xxxv

5K 292 78
                                    

Taehyung

Pinasok ko ang phone ko sa loob ng bulsa ko nang makita si Jungkook na nakaupo dun sa isang bench sa park kung saan sya nakipagkita sa akin. Parang ang lalim ng iniisip nya. Akala ko talaga hindi na kami ulit magkikita. Umupo ako sa tabi nya at napalingon sya sa akin. May hawak syang maliit na box na hindi ko alam kung ano ang laman. Ngumiti sya sa akin at ganun din ako. Biglang balik good mood tuloy.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya.

"Box." Pisti.

"Ano laman?"

Hindi nya ako sinagot. Sa halip, binuksan nya ito at may lumabas na clown dun saka tumugtog ang isang musika. "Nakita ko 'to kanina sa attic. Ang cute ano? Alam mo ba, Taehyung.. pakiramdam ko, pamilyar ang box na 'to." Napabuntong-hininga naman sya at napayuko, "Salamat at pumunta ka dito. Wala kasi akong makausap. Ayaw ko kausapin si Jimin kasi kukulitin lang ako nun, e. Tatanungin kung kelan ko raw sya sasagutin. May hinahanap ako, e. Sparks. Yung kapag nakita mo sya, slow motion."

"Sparks? Halika, magsindi tayo."

"Haha. Hindi yun, ano ka ba!"

Napakamot ako, anong sparks?

"Haha. Hindi mo naman sinabi sa akin na may pagkahopeless romantic ka palang tao, Jungkook." Ngumiti sya sa akin kaya napaubo ako. Nakakahumaling ang ngiti nya. "Ah, Jungkook, may booger ka ohh! Pitinginu. Naglalambitin sa nostrils mo." Tinuro ko ang ilong nya. Tumagilid sya sa akin at sinundot ang kulangot nya. Haha. Wagas makasilip ang kulangot nya. Akala ko kung anong nakasabit. Laki kasi, e.

"Sarreh." aniya.

Natahimik kami pareho ng ilang segundo pagkatapos nun. "Jungkook, natatandaan ko na pala yung kaso na sinasabi ko sayo. Naalala mo pa ba? Yung kinasangkutan ng papa ni Helen two years ago?" Tumango naman sya, "Jang Hae Rin's murder case. H-Hinanap ko kasi yung newspaper namin nun. Mabuti nalang at naitago ko pa. Hihi. Ang ganda kasi ng horoscope ko dun. Ang sabi kasi e, yayaman daw ako kapag hindi ako masyadong gagastos. Pero alam mo, hindi naman totoo. Naglakad nalang ako nun para makatipid, pero ano? Ito wala!"

"Oo alam ko, asawa sya ni Kuya." Asawa ng Kuya nya? Bakit naman sya interesado sa pamilya ng taong pumatay sa asawa ng Kuya nya? Ang weird lang ni Jungkook ah? "Malas ka lang talaga siguro, Taehyung." Malas? Sakit. May balat ba ako sa pwet?

"Bakit interesado ka sa kanila? At saka, paano mo nga pala nakilala si Helen? Bakit may litrato ka niya? Ang layo kasi ng lugar nyo sa amin. Nakilala mo ba sya sa ibang lugar? Maybe, sa mall?" diretsong sabi ko. Napayuko sya at bakas sa mukha nya ang pagiisip ng malalim. Ang weird nya. Totoo nga kayang nakikila nya si Helen kahit na patay na ito? I scratched my arm. Natakot naman akong isip. I'm afraid of ghosts! Napalingon-lingon ako sa lugar kasi naramdaman kong biglang lumamig sa kinaroroonan namin. Kami lang kasing dalawa ang nandun. Sabi nila, lumalapit sila lalo kapag pinaguusapan. Naman eh!

"Aksidenteng nadaanan ko ang bahay nila noon. Tungkol sa litrato, p-pinuntahan ko ang bahay nila. Wala ng nakatira dun kaya hindi na ako nahirapan. Tinulungan ako ni Helen para makita ito." Binuksan nya ang bag nya at may kinuha dun na ilang piraso ng litrato. Mukhang seryoso nga talaga sya na nakikita nya si Helen. "Ito ohh," Inabot nya sa akin yun. "Sa tingin ko, nagaalala si Helen para sa eonni nya, Taehyung. She's pure of hatred because of what happened to her family. She," He paused for second.

"What she wants?"

"She wants me to find her sister and help her..." Hinawakan nya naman ang kamay ko. Bakit ba sya nageengrish? Dumudugo na ang ilong ko. "I know I sounded like a crazy person right now but I'm telling the truth. I-Ito ba ang eonni ni Helen?" Tinuro nya naman ang babaeng katabi ni Helen.

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon