Chapter 3 : Nathan is back? O.O

51 2 0
                                    


Lj's P.O.V

"Naaaaathaaan!?" Napatakbo ako kaagad sa kanya at niyakap sya, Pero syempre dahil may atraso sya saakin, Sinapak ko sya. aba ikaw ba naman iwanan sa ere? sinong hindi maiinis?

"Araaay! Masakit yun leigh ah!"Sabi nya habang nakahawak sa kanyang pisngi

"Kulang pa nga yan! Ni hindi ka nga nagpaalam saakin na aalis ka! Iniwan mo na lang ako bigla!"

" Sorry na leigh, hayaan mo babawi nalang ako,Okay naba yun?" sabi nya. Nag nod naman ako at niyakap nya ako. Kahit kailan talaga madali nya akong napapapayag.

Sya si Nathan Kim Perez, My 1st ever bestfriend. Mas nauna sya kaysa kay Jel. Since Birth kasi bestfriend ko na sya. Kahit nung nasa japan pa kami.

"Pauwi kana? Labas muna tayo! Namiss kita eh."

"Okay." Sabi ko with a bright smile.

nag punta naman kami sa isang Simpleng Cafe, Pero peacefull dito, Walang ingay.

"Kamusta kana?" Simula nya

"Okay lang naman. Nga pala bakit ka umalis? San kaba nag punta?" Tanong ko.

Ininom nya ang kape nya at saka nagsalita

"Sa Japan. May inasikaso lang na business. Nga pala, may nanliligaw naba sayo?" Sabi nya. Nabulunan naman ako. Ano daw?

"Okay kalang?"Matawa tawa nyang tanong.

"Wala no! wala pa sa isip ko yan." Sabi ko. Nakita ko naman sya ngumisi para bang natatawa sakin.

"Bakit ka nakangisi?" Tanong ko.

"Wala. HAHAHAHA, Hanggang ngayon talaga 'di kaparin nababago." Sabi nya tapos ginulo yung buhok ko na parang bata.

"Tara na nga, baka hinahanap kana sainyo"Sabi nya at saka tumayo. Inubos ko na naman ang aking kape at sumunod na sa kanya.

Napunta naman sya sa bahay at nagkamustahan sila ni ate lyiah

"Ate Lyiah kailan nga pala babalik sila kuya Kairo, Kailix, Kenly?" Tanong nya.

"This month ata ." Sabi ni ate lyiah.

"Eh si Kuya kenshin?"

"Next week nandito na sya" This week?

"Ateee! bakit 'di mo sinabi saakin na dadating si kuya kenshin dito this next week?"

"Tinanong mo ba?, saka ngayon ko lang nalaman." Napaka pilosopo talaga Netong si ate.

"Hahaha, ganun parin kayong dalawa, laging nag aasaran."

Nagring naman ang cellphone ni nathan at sinagot ito. Nagpaalaam na rin sya. May gagawin padaw kasi sya. In-offer nya ako na ihatid bukas, Pumayag naman ako. Natapos ang araw ko ng Buo.

Dumating na si Nathan.

Ang lahat ng first ko. First Bestfriend, First knight Shining in amor, First love, At frist heartbreak. Buhay nga naman, kahit na ayaw mong malayo sa taong mahal mo, may iba naman na maglalayo sa inyo.

Ryu's P.O.V

"Oh eto na." Sabi ni Neon sabay abot saakin ng Isang folder. binuklat ko naman ito.

Name: Arishima Leigh Janine C.

Age: 17 Years old

Born in: Osaka, Japan

Yr/Class: 2nd year college taking up Engineering ,Class A.

Brother's&Sister's: None.

Parents: None.

Address: Street peter, 167 lot 4, Grande hills, Quezon city.

Scholar student

Leigh janine arishima Pala ah?. Humanda ka.

"Bro sure ka? Itutuloy mo? Kawawa naman si Ms.astig"Brent

"Oo nga ryu, Kawawa sya. Kung ibigay mo nalang saakin? Ako na ang bahala sa kanya"Neon

"MGA SIRAULO! Tigilan nyo nga ako! My decision is final. Whether you  like it all or not. " Sabi ko.

Leigh janine. Tignan lang natin kung sino ang unang babagsak. Kung sino ang unang umayaw, Talo.

*******************

Gangster's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon