xlii

4.3K 274 134
                                    

Note: Confusing but you'll know why soon.
----------------------------------------------------------------------------------------------
Baekhyun

Binasa ko ang pangalan.

"Na.. na? As in Nana sa sugat?!" Napailing ako, "Hindi ko maintindihan! A-Anong ibig sabihin nito?!" Naguguluhan talaga ako, e. Paano nangyaring si Nana yung multo na yun na puno ng putik? Kung buhay pa sya? Pero itong litrato, she pointed it to be her. Ipinapagala ko ang tingin sa kabuohan ng silid. Ramdam ko pa rin sya pero hindi sya nagpapakita. Muntik na akong mapasigaw nang mabasag yung salamin, "Kyah! Mahal yan! Wala akong pambayad! Tigilan mo na ako! Hindi ba pwedeng magday-off sa inyo ha? So unfair ah?! Kung ikaw nga si Nana.. sino ang sumuntok sayo sa mukha noon?"

.

.

.
"Ikaw." Sinulat nya ulit sa pader.

Napaatras ako dahil dun.

Narinig ko ang paulit-ulit na ring ng phone sa labas. Lumabas ako ng silid at lumapit ako sa telepono, thinking kung sasagutin ko ba ito o hindi. Aabutin ko na sana kaso naunahan na ako ni Chanyeol. "Oh Nana? Bakit napatawag ka? Ganun ba?" Nanlaki ang mata ko. Nana? Pero si Nana rin yung multo sa kuwarto? Dalawang Nana ba?

Pareho ng mukha.

Pareho ng katawan.

Magkaiba ng boses. Naalala ko yung sinabi ni Chanyeol kaya naiba dahil sa operasyon nya sa lalamunan. Nagiging makakalimutin na at hindi nya ako nakilala noon. When in fact, pinagseselosan ko sya noon dahil sa nakaraan nila ni Chanyeol. Sino ang totoo sa kanilang dalawa? Paano nangyari yun? Hindi ko maisip kung bakit. Nalilito ako, e.

Napaluhod ako nang mahilo.

"Bacon!" sigaw ni Chanyeol.

Hinawakan ako ni Yoda. Pakiramdam kong onti-onting nauubos na ang lakas ko. Yung para bang hinihigop yun. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Hindi ko na alam kung anong uunahin kong intindihin. Ang pagkamatay ba ni Hae Rin? Sino ang pumatay sa kanya? Bakit may dalawang Nana? Bakit ang sexy ko? Bakit ang pitingini ni Kim Taehyung?!

"Yoda, ikaw na ang bahala sa eyeliner ko. Punasan mo sila lagi. Alam mong ayokong nadudumihan sila. Tandaan mo, mahal na mahal kita. Hinawakan ko ang pisngi nya bago napaubo, "Goodbye, my love. You'll always stay in my heart to the moon and back. Mahabang gown nga pala ang gusto kong suot sa burol ko. I-I-I-I love you 69x."

"Baekhyun, nilalagnat ka lang hindi ka pa mamamatay." Chanyeol, then snapped his forehead. Nadala kasi ako sa scene. Akala ko nasa drama ako. Napatitig ako sa itsura nya. Something strange came to take over my body and then everything went black again for the second time. I lost conscious.

Taehyung

"Bantayan mo si Baekhyun."

"Ha? Bakit naman?"

Ikiniskis naman ni Jungkook ang palad nya sa isa't-isa. Bakit nya nasabi yun? Meron ba nagbabanta ba sa buhay ni Eomma? Hala. I can't think straight. Ding, ang bato? Lul. Jeon Jungkook is strange and unordinary but he caught my attention. He's different.

"Basta, magiingat kayo. Onga pala, ito oh. Sayo na 'to, Taehyung." Inabot nya sa akin yung box nya. Box na may clown sa loob at tumutunog ng musika. "I-Ingatan mo sana yan ah? Huwag mong wawalain. Ramdam ko ang importansya nito kahit hindi ko na maalala kung akin ba 'to.. Ipagkakatiwala ko na sayo." Nakangiting inabot nya ito sa akin, "Huwag mong wawalain, Taehyung."

"Makakaasa ka, Jungkook."

Tumango nalang sya bago pumara ng taxi. Sinulyapan ko nalang si Jungkook sa side mirror habang papalayo nang papalayo sa kanya. Habang nasa byahe pauwi, nakita ko si Eomma na naglalakad sa pavement. Pinahinto ko agad ang taxi. Pansin kong parang wala sa sarili si Eomma. Tumawid ba naman ng nakago pa ang traffic light. I immediately paid the fare at bumaba na.

"Eomma Baek!" sigaw ko sa kabilang gilid ng kalsada pero tila hindi nya ako naririnig. Nagkagulo-gulo na sa highway at panay na ang busina ng iba. Kinabahan na ako kasi baka masagasaan sya dun. Tumawid agad ako nang magred ang ilaw. Lakad lang sya nang lakad. Nanatili akong nakasunod sa kanya dahil hindi ko talaga sya maabutan.

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa at agad na tinawagan si Chanyeol. After three rings ay sinagot nya. "Hello, Chanyeol. E kasi si.. Eomma Baekhyun.. parang wala sa sarili?! Kanina pa kami palakad-lakad, ewan ko ba kung saan sya pupunta. Nakakawindang."

"Sundan mo lang sya!" He said.

Binaba na nya ang tawag. Kbye.

Ang layo na ng nilakad namin. Hinihingal na ako. Lumuluwa na rin ang dila ko pero parang walang epekto sa kanya. Hindi ko na kaya. Huminto na ako. Natanaw kong pumasok sya sa isang condo building dun. Sinundan ko sya kahit pagod na pagod na ako. Parang ang weird ni Eomma ngayon?

Sinong kakatagpuin nya dito?

Sinundan ko sya hanggang sa makarating sa may parking lot. May kausap si Eomma na lalaki. Matangkad at foreignish pa ang dating. Parang nagtatalo silang dalawa, e. Hindi ko alam kung ano yun. Hindi ko kasi marinig ang pinaguusapan nilang dalawa kasi nasa malayo ako. Tinatanaw ko lang sila habang nagtatago na parang magna.

Tapos SINAKAL sya nung lalaki.

Eottoke? Anong gagawin ko?!

Nagpanic ako. Hindi ko na alam kung ano bang gagawin ko. Susugod ba ako? Paano kung mapatay nung lalaki si Eomma? No. I won't let that happen. "IKAW, SUMUKO KA NA KUNG SINO KA MAN, NAPAPALIBUTAN KA NA NAMIN! Bitawan mo na sya ngayon din kundi.." I paused, thinking of what to add and how to end the sentence, "Kundi, kundi... tatawagin ko ang Justice League! Isasama nila ang Avengers, X-Men saka si Spiderman! WIIIIOH! WIIIIOH!" Ginaya ko yung wang wang ng Police car pero bakit pangambulansya ata? Hindi ko kasi alam ang pinagkaiba ng tunog nila. Sumakay agad ng sasakyan yung lalaki at umalis.

Nilapitan ko si Eomma.

"Eomma, okay ka lang?" Dumapa sya sa ground. Anyare kay Eomma B? Bakit para syang uod na gumagapang? Naglalaro ba kami ng charade? Anong nangyayari ba sa kanya? Ang weird nya. Parang wala sya sa sarili. Patuloy lang sya sa paggapang dun. "Eomma, tumayo ka nga dyan! Ano bang nakain mo at tinatamad ka ng maglakad? Gumagapang ka nalang ngayon. Anyare?!" Wave wave lang sya sa ground. Anyare luh?

"Taehyung?"

Napalingon ako, "Noona Taeyeon."

"Anong nangyari kay Baekhyun?"

"Nakikipaglaro ata ng charade..

.

.

.
Gusto mo bang sumali?"
----------------------------------------------------------------------------------------------
Note: Aw, hindi nakilala ni Tae yung lalaki. Who do you think he is guys? Haha. Konti nalang mabubunyag na ang lahat. Yehet!:)

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon