Binatukan ko si Taehyung. Napakamot sya sa ulo nya saka napaungol. Kagaguhan nya kasi. Wala ng matinong lumalabas sa bibig nya. Umaasa pa naman ako na narinig nya ang pangalan nung lalaki. I guess, aantayin ko nalang yung CCTV files. Naniniwala rin ako na ang taong yun ang killer ng kapatid ko at ni Nana. Napatingala ako sa langit at napangiti. Malapit na Hae Rin, malapit na.
"Hindi ba kayo nilalamig? Kung nilalamig kayo, halika na." ani ni Taehyung. Agad na naglakad kami pabalik sa gate pero nang makita ko yung bahay, napatigil ako din. I dunno. Parang may nagiimbita sa akin na pumasok dun. "Eomma? Don't tell me na papasukin natin yan? Nakakatakot kaya! Mukhang ilang taon ng hindi nagagamit. Abandona na ba yan?! Ayoko. Umuwi na tayo, ples lang. Huehuehue. I'm scared." Hinila-hila nya ang laylayan ng damit ko. Sinabunutan ko sya. "Eomma, naman!"
"Huwag ka ngang maingay. Hindi naman tayo magnanakaw. Sisilip lang tayo dahil baka may makuha tayong clue tungkol sa pagkamatay nila Nana." sabi ko bago ako humakbang papasok sa front door. "You better keep your mouth shut, Taehyung. Saka ko na ipapaliwanag sayo ang lahat. Isipin mo nalang, ililigtas natin ang earth."
"Nana? Tama, Nana nga!"
"Pinagsasasabi mo?" ani ko.
"Si Nana yung kausap nung sumakal sayo. Naalala ko kasi binanggit mo." Napatingin kami ni Taeyeon sa isa't-isa. "Matangkad yung lalaki, mukha ngang foreignish ang dating. Gwapo sana kaso pinagtangkaan ka nya pero," Napayuko na kinikilig sya na parang ewan, "...kay Jungkook pa rin ako. Sya pa rin-" Napahinto sya, "Pagkamatay? Nila Nana? Oh mehn, alive and kicking pa kaya yung Nana na nakita ko. A-Ano bang meron? Kinikilabutan na ako sa topic, e."
"Saka ko na ipapaliwanag. Sa ngayon, we need to go inside and look for something na pwedeng evidence." sabi ko. Tumango lang silang dalawa ni Taeyeon. Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Taehyung. Sino nga kaya ang tinutukoy nyang lalaki? Gwapo and foreignish? Matangkad? Isa pa, bakit makikipagnegotiate ang pekeng Nana sa kanya? When he could be the killer. Since hindi sya ang totoong Nana, hindi nya ito alam. Hindi kaya ginagamit lang kaya din sya nito? Kung ganun, nasa panganib sya.
Pagpasok namin ang dilim, ginawa namin na flashlight yung cellphone ni Taehyung. Nakahawak silang dalawa sa magkabilang braso ko. I only rolled my eyes. We looked around, trying to find Nana's room. Paano namin mahahanap yun kung didikit lang sila sa akin? Bahala na. Umakyat kami sa taas. Since luma na ang bahay, sa bawat tapak namin gumagawa ng ingay. Muntik na kaming mapasigaw nang may dagang biglang sumulpot at dumaan sa paahan.
Kasabay nun ang pagring ng phone ko. I shooked my head. "Huwag kayong OA!" I shouted at the two of them na tili nang tili sa kinatatayuan nila. Tinignan ko agad ang screen ng CP ko. Si Kyungsoo. "Hello? Oh? Bakit napatawag ka?" tanong ko pero ang ipinagtataka ko. Humihikbi sya. Umurong ako at pumasok sa isang kuwarto dun sa may gilid ko. "Kyungsoo, anong nangyari? Umiiyak ka ba? Nasan si Eomma?" I asked with a worried tone, "Calm down," sabi ko to calm him. Hindi sya humihikbi kasi BH sya pero parang takot na takot sya. Bakit?
"B-Baekhyun, yung USB. Hinahanap nila. Hindi ko sila kilala. Nung hapon, lumabas kami ni Tita para mamalengke lang. Nung palabas na kami, narinig naming may mga lalaking naguusap sa parking lot, yung isa sa kanila may kausap sa telepono nya." It suddenly made my knees into jelly. Tama nga si Chanyeol, I'm putting myself in big danger. "Naiwan ko yung USB sa unit mo but I burn it in one disk. Mabuti nalang at sinunod ko ang instinct ko. Makinig ka, B. You're in danger, paniguradong alam nila na may alam ka na. Kunin mo ang disk, B. Balikan mo sa unit mo!" Napatigil sya saka nasinghot, "Dalhin mo agad yun sa pulis!!"
"Huminahon ka, Kyungsoo."
"No, iniwan ko si Tita kela Luhan. Nagdadrive ako ngayon, pupuntahan nalang kita, tell me where you are?" Napasinghot sya saka bakas ang pahyhysterical nya. Delikado sa kanya ang magmaneho pa, kung ganitong hindi stable ang emotions nya, "Pinatay nya. Pinatay nya si Nana." sabi nya at saka napahagulgol ng iyak. "You're in danger."
![](https://img.wattpad.com/cover/25616298-288-k521891.jpg)
BINABASA MO ANG
ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]
FanfictionByun Baekhyun can see ghost. Finding the mysterious death of Jang Hae Rin whom should he trust? Find out.