Baekhyun
Tiningala ko ang Pacific Tower. After kong matanggap ang tawag nila, nagmadali agad ako. Hindi ko alam kung bakit pero baka sila na siguro mismo ang magooffer sa akin ng kontrata. Balitang-balita kasi ang paghahanap nila ng bagong architect. Gusto kong makapasok sa team nila. Ito lang ang way. I-push ang sarili ko papasok. The CEO wants to meet me. CEO pa talaga 'di ba? Naeexcite akong ipakita ang gawa kong structures para sa bagong hotel and restaurant na itatayo nila sa San Marino.
Mataas ang naturang building, nakakalula na kung tignan. Paano pa kaya kung nasa itaas ka? I clenched my fist. Kaya mo yan, Baekhyun. Go. Naglisterine ka naman. I told myself. Inaayos ko ang laylayan ng damit ko, running my fingers through my hair. Pumasok ako sa loob na kabado.
Tapos nadapa ako. #MedyoTanga
I scanned the area, walang nakapansin except sa receptionist na tawa nang tawa sa pwesto nya. Napangiwi ako. "Excuse me Miss, 1PM schedule with Mr. Park?" sabi ko. Ang pula ng pisngi nya at ang kapal din ng lipstick nya. Yung totoo, saan ang racket ngayong gabi? Napatingin ako sa ID nya na nakaipit sa may kaliwang bahagi ng dibdib nya. Her name is Fin Ning Gernyako. Luh. Unique ah? I wanted to ask her one thing; bakit hindi pantay ang blush-on nya ano?
Mapanuring tinignan nya ako dahilan para napaurong ako ng kaonti. Nagagandahan siguro 'to sa akin? Naningkit ang mata nya na parang may sinusuri. "Sir, may kulangot po ata kayo sa pisngi." Nanlaki ang mata ko. Oh jusmiyo, nangulangot ako kanina! Pasimple kong kinapa agad ang pisngi ko.
"Haha. Tapa lang yan."
"Weh? 'Di nga?" Aba, hinahamon ako?
"Oh, gusto mo kainin mo pa!"
Ipitik ko 'tong booger sayo, makita mo.
Umasim ang mukha nya, kakajirits.
"Yung schedule ko nalang asikasuhin mo." mataray na sabi ko sa kanya. Tinaasan nya lang ako ng kilay. She dialled the number, directing to Mr. Park's secretary, I guess pero walang sumasagot dahil nakailang dial na rin sya. "O, okay na ba?" I asked.
"Sa last floor nalang at paki-iwan ng ID." sabi nya at saka may kinuhang log-book. "Paki-log nalang din po dito ng pangalan nyo." dagdag nya habang tinuturo yung pang 20th slot. I rolled my eyes. Wala lang.
Inabutan nya ako ng isang temporary ID na may nakaprint in black na 'guest' after. "Thanks." ani ko. Lumakad na ako papasok ng elevator. Pinaglaruan ko ang laylayan ng damit ko at inikot-ikot yun. Ganito ako kapag malalim ang iniisip o kinakabahan. Bumukas ang pinto sa panghuling floor, sakto yun sa isang glass tinted door. Isang office lang ba sa floor na 'to? Naisip ko.
Kumaway ako sa CCTV. Yehet!
"Mr. Byun, 1PM schedule?" Mr. Park's secretary asked, tumango ako. "Mr. Park is already waiting for you inside." Tumayo sya at sinamahan ako sa loob. Organisado sa loob at halatang mamahalin ang mga gamit ng opisina. "Mr. Park, he's here." Naiintriga ako kay Mr. Park. Nakatayo sya habang sumisilip sa telescope nya dun. Ang tangkad nya. Teka, yung tenga nya?
"Thanks." His blooming voice, urur.
Humarap sya, yung lalaki sa taxi? Sya?
"I-Ikaw?!" bulalas ko.
He grinned at napatingin sa relos nya. "You are just in time. Remember where you are and who are you talking to, Mr. Byun. I'm your boss. . now." Okay na sana yung sikat ng araw sa likod nya. Para syang anghel na bumaba sa langit kaso tinawag nya akong Mr. Byun, fuchsia lang. Ambaho sa tenga!
Teka, boss? Boss ko sya?
"Boss kita?" I murmured.
Umupo sya sa shivel chair, pinagdaop ang palad nya at ngumisi sakin ng nakakaloko. Muli ay napatitig ako sa kanya. Hindi sya nakakasawang tignan. Para syang magnet, ang hirap i-ignore ng kagwapuhan nya. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Nababaliw na ba ako? Why am I praising him too much?
He's. . .just too much to handle.
Una: Magtratrabaho ako sa Lotte Land.
Pangalawa: Boss ko ay hotness overload.
Pangatlo: Nakalimutan ko kung saan ko ba pinahid yung kulangot ko kanina. Leche!
BINABASA MO ANG
ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]
FanfictionByun Baekhyun can see ghost. Finding the mysterious death of Jang Hae Rin whom should he trust? Find out.