#HappyKyungsooDay
Baekhyun
Pinaypayan ko si Sir gamit ang kamay ko kahit nakaaircon naman. Hay, ang laking tao takot pala sa mumu. Ano nalang kaya kung makita nya ang nakikita ko? Inatake na siguro sya sa puso. Ay Sir, para sa mga fangirls nyo. Wag kang bibitaw kahit para sa akin nalang. Huehue. Charot lang bae.
Tinitigan ko lang ang mukha ni Sir habang natutulog sya sa sofa. Hindi pa rin kasi sya nagigising simula nung hinimatay sya, e. I leaned forward para mas matitigan ko ang mukha nya. He sleeps so peaceful and he doesn't snore. Tumaas ang kamay ko para sana hawakan ang pilik mata nya but agad na napatigil. Just one touch lang naman? Hindi naman masama at saka no one will know? This will only be a secret. I bit my lips. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Parang artwork si Sir Park.
"Bakit ang gwapo nyo, Sir?"
I touched his eyelashes, the tip of his nose and down to his lips. Binawi ko ang kamay ko at napaupo ng maayos. Kalma, Baby B. Hindi mo sya pwedeng mahalin. He loves somebody else and masasaktan lang ang utong mo. Napailing ako at kinuha ko ang phone ko para panakaw na kuhaan sya ng litrato. Ang hilig ko talaga magselfie. Hihi.
"Alam mo, pangarap kong maging dentist noon, e." Napangisi ako. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at binuka ang bibig nya. Ito ang napapala ng hindi pa inaantok. "Mukhang four times a week kayong nagtotoothbrush? Wala ni isang bulok ang ipin nyo. Jusko, may tinga nga lang. Kukunin ko ba? Kayo nalang. Kadiri kasi." Pinicturan ko ang tinga nya. Wala lang, souvenir para sa araw na nakasama ko sya. Ano bo, bokot bo ako gonoto?
I scanned the photo I took at napatigil sa isang litrato. Muntik ko na ngang mahulog sa kamay ko sa gulat. Sa isang litrato kasi, may nakatayong babae sa gilid ni Jesper. Yung babaeng nakita ko sa tabi ni Mr. Park dati, yung babaeng nakita ko sa bahay pa nya at itong babaeng nasa litrato ay iisa. Pagtingin ko sa pwesto ng kinatatayuan nya, wala naman. Anong kailangan nya? Ayaw nya bang magpakita sa akin? Bakit? Nacucurious ako sa multong ito. Sya ang multong bukod tanging ninanais kong magpakita sa akin. Lalapitan ko sana si Jesper pero may humawak sa paahan ko.
"AY BAKLANG BUNTIS!" bulalas ko.
"Kailangan ko ng pag-ibig."
Ito na naman si Ate Multong nanghihingi ng lalaki. Napakamot ako ng ulo. "Naman, e. Wala nga akong pag-ibig, 'di ba obvious?" Tinignan ko sya, "So kapag hinanapan ba kita ng pag-ibig, titigilan mo na ako? You will never show up again?" tanong ko sa kanya. Tumango naman sya. "Okay tara, susubukan natin ngayong gabi sa labas." I said. Ewan ko kung bakit ako pumayag sa favor nya but I saw something in her eyes. Hindi ko maexplain kung ano but it looks like she's being regretful. "Bakit ba kasi kung kelan naman mumubels ka na saka ka pa naghahanap ng majojowa? Choosy ka siguro. Sabi ni Eomma, hindi masama ang paminsang maging choosy. 'Wag lang sobra. Hahanapan kita ng mumung jowa material. Yung kamukha ni Brad Pitt 'pag inaagnas na. E, baka naman chumusy ka pa dyan ah?" sabi ko habang naglalakad kami sa kalsada. Napatingin ako sa mga taong nakakasalubong namin na wagas kung makatingin habang natatawa lang.
Pitingini. Multo nga pala kausap ko. Ako lang pala ang nakakakita sa kanya. Kasi naman, bakit ba nangyayari sa akin 'to? Hinampas ko ang noo ko. Baliw na peg ang lagay ko sa paningin nila. Dfvck bae. Need ko na ba kumonsulta or something? Sa albularyo o espiritista? Dentista? Lul.
"Namatay kasi agad ako."
"Paano?"
"Reyp slay tapos-"
"Hep, hanggang dun lang te."
Napayuko sya. Hindi ako nakasagot. Ang hirap nga naman. Marami ka pang gusto pero hindi mo magawa dahil pinutol na agad ang buhay mo. Kaya nga sabi nila, live life to the fullest. E, hindi kasi natin alam kung hanggang saan at kelan lang tayo sa mundo. Atleast, we already have experience the things we want. Yun lang.
Napatigil ako nang mapatigil sya.
May lalaking mumu sa waiting shed.
"Type mo?" Love at first sight e?
"Nahihiya ako."
Jusko, sabunutan 'to baba nito, e.
"Lapit ka na." Umatras sya. Ay susme, ano ba ang arte pa? Lumapit ako dun sa mumu na lalaki. "Koya, kung lonely and boring ka rin sa mumu life mo. Why don't you date this wonderful lady in white?" Inisnob ko nalang ang mga taong napapadaan para matapos na 'tong kalokohan na 'to. Sows.
"Sinong lady in white?" sabad nung lalaki sa kabilang dulo ng bench. Now, I'm having second thoughts kung kakausapin ko pa ba 'tong si Koya Mumu. "May asawa na ako." Aba, paki-alam ko naman. Epal masyado.
"Wag kang epal 'di ikaw kinakausap ko!" sagot ko sa kanya, "Wag kang nakikisali! May pader dito, hanggang dito lang." His face crumpled at saka kunot ang noong napatayo sya, "Hala sge layas! Lumayas ka ngayon din! MGA KAWAL!" Sigaw ko. I was about to burst in laughter. Munggago kasi.
"Baliw! May baliw dito!"
"Luh! Mas nakakabaliw yang man hole sa mukha mo! Hindi ko alam kung mukha ba yan o daanan! Echuserang frog!" sigaw ko pagkatapos ay muling binalingan si Koya Mumu, "Koya Mumu, utang na loob. I want you to meet your corpse bride. Jack meet Emily, Emily meet Jack. Hahahah. Naks."
Tumingin si Koya kay Ate at nagliwanag ang inaagnas nyang fezlak. I cleared my throat. Kakanta ako para mas feel. "Bakit ngayon ka lang. Bakit ngayon kung kelan tigok na ako. Wala ng laman." Hinawakan ni Koya ang kamay ni Ate. Naiiyak ako sa nakikita ko. Munggago lang kasi. "Sana'y nalaman ko na darating ka sa buhay ko," Naiiyak ako, "...di sana'y naghintay ako."
Tinignan ko lang sila at onti-onti na silang naglaho na may ngiti sa labi. Napaisip ako. Bakit si Lolo Flanax, hindi pa rin? Ginawa ko na ang gusto nya pero nandito pa rin sya? Tatanungin ko nga sya. Bumalik na ako sa Hotel. Pagdating sa floor ng room ko, natanaw ko si Mr. Park. Niyakap nya ako nang makita ako. Ang higpit sobra.
"Mr. Park, bakit po?"
Lalong humigpit ang yakap nya.
"Saan ka ba nanggaling?! Akala ko may nangyari ng masama sayo!" Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko, "Ayos ka lang? San ka ba kasi pumunta? Nagalala ako ng sobra. Akala ko mawawala ka na. Huwag mo ng," He paused, "..uulit yun!"
"Sir, 'wag OA."
Bitaw na rin dahil;
.
.
.
Yung boobs ko naiipit nyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/25616298-288-k521891.jpg)
BINABASA MO ANG
ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]
FanfictionByun Baekhyun can see ghost. Finding the mysterious death of Jang Hae Rin whom should he trust? Find out.