Neon's POV
"Bro! Nagpalagay kapa talaga ng cameras para sa binabalak mo?" tanong ko.
Ako nga pala si Neo Xiang Pure chinese pero mas fluent ako sa Filipino, Dito kasi ako lumaki. Kasapi ako sa B.A.D alam nyo naman na siguro ang B.A.D o mas kilala bilang Boys Anatomy Destroyer.
nandito kami ngayon sa HQ, Naghihintay kay dylan. At si Ryu? Eto mukhang timang, Naglalagay pa kasi ng mga Cameras.
"So hindi mo talaga titigilan si Ms.astig?"Terrence
"Oo nga, Eh kung ibigay mo na lang sakin? At ako ng bahala sa parusa nya"sabi at saka tumawa. Tumingin naman saakin si ryu, Kaya napatigil ako sa pagtawa.
"Eh bakit nga ba kasi ginagawa mo yan?"Brent, Himala tahimik tong gag*ng to.
"Paki nyo ba? Just Wait and see. " Sabi ni ryu at nag Evil grinned, Hindi ko gusto ang ngiti nyang yan.
"Okay na"Sabi ni terrence "bayad mo?"
"Eto gusto mo?"Sabi ni ryu.
"Joke lang tol. Wag kang Highblood."sabi nya.
Dumating naman si dylan at sinabing Ayos nadaw ang lahat, Kaya ayun sa lunes tuloy na ang laban kasama ang darkten.
Brent's POV
Paano ko ba 'to sasabihin kay Ryu? Haaaay! Bakit kasi ayaw pang ipasabi ng lolo nya na darating sya. Talaga naman oh! Naguguluhan ba kayo? Ganito kasi yun.
Kanina tumawag ang lolo ni ryu, dadating daw sila this day, ayaw namang ipasabi ng lolo nya para daw surprise at pagsinabi ko daw isusumbong daw nya ako sa mga parents ko dahil sa mga kalokohang ginagawa ko at Para daw malaman nya kung may Girlfriend na talaga si ryu. Ang sabi kasi ni Ryu meron na syang Girlfriend kahit wala naman talaga. kasi naman 'tong ugok na 'to! nagsinungaling pa. Sabagay kung sasabihin nya ang totoo lolo nya mismo ang mamimili sa kanya ng Girlfriend.
"Oh brent, Himala tahimik ka" sabi ni Calix
"Ah eh! Nagugutom lang ako"
"Sure ka? Naninibago tuloy kami sayo HAHAHA"sabi ni Yves at nagtawanan sila.
Mga gag* talaga tong mga to! kung alam lang nila 'tong pesteng problema ko!
Bahala na. Tikom na ang bibig ko. Ayoko rin malaman ng parents ko ang ginagawa ko. Hirap na baka ibalik na ako ng tuluyan sa japan at 'di na pabalikin.