Ryu's P.O.V"Ryu anak, sumabay ka muna saamin."rinig kong sabi ni dad.
"No thanks, marami pa akong gagawin sa school. Mauna na po ako."sabi at saka hinalikan sina mom at dad sa pisngi.
"Ryu!"sigaw ni ate.
"What?"
"Kiss ko?"
"Kiss-kisin mo yang nguso mo. Ah mom mamaya dadalhin ko dito si Janine, make sure na maayos kayo, lalo kana ate. baka maimpluwensyahan mo pa si janine."sabi ko at saka umalis.
Gusto kasi makilala nina Mom at dad si janine, so ayun papakilala ko sya. I don't pero, parang proud na proud akong sabihin sa iba na girlfriend ko sya kahit na kunwarian lang. Siguro gusto ko lang may maipakilala na girlfriend sa pamilya ko para hindi na nila ako kulitin na magpakasal sa iba.
"Ryu, mag-usap tayo"sabi ni dylan. magsasalita pa sana ako ng bigla nya akong hilain papuntang headquarters. Ano nanaman bang problema nitong si dylan?
Nang makarating kami sa headquarters, nandoon lahat, Seryoso ang mga mukha nila. Ano bang problema?
"May hindi ba kayo sinasabi saakin na hindi ko alam."seryoso kong tanong habang inililibot ang mga mata ko sa kanila.
"Dude, si am-----------"hindi natapos ni brent ang sasabihin nya ng may nagbukas ng pinto.
Napatingin kami lahat sa kanya. Si Janine napaka panira talaga kahit kailan -___-.
"Ryu, ah Hi guys"bati nya saamin, i mean sa kanila lang.
"ikaw ryu, mag-usap tayo. ah guys peram muna dito sa napaka BAIT nyong kaibigan"Nag-nod lang sila at saka ako hinila papalabas ng hq. Teka ako dapat ang gumagawa nito ah? ako dapat ang humihila sa kanya.
Huminto ako at tinanggal ang kamay nya at saka nag-tanong ng pasigaw.
"Teka, bakit mo ba ako hinihila? Anong karapatan mo, saka bakit ba? anong kasalanan ko!?"galit kong sabi.
inilabas nya ang isang dyaryo galing sa bag nya. School News Paper yun. Nakita ko ang picture ko mukha namin sa frontpage.
Yes Success. Sinasadya ko talaga yun para wala ng lumapit sa kanyang lalaki. Don't getme wrong, ayoko lang ng may lumalapit sa kanya habang kami pa, para iwas sa issue, at ayokong masabihang nagkagirlfriend ako ng flirt, which is hindi totoo about Janine.Hinampas nya saakin yung dyaryo. Aba't tarantado to ah?
"Leigh ano ba, itigil mo nga yan! oy aray!"sigaw ko, nakuha ko naman ang dyaryo.
"Ryu, please, alam kong ikaw ang may pakana ng letcheng school newspaper nayan!, ipatanggal mo yan. Baka makita yan ng mga kapatid ko."K-kapatid? may kapatid sya?
"Kapatid? Akala ko ba kinakapatid lang ang kasama mo sa bahay ninyo? pinagloloko mo ba ako janine?"Sabi ko habang naniningkit ang mata.
"Ah... eh... Oo nga! K-kinakapatid. N-nag kamali lang ng bigkas."Nauutal nyang sabi.
Naningkit lalo ang mata ko.
"Wag mo akong pinagloloko janine."sabi ko habang umaabante sa kanya.
"Bro, pagsinabi nyang kinakapatid yun na yun. Ano bang problema dun?"Biglang sulpot ng isang lalaki sa likuran ni janine. Si nathan. Bakit ba ang epal netong lalaking toh? >.< inaasar ko lang naman si janine ah?
"Pakielam mo ba?"imbis na manahimik ako ay pinatulan ko sya. Anong akala nya? matatakot nya ako?
Tinignan nya lang ako at saka kinuha ang kamay ni janine, at tuluyang tumalikod.
Hinablot ko ng mabilis ang isang kamay ni Janine, na dahilan ng paghinto ng dalawa.
"Bitawan mo si leigh"sabi ni nathan.
Tumawa naman ako.
"Alam mo nakakatawa ka nathan. Ikaw ang dapat bumitaw, dahil unang una wala kang karapatan sa kanya, kasi kaibigan kalang nya."matapang kong sabi.
Nakatingin lahat ng estudyante saamin, kaya mas lalong hindi ako magpapatlo sa kanya.
Natahimik lang sya. Akala nya mananalo sya sakin? Ul*l kapal nya.
"Baka nakakalimutan mo nathan, Girlfriend ko ang hawak mo. Pwede mo na bang bitawan ang prinsesa ko?"sabi ko sa kanya ng mata sa mata.
Tinignan nya lang si leigh at saka binitawan ang kamay nito. Dumaan sya sa gilid ko at may sinabi.
"Nanalo ka ngayon, pero sinasabi ko sayo ako parin ang mamahalin nya.Wala kang alam sa nakaraan namin."sabi nito at saka umalis.
Nakaraan? Anong nakaraan? Ashiiiit! kailangan ko pa bang malaman yun?
********************