Lj's POV
"Ah ija, kailan naging kayo ng apo ko?" Anong gagawin? ni hindi ko nga alam isasagot ko sa kanya e. Kasi naman, bakit kasi ako napunta ditoooo? Waaa T__T gutom na akooo!
"Ah.. Lo, nung nakaraang tatlong bwan po" Wow super ang galing magpanggap ng ugok na Ryu na 'to! Nakoooo!
"Ah.. Ganun ba? Nako apo, tutal malapit na kayong matapos ng college, at may mga business kanarin naman.. Bakit hindi na kayo mag anak?" Nabuga ko yung tubig na iniinom ko Anak? May sira talaga ang pamilya netong Ryu na 'to, Nabigla din ang Black cycle, napatingin sila saamin.
"Lo.. B-bata pa po kami.. saka.."
"Saka ano Franz?" Franz? Yun ba yung totoo nyang pangalan?
"Lo, Ryu nalang po. Saka lo, Ayaw nya pa po, kahit nga anong pilit ko ayaw nya pa" Anong bang pinagsasabi neto?
Inapakan ko ang paa nya, Napangiwi naman sya at tinignan ako ng masama.
Okay okay ! makatingin kala mo papatay na!
"Ganun ba? sabagay bata pa nga kayo, pero ang gusto ko sya na talaga ang maging asawa mo ryu ah? wag na wag mo na syang papakawalan,Ayokong mangyari ang nangyari saiyo dati. Maganda dalaga pa naman at mukhang mabait, kamukha nya ang iyong lola."sabi ng lolo ni ryu. Anong nang yari?
"Lo... Wag na po nating pagusapan yun, matagal na pong tapos yun."sabi nya
"Sige apo. Mauna na ako, may aasikasuhin pa ako sa batanggas, sayo din Ms.Arishima, alagaan mo ang apo ko ah"Sabi ng lolo ni ryu, Nag Nod naman ako.
"Pero babalik ako, dito ako magbabakasyon ng dalawang buwan, maliwanag" Nag-nod naman si ryu, Pusanggala! Lolo lang pala nya ang makakapagpatino sa kanya.
"Sige lo ingat kayo" At tuluyan na ngang umalis ang lolo nya, So ano pabang gagawin ko dito? Edi aalis na, bwisitna ryu nayun
"Hey hey! Where are you going?"tanong nya, Pero hindi ko sya pinansin, Bahala na sya sa buhay nya! pessteee!
"Hey! I said where are you going!?" Sigaw nya habang hawak hawak ang Wrist ko. Mapakahigpit ng hawak nya, parang mawawasak ang buto ko sa loob.
"B-bitawan moko! uuwi na ako" nagpumiglas ako pero.. Shit! ang lakas lakas nya!
"Hindi kapa uuwi, May paguusapan tayo!"sabi nya, Syempre wala na akong nagawa, hindi nya bibitawan ang kamay ko kung di ako papayag
"Sign this, Pirmahan mo, Yung totoo ah! ayoko ng niloloko ako!" sabi nya, Pinirmahan ko naman agad, Teka? para san ba 'to? binigay ko na sa kanya yung mga pinapirmahan nya saakin.
"You'll become my fiancee for 2months." Cold nyang sabi. FIANCEE? AS IN? UTOT BA SYA? BAKIT AKO PAPAYAG! AYOKOOOO!
"Bawal na umatras, kapag umatras ka ipapakulong kita"
"Paano mo naman ako ipapakulong aber! wala naman akong ginagawang masama" Inangat nya ang Folder na kaninang pinirmahan ko. Dont tell me..
"Yes, This are the evidence na pumayag ka, so if ever na aatras ka, ipapakulong kita dahil hindi ka tumupad sa usapan, Sige na You can go home"sabi nya
Lumabas naman ako kaagad,
"Bwisit! bwisit! nakakaineeeesss!" kanina ko pa yang sinasabi, Paano sino bang hindi mabubwisit sa lalaking yun? pagkatapos akong pagkamalan ng Girlfriend nya, ngayon gusto nya nalaman ng buong angkan at buong eskwelahan na fiancee nya naman ako? Nako! Pupugutan ko talaga yun ng ulo pagnagkataon!
"Leigh janine.. Right?" isang lalaki ang tumawag sakin mula sa likod, nilingon ko ito.
"Dylan Akiyama, part ng Black Cycle. Nakita mo na siguro ako?"Sabi nya at ngumiti ng bahagya, Oo pamilyar sya! Sya yung lalaki na tumingin saakin ng pagkalalim lalim, noong una kong nakaengkwentro si Ryu.
"Ah oo, E-eh b-bakit nga pala?" kinakabahan ba ako? Wee? Bakit ganito? ang bilis ng tibok ng puso ko. Di kaya ?
natatae nanaman ako? Naman oh! Lj, Stop thinking like that, hirap na baka datnan ako dito! wag naman sana
"Anyways, Nakita kasi kita, kasama si Nathan Perez, Kaano-ano mo sya?"Tanong nya
"Si nathan? k-kaibigan ko? b-bakit?"
"Wala, wala naman, Sige salamat sa oras,"Sabi at saka umalis, Isa din pala yun? Hindi Gentleman! Buti pa talaga si Nathan, Speaking of nathan! Nasan naba yun? Sabi nya susunduin nya ako? 10:20 na wala parin sya. Matawagan nga
Kinalkal ko ang bag ko, Wala, Bulsa ng uniform Wala!
"Nasaan naba yung cell---- Hala naiwan ko! Ayy tangaaaaaaa!"Tumakbo ako papasok ng school, saan ko ba naiwan yun? Ah! Doon sa HQ doon nga!
pumunta agad ako sa HQ, Walang tao, nauna ba silang lumabas? alam ko ako lang ang lumabas at si Dylan. Nakita ko ang Cellphone ko malapit sa bintana, Paalis na sana ako ng may matanaw akong mga tao sa likod ng building A, Ano namang ginagawa nila ng ganitong oras sa building A?
"Ryu pare! kamusta?" T-teka? Si Nathan bayun? Magkakilala sila ni ryu?
"Ano bang gusto nyo?"-Ryu
"Chill kalang ryu! Wag kang magmadali, pupunta rin tayo dyan"-Yung lalaking katabi ni nathan.
"Bakit kasi hindi nalang natin tapusin? marami pa akong gagawin na mas mahalaga kaysa dito"- Kasama nila Ryu
"Edi simulan"-Nathan.
Teka? Anong gagawin nila? Hala, may kutsilyo, 4finger? Hala ano ba 'to GANG WAR? k-kelan pa nagkaroon nito dito?
Tumakbo ako papunta sa building A, Dalian mo leigh! Dali! Baka may mapahamak sa kanila. Dahil sa pagmamadali ko, Nadapa ako at saktong pagkadapa ko natapat ako sa mga nag aaway, Ay tanga! Ang lampa mo talaga leigh SOBRA.
"Leigh?"- Nathan
"Leigh Janine?"-Ryu
Kailangan sabay? Nagulat naman ako sa mga kasama nila, Lahat sila nakatingin saakin at ganito ang eskpresyon ng mukha nila
O________o?
O_____O?
"H-hello! K-kasi n-naiwan ko yung-phone k-ko! S-sorry pala! S-sige i-tuloy n-nyo na Hehehe sorry ulit"- Isasarado ko na sana ang pinto ng biglang.
"Akala ko ba umuwi kana?! ihahatid na nga kita! -Ryu
Hinila nya ako hanggang sa makarating kami ng parking lot.
"Bakit nandito kapa? 'di mo ba alam na delikado dito pag gabi?"Ryu
"Eh ba't ikaw? nandito kapa?" Saad ko, Tumaas ang kilay nya.
"Eh ano sayo? ako ang may-ari neto, kaya walang kang pakielam ! pumasok kana nga dyan!"
"Ayoko. May paa ako para maglakad at hindi para ihatid ng isang aro----"Ipinasok nya ako sa kotse nya! Pesteee talagaaa toh!
wala akong nagawa kundi sumakay sa kotse nya, tutal gabi narin naman at baka wala narin akong masakyan, nakarating kami ng bahay.
"Salama---"
"Baba"
"Sand--"
"I said baba! Dalian mo nagmamadali ako!" Sigaw nya, natakot naman ako kaya sumunod narin ako, tapos nun umandar sya bigla! Peste talagang ryu nayaaan! napaka arogante! Sirain ko yang Black Porche mo eh! pumasok ako ng bahay,
"Wala parin si ate? Overtime nanaman" natulog nalang ako. Bwisit na araw toh! punong puno ng kaguluhan! Hindi sana 'to mangyayari kung di ko nakilala yung Ryu nayun eh! Waaaaaa!