi ko alam na umiinom pala sya nito. Narinig kong sumara ang pinto sa taas kaya agad na umakyat ako. Nakita kong nilolock ni Hyung ang pinto ng kuwarto nya. Nagulat sya nang makita ako. Itinago nya ang susi sa bulsa nya. Ang gulo pa ng buhok nya. "B-Bakit nandito ka?"

"May kukunin lang, Hyung." I lied. Looking at his face, alam kong may tinatago sya, e. Tinignan nya ako na parang may gusto sya na tanungin. "Aalis din ako, Hyung. Meron lang akong kukunin. May pupuntahan ka ba?" tanong ko sa kanya, tumango naman sya. "Magiingat ka." Nilagpasan na nya ako pero tinawag ko ulit sya, "Hyung, ah, may gusto sana ako itanong. Nawawala kasi si Baekhyun... may nasabi ba sya sayo kung saan sya pupunta?" I noticed his grip then tightened, "Wala? Ah sge, Hyung. Kuwarto lang ako." ani ko atsaka pumasok sa loob ng kuwarto ko. Pinakiramdaman ko sya habang nasa loob ng kuwarto ko. I heard his footsteps down the stairs. The engine starts nang lumabas ako ng kuwarto para sumilip. May tinatago sya, alam ko yun!

Humarap agad ako sa pinto ng kuwarto nya. Bakit nya ilolock 'to kung wala syang tinatago dito? "Baekhyun? Nandyan ka ba sa loob? Baekhyun!?" Wala akong narinig na respond mula sa loob pero may narinig akong bumagsak na gamit. I'm positive na nasa loob sya. "Sandali lang!" Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Paano ko mabubuksan ang pinto?

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon