xx

4.7K 319 23
                                    

Chanyeol

Nagising akong wala na si Baekhyun sa tabi ko. Kinuha ko ang phone ko sa table. Nagtaka ako dahil may log ng tawag dun and one missed call. Ginamit kaya nya 'to habang tulog ako? Sinilip ko si Jesper sa higaan pero tulog pa rin sya. Palakad-lakad ako dahil sa sobra akong nagaalala. Halos isang oras na akong nagaantay pero wala pa rin sya. Pasado alas-onse na ng gabi, e.

Napakagat ako sa labi ko.

Hindi kaya hinalikan nya ako habang tulog ako tapos sinapian na sya ng multo o nang kung anong maligno dyan? Ikiniskis ko ang palad ko sa isa't-isa. Nakita ko kung paano ang sitwasyon nya nun. Parang exorcism sa ilang documentaries. Kahit nga pusa, e, sinasapian sya. How can this be possible? Sounds really absurb. Kung ikukuwento ko yun sa iba, pagkakamalan akong baliw eh.

"I hope he's okay." I muttured.

My phone rung again. Unknown.

Dahil 'di ko kilala, I didn't answer.

Napatayo ako nang bumukas ang pinto. Si Baekhyun. Agad na niyakap ko sya. Dahil dun, gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Sobra ko talagang namiss 'to at sobra ko ng namimiss si Baekhyun. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang magpigil. Nahihirapan na ako lalo na sa twing ang lapit nya sa akin. Parang gusto ko syang dakmain at halikan sa labi. Argh.

I need to control my thirst;

Uhaw sa labi ni Baekhyun.

"Mr. Park, bakit po?"

Lalong humigpit ang yakap ko.

"Saan ka ba nanggaling?! Akala ko may nangyari ng masama sayo!" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at sinuri ang kabuohan nya. "Ayos ka lang? San ka ba kasi pumunta ha? Nagalala ako ng sobra. Akala ko mawawala ka na. Huwag mo ng," Napatigil ako nang makita ang reaksyon sa mukha nya, "..uulit yun!" Nagiwas ako ng tingin. I avoided his gaze. Baka hindi ako makapagpigil. No kisses, Chanyeol.

I wanted to push him away but;

I just can't. Hindi ko kaya.

"Sir, 'wag OA."

Napabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Napaayos naman sya ng tayo. "Don't mind what I said. I'll be responsible if something bad happened to you." segway ko. "You go take some rest now." Tinalikuran ko na sya nang sabihin ko yun. Muling nagring ang phone ko. Another call from an unknown no. but not the same. "Hello? Yes ito nga. Oo," Napatingin ako kay B na nakatingin din sa akin, "YD Hotel. Bukas? Okay, we'll be there. Paki-confirm po ang identity so walang problema, mahirap na. Bata ang pinaguusapan dito, e. Thank you officer."

"Sino yun?" Baekhyun asked.

"Someone already claimed to be Jesper's father. Bukas ang negotiation sa pulisya. They need our statement kaya kailangan talaga nating pumunta dun." Napatingin naman si Baek kay Jesper na mahimbing na natutulog. I was kinda also shocked sa pakikitungo ng bata sa kanya. It was as if kilala sya nito kahit hindi naman. "Tumabi ka na sa kanya. Sigurado akong hahanapin ka nya kapag nagising sya. Ako nalang dun sa assigned room mo. G-Goodnight na po."

Aalis na dapat ako pero pinigilan nya ako. Hinawakan nya ang braso ko. "Sir, pwede mamaya na kayo umalis? Antayin nyo lang na magsnore ako." He said with his puppy eyes. Like a slave, I jounced my head saka umupo sa sofa dun. I crossed my arms as I closed my eyes. "Sir, goodnight po. Thank you talaga. Basta po, thank you." Hindi na ako sumagot pero napangiti naman ako. After a few minutes, I felt na hindi na sya masyadong gumagalaw sa higaan. I know he's already asleep. I watched him while he's in his deep sleep as I touched his face.

I remembered I used to watch him, how I used to get close to him, how we used to be together. Lahat naaalala nya, maliban sa akin. I contacted Heechul to help me. Naki-usap din akong huwag nyang sabihin kay Baekhyun at manmanan nya ito para sa akin. Mabuti na nga lang at same condo bldg silang dalawa. Atleast, panatag ako.

Pffuuut~ A sound came out.

"Pitingini, Baekhyun. Mag-gulay ka naman kasi. Ang baho ng utot mo. Hindi ka pa rin talaga nagbago." Nakangiting napailing ako, "Hindi mo nga ako maalala pero ikaw pa rin ang Byun Baekhyun na minahal ko ng sobra." My gaze shifted to his lips. Ano kaya kung.. I shooked my head. No, Park. Hindi pwede. I sighed as I delicately kissed his soft hands. "Goodnight, B. I love you."

Palabas na sana ko ng pinto nang magring ang phone ko. A call from an unknown no. Sinagot ko na nga ito. "Hello, Who's this?" Inantay kong sumagot sya. Ang tagal nya kasing magsalita like parang may inaantay.

Puro kaluskos ang narinig ko sa kabilang linya. "Hindi na importante kung sino ako, Park Chanyeol." I scrunched my eyebrows. Iba yung boses nya na parang may device na ginagamit para hindi ko sya makilala. I wonder who's this person. Kilala nya ako. "Do you still remember what happened two years ago? I don't want you to forget about it." Tumawa sya, "Araw-araw kong ipapaalala sayo." Afer saying those word, the line ended. Alam nya ang sekreto ko?

Paano nya nalaman?

Dalawa kaming nakakaalam nun.

Si Jongin at ako.

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon