Baekhyun
"I have guardians." I told him.
"Ah.. guardians.." He parotted.
"Yes, guardians of galaxy." Nangunot ang noo nya, "Hindi ka naniniwala sa akin no? Hindi mo alam pero, nakakausap ko si ET atsaka Master Yoda. Binigyan nga nila ako ng talong na umiilaw, e, este --- espada." I told him. Pisti. High na ako. "Pero hindi ko maintindihan ang nangyari sa Eomma mo at kay Dr. Kwon. Pwede bang paki-explain briefly? Mga ten sentences, okay na yun.."
Julian sighed, "Naaksidente kasi nun si Eomma at si Dr. Kwon ang humandle sa kanya pero, hindi nya ito nailigtas. Ilang araw ang nakalipas, lumapit si Dr. Kwon kay Appa at nagmakaawa na i-donate ang puso ni Eomma sa asawa nya. Pumayag naman si Appa." Napayuko sya, "Matapos ang naging operasyon, lumapit ang nurse sa amin at inamin ang krimen na.. ginawa ni Dr. Kwon. Sinadya nitong hindi iligtas si Eomma." Napasabunot sya sa buhok nya, "Hindi na raw matiis ng konsensya nya na hindi magsalita. Natakot daw sya kasi nga baka tanggalin sya sa ospital." He stated.
He exhaled before he continued, "Nagalit si Appa at nilagay nya ang batas sa kamay nya. Hindi sya nagdalawang-isip na barilin si Dr. Kwon sa harap mismo ng bahay nito. Nakulong sya at naiwan kami ni Hyung na walang-wala. Nalaman din namin na hindi naging successful ang operasyon ng asawa ni Dr. Kwon at binawian din ito ng buhay." I bit my lips, "Nagtanim ng galit si Hyung sa pamilya ng mga Kwon. Ipinangako nya na kukunin nya ang lahat ng meron ang mga ito. Binuhos nya ang galit nya sa nagiisang anak nito. Si Nana." Ito pala ang dahilan.
"Julian, alam kong masaklap ang sinapit ng pamilya nyo pero, mali ito.. Kailangan mong tulungan si Julien, nilalamon na sya ng galit nya. Tignan mo ang sarili mo.. Ito ba ang gusto mo? Sa tingin mo, ito ba ang gusto ng Eomma nyo? O, ng Appa nyo? No. Walang magulang ang gugustuhin 'to para sa anak nila. Marami ng taong nadamay sa inugatan ng galit na 'to. Ikaw na ang syang tumapos." Napatingin ako sa injection na hawak nya. Pailing-iling sya habang inuulit ang salitang 'hindi'. "Ibigay mo ngayon sa akin ang injection. J-Julian... akin na yan."
Nagawa kong makuha ito.
"Sorry, Pa, Ma, Nana." He murmured.
Ang ipinagtataka ko, bakit iniwan nilang nandun ang katawan ni Nana sa ilalim ng lawa? "Bakit nga ba hindi nyo inalis ang bangkay ni Nana sa ilalim ng lawa?" Sa lahat ng pagplaplano nila. Ito ang nakita kong mistake. Nung nakuha namin ang bangkay ni Nana, mas malaking evidence yun laban sa kanila. "Bakit hindi nyo sya binigyan ng maayos na libing man lang?"
"H-Hindi ko magawang hawakan ito para iangat sa tubig. Nagsinungaling ako kay Hyung, akala nya nailibing ko na ito gaya nang ipinagawa nya kay Im Jin Ah." Agad na napaatras ako. Patay na si Im Jin Ah? "Naging mabait sa akin si Nana pero wala akong nagawa para sa kanya. I got stuck in between. I just can't betray my brother as well. We only got each other." Nasapo nya ang mukha nya. He chose to stand up with his brother. Hindi ko rin nailigtas si Jin Ah.
"Labanan mo sya." I said.
"Hindi.. hindi.. ayoko.." Lumabas ng silid si Julian na tila gulong-gulo ang isipan. Agad na kinuha ko ang pagkakataon na yun but, I couldn't wake Taeyeon up. Wala ng ibang choice kundi ang buhatin ko sya. Tingini. I don't want to be a hero, masakit sa heart. I think of another way para makalabas kami. Kung bababa kami ng hagdan panigurado na makakasalubong namin si Mr. Kang. Sa ibang kuwarto, baka pwede na sa bintana.
"Taeyeon, gumising ka na."
I heard her groaned. Kung pwede ko lang iwan 'to, e, pero hindi naman ako ganun kasama. Hindi naman sya malalagay dito kung hindi dahil sa akin, e. Pumasok ako dun sa dulong pinto at nilock ang kwarto. Sinilip ko ang bintana. May babaan dun. I carried Taeyeon once again at inilabas ng bintana. Binuhat ko sya sa balikat ko saka bumaba sa ladder na nakadikit sa pader. I looked around. Walang tao. Dun na kami sa gubat dadaan. Delikado kung sa main gate kasi. Isa pa, siguradong mahuhuli na kami dun. I need to be careful this time.
BINABASA MO ANG
ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]
FanfictionByun Baekhyun can see ghost. Finding the mysterious death of Jang Hae Rin whom should he trust? Find out.