Lj's POV
"Suotin mo ito! Ito, Saka.... ito! Dalian mo, Ayaw nilang naghihintay."Cold na sabi ni Ryu, Anyways, Nandito kami ngayon sa isang sosyal na botique, As in.
Tumungo agad ako sa isang fitting room at sinukat ang mga damit.
"Eto? Okay naba?"Sabi ko ng lumabas ng Fitting room, Ang cute ng dress na suot ko Light Violet na may Diamonds sa gilid.
"No, Palitan mo yan. Ang pangit mo"Sabi nya. Ha? Ano daw? Ako pangit? Haaaay -__- wala ring patutunguhan toh, Sya rin naman mananalo sa huli eh. Saka hirap na no baka ako pa pag bayarin nya ng mga to.
Sinukat ko ang mga damit at lumabas sa fitting room pero ni isa WALANG BUMAGAY saakin, Sabi nya >.< Tsssk. Isa nalang tong dress Black and White pa, Kung eto hindi pa babagay Nako! ewan ko nalang.
Ryu's POV
Sh*t, Bakit ganoon ? lahat ng dress na Sukatin ni Janine halos lahat bagay sa kanya? Walang hindi bumagay, Pero syempre ayokong ipakita sa kanya na nagugustuhan ko na bagay lahat sa kanya iyon.
By the way, Pupunta pala kami sa birthday ni lolo, Kaya bibilan ko sya ng damit na susuotin nya.
Pumasok sya ng padabog sa Fitting room, Nainis na ata. HAHAHAHAHAHAHAHAA.
Wala pang sandali ay lumabas na sya suot ang Black and White Fitted dress, Napa gulp ako, Ayoko mang sabihin pero She's Hot And Very Pretty in that dress.
Tumayo ako at umiwas ng tingin, Ramdam kong namumula ako, ewan ko kung bakit basta umalis ako sa kinauupuan ko at pumunta sa counter.
"Ryuuuu! Sandali! Ano na bang isusuot ko dito?"Tanong nya.
Napahinto naman ako, At sinabi kong "Bahala ka." nang-hindi lumilingon.
Sh*t sh*t! Bakit ba ako nagkakaganito? >.
"Wala lang to ryu! Wala"Kumbinsi ko sa sarili ko.
"Anong wala lang ryu? Sino kinakausap mo?"Napatalon ako dahil may biglang nagsalita sa likod ko.
"Ano ba janine! Wag mo nga akong ginugulat! Nakakairita ka!"Sabi ko sabay lakad ng mabilis.
"Ryuuuu! Sandali!"Sigaw nya, Pero hindi ko parin sya pinansin
"Ryuuuuu!"Sigaw nya parin pero ako tuloy parin sa paglakad.
"RYUUU! NASAN NA YUNG SUOT KONG SAPATOS KANINA? WALA AKONG SUSUOTIN!"malakas na sigaw nya na dahilan ng pagtitinginan ng tao. Napahinto ako at bumalik sa pwesto kung nasaan sya.
"Nasan na yung sapatos ko?"Galit na sabi nya.
"Wala tinapon ko na."Sabi ko.
"ANO? TINAPON MO? HINDI MO BA ALAM NA BIGAY PAYUN NI JEL SAKIN? TAPOS ANO? ITATAPON MO LANG? HIND------"tinakpan ko ang bibig nya. Ang ingay ingay kasi, Pinagtitinginan na kaya kami ng mga tao.
"Bibilhan nalang kita ng bago okay!?Itigil mo na yang bibig mo! Para kang nakalunok ng Limampung Megaphone! "Sabi ko sabay hila sa kanya sa isang Shoes Store. Nako nako! Pag sya lagi ang kasama ko sure akong nabibingi ako sa kakatalak nya.
Lj's POV
"Eto isukat mo!"Sabi nya sabay abot saakin ng heels. Nagulat ako dahil
"4inches heels? Nababaliw kana ba ryu? E kung matapilok ako dyan sa heels nayan? Tapos nabagok ako? Nako ryu sinasabi ko sayo pag ako namatay dahil natapilok ako Isusunod kita ng bonggang bongga."Sabi ko. Napanganga naman sya. Atsaka...... Tumawa -____- Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?
"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA! YOUR SO FUNNY! HAHAHAHAH DAHIL SA HEELS LANG? HAHAHAHAHAHAHHAHA"sabi nya sabay habol ng hininga. Buti nga sayo.
"Okay.. Hahaha, Isukat mo na."Sabi habang nagpipigil ng tawa, Ha.Ha.Ha Nakakairita talaga tong mokong na'to.
Sinukat ko ang heels, Noong una ayos pa nakatayo ako pero nung lumakad ako.....
"WAAAAAAAHAAA!"Sigaw ko, Hindi ako lumanding sa sahig, Ramdam kong may sumalo saakin.Dinilat ko ang mata ko at...
Tinulak ko si Ryu... Woooah! muntikan nanaman nya akong mahalikan. Buti nalang alert ako.
"Masakit yun ah!"Sigaw nya sabay tayo.
"Tumayo ka na nga dyan! Dalian mo. naghihintay na sila saatin doon"Sabi nya sabay Alis. Bakit ang hilig nyang mag walk out? -___-
Binayaran nya naman ang heels, At umalis na kami sa mall. This is it, Makikilala ko na ang parents ng mokong na'to. Sana naman mabait sila... Sana nga.
***********