Chapter 4 : Nathan's Chapter [Point of view ]

43 1 0
                                    

Nathan's P.O.V

(a/n: Sorry natagalan yung POV ni Nathan My loves

Kani-kanina lang nasa bahay ako nila Lj. nang biglang tumawag si Sam. 

[ Nasan kana? ]Galit na Tanong nito. ano nanaman bang nakain nya?

"Diba sabi ko, Bukas na ako pupunta dyan?" 

[ Bukas? Gag* kaba Nathan! Nalaman na ng B.A.D Nagpadala na sila ng Date kung anong oras kailan, At sa anong lugar. Tapos sasabihin mo bukas? Siraulo kabang talaga? ] 

"Ayyyy shit! wag ka ngang sumigaw, ano naman kung malaman nila? Sige na pupunta na ako dyan" Then i hang up the phone. 

Nagpaalam naman ako kay ate Lyiah at Lj. 

Ako si Nathan Kim perez. The leader of Darkten gang. 19 years old na ako, sa japan ako nag-aaral pero dahil bored ako dun, eto bumalik ako dito sa pinas, Gusto ko rin kasing makita si Leigh. I miss her very much. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganoon kami ka close. Nagkaroon kami ng Relationship, When we was in 2nd year high. Nagbreak kami dahil sa parents ko, Pinaghiwalay nila kami. Actually Wala pang malinaw na breakup ang nangyayari dahil nga Inuwi agad ako ng japan ng mga magulang ko. kung tinatanong nyo kung mahal ko pa sya, Oo sobra at hinding hindi magbabago yun. 

"Nathan!" Sigaw ng isang familiar na boses. 

"Samuel!, Kamusta k-----" Hindi ko na naituloy ang sinabi ko. Bigla nya nalang kasi akong sinapak. Siraulo to ah! 

"Wag kang highblood sam.  di mo ba alam na dalawang beses na akong nasusuntok? Nababawasan ang pagka Charming ng mukha ko!" sabi ko sabay punas ng dugo mula sa gilid ng aking labi. 

"Eh gag* ka talaga e! akala ko 'di ka nanaman pupunta!" 

"Relax, Eto na oh! nandito na.... Nga pala nasan na yung B.A.D?" 

"Actually, Si Dylan lang ang pumunta dito." Si dylan lang? tapos pinapunta nya ako ng nagmamadali pa? Ha! 

Naglakad kami papasok ng HQ. nakita kong nakaupo si Dylan.

Si Dylan Akiyama, Part ng B.A.D kings, Minsan napapaisip ako, paanong nasali sya sa B.A.D eh kapag may laban sila never syang gumalaw, Parang nanonood lang sya. 

Tumayo si Dylan at sinabing

"Sa Eitouk International School Sa likod ng building A, 10:30 ng gabi, Sa lunes. Tandaan mo, Ayoko ng paulit ulit." Sabi nya at lumabas na ng HQ. 

"Anong problema nun?"Tanong ni Xander.

"Baka may sumpong. Hahaha iba na talaga sya kaysa dati." Sabi ni Paul at bigla silang nagtawanan. Tama naman sila eh, ibang iba na si Dylan simula noong nagkaaway-away ang B.A.D at Darkten, kung anong dahilan? Better ask ryu kung bakit.

Grabe ilang years narin pala akong nasa Japan. Namiss ko tong mga ugok na toh, Dont get me wrong, Wala akong gusto sa kanila o kahit kanino mang lalaki, Sa charming ng mukha kong to? Manglalalake ako? HAHAHA that so GAY. 

Nag-saya naman kami, Kwentuhan, Inom. Pagkatapos nun ay nagsiuwian narin kami. 

*****

Gangster's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon