li

4.1K 295 85
                                    

Baekhyun

Hindi ako mapakali.

Bakit nya ako niligtas? Hindi kaya sya si Im Jin Ah? Kailangan nya talagang mabuhay. Ipinasok agad ang Pekeng Nana sa loob ng emergency room. I bit my fingernails. Hay, nahahawa na ako kay Kyunggie. Gawain nya kasi 'to. Dumadating sa punto na, he already needs some medication cause he's biting too much. Napayuko ako, namimiss ko na si Satansoo. Sana maging stable na ang kalagayan nya. Napatingin naman ako kay Chanyeol. Napaisip ako sa sinabi nya.

May dalawang tao sa loob nung sasakyan? Sino yung isa bukod kay Hong Joon? May naiisip akong tao. Si Mr. Song. Bakit sya? He owns that car plus assistant nya pa si Hong Joon. Hindi ko lang makonek kung bakit nya sasagasaan ang sariling asawa? Desperate? Mentally ill? By the looks of it, dalawang scene ang naturang krimen ni Hae Rin. Sinagasaan, tinuluyan bago sya tinapon sa bakanteng lote. Kung totoong may nangblablackmail kay Hoog Joon... ibig sabihin lang... magkaibang tao ang may gawa nito sa parehong magkaibang dahilan? Kung ganun... sino pa yung isa?

"Taehyung, samahan mo ako. Uuwi tayo. Ikukuha lang natin ng konting damit si Kyungsoo." sabi ko na syang tinanguan lang nya. Sya nalang kasi ang babalik dito mamaya. Hindi ako sasabay. Kailangan ko makausap si Mr. Song. Sa kahit na anong paraan, kailangan kong mapaamin na sya.

Habang paakyat kami sa unit, ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan talaga ako. Luminga-linga ako, just to make sure na walang nagaabang sa amin atsaka para pakiramdaman kung may tao nga sa loob ng unit ko. Nang mabuksan ko ang pinto'y agad na hinila ko si Taehyung papasok sa loob. Kumuha ako ng bag at nagsalin ng konting damit.. Now, saan ko hahanapin yung disk na pinagkopyahan ni Kyungsoo nung file galing sa USB? Kailangan ko ng mapanuod para malaman ko kung sino.

"Taehyung... may hahanapin tayo. Isang disk. Alam mo naman siguro yun hindi ba? Lahat ng makita mo, ibigay mo sa akin." I told him. Nagsimula na kaming maghanap sa kuwarto, sa sala at sa kung saan-saan sa parte ng unit. Ang dami naming nakita na disk pero hindi namin alam kung saan dun. Plinay namin yun isa-isa but to no avail, we found nothing. Hanggang sa dumating sa isang disk kaso may password. Hindi namin sya maoopen hangga't hindi namin alam ang password. Kyungsoo did it, I know that. He makes sure na hindi ito basta-basta mabubuksan.

Ang talino ahh.

"May password." said Taehyung.

Napaisip ako.. I tried Jongin's name pero hindi ito ang nilagay nya. Nakatatlong try ako before I stopped. Baka kasi malock, e. Nagkatinginan kami ni Taehyung. "Anong password kaya nilagay nya? Ay, Kyungsoo naman, e. Ito na, pinahirapan mo pa kami. Paano ko ibibigay sa pulis 'to? Marunong naman siguro manghack ang pulis no?" I muttured. Taehyung only shrugged, "Tsk! Dalhin mo nalang ang bag sa ospital. Ako ng bahala sa disk." Nilagay ko sa bodybag ko yung disk bago kami lumabas ng unit. Idadaan ko 'to na sa pulis.

"Saan ka pupunta?"

"Kela Jungkook." sagot ko.

"Magiingat ka, eomma."

Tanga na kung tanga. Parang sinusuko ko ang sarili ko sa kapahamakan pero I need to do this. Kailangan kong makausap si Mr. Song ng masinsinan. Ito lang ang naiisip. I can't think of nothing else but to confirm what kind of a man my sister's husband is.

"Balitaan mo ako kay Kyunggie."

Tumango lang sya. Naghiwalay na kami after that. Sumakay ako ng taxi. Kahit na ilang kanto lang ang layo ng bahay nila, e, nakakapagod pa rin maglakad ano. Nang makarating ako, huminga ako ng malalim. Napansin kong nakaawang ang pinto nila kaya pumasok na ako. Ipinagala ko naman ang tingin ko sa kabuohan ng tahimik na atmosphere ng bahay. Nasaan kaya sila Jungkook? Napapityag ako nang biglang sumara ang front door. Si Mr. Song.

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon