Dylan's P.O.V
Ngayon ko na lang sya ulit nakita ng ganyan. Simula kasi ng nagbreak sila ni Amber lagi na syang masungit. Bakit kaya ng dumating itong si Leigh nagbago ang takbo ng buhay nya ?
Oh by the way, Let me introduce my self.
Ako si Dylan Akiyama, Part ng B.A.D alam nyo nanaman siguro yun diba? B.A.D the strongest gang group in the philippines. mabalik tayo sa punto. Ngayon ko na lang ulit nakita ng ganyan si Ryu, lagi na syang nakangisi, Nakatawa. Ewan ko ba kung anong meron kay Leigh, kung bakit napapatawa nya si Ryu ng ganoon, Ang alam ko lang na makapagpapasaya kay Ryu ay si Amber Perez the Sister of Nathan perez, Kaya rin siguro nagkagulo ang dating magkaibigan na Darkten At B.A.D, Hindi kasi boto si Nathan kay Ryu para kay Amber! kaya lumayo sila, Malayo kung saan hindi namin alam.
Nandito kami ngayon sa Airport kasama ang B.A.D, Susunduin namin si ate Rae, Ang nakatatandang kapatid ni Ryu.
"Antagal naman ni ate Rae"Sabi ni Neon habang nagbabasa ng Magazine.
"Edi dapat hindi ka nalang sumama"Sabi ni Iñigo
"Paki mo ba? Saka ikaw ba mayayari kay ate Rae pag di ako sumama? "sabi ulit ni Neon.
Talaga tong Kambal na to oh! Ganyan talaga sila, Kung anong kinalapit ng dugo nila sa isa't isa yun namang Kina layo ng ugali nila tsss -____-
"Ohhhhhhhh! Buti naman kumpleto kayo?"Sulpot ng isang babae sa harap namin, Syempre sino paba? Edi si ate Rae. Napatalon kaming lahat at sabay sabay syang niyakap
"Oh oh!, wait guys hindi ako makahingaaaaaa"Sabi nya at bumitaw kami ng yakap sa kanya, Grabe namiss ko itong si ate Rae
"Ryuuuuu! ang laki laki mo na!"sabi ni ate Rae habang kinukusot ang mukha ni Ryu.
"Ano ba atee! parang last month lang nagkita tayo!"sabi nya sabay tanggal ng kamay ng ate nya sa kanyang pisngi.
"Hahahaha, Hayaan mo na yan ate Rae, May lovelife na ulit kasi kaya masyadong Sensitive HAHAHAHAHA"sabi ni terrence, Nagtawanan naman kami habang si ate Rae inaasar si Ryu.
"True? Sino sino? Maganda ba? Maba---"
"Ate, Please? andami mong tanong eh"sabi ni Ryu. isang malakas ng batok ang natanggap ni Ryu galing kay ate Rae. HAHAHAHHAHAHA ibang klase talaga sya.
"HOY RYU! ATE MO AKO KAYA DAPAT LANG NA MARAMI AKONG ALAM TUNGKOL SA BUHAY MO, MAPA LOVELIFE MAN O HINDI. NAIINTINDIHAN MO?"
"FINE."simpleng sagot ni Ryu, nagtawanan naman kami.
Maya maya pa ay napagkasunduan namin na umalis na at pumunta sa bahay nila Ryu, Pero bago kami umalis may nahagip ang aking mga mata.
Si Leigh? Kasama si Kenshin King Cruxis? Kaano ano nya si Kenshin? Bakit Nya kasama Ang Isa sa pinakamagaling na member ng Cruxis Brothers? May posibilidad kayang, Sya ang tinatagong kapatid ng Cruxis Brothers?
********