Kairo's P.O.V
"Ibabalik ko na sa japan si leigh."Bungad kong sabi sa kanila matapos ko sagutin ang tawag ni uno.
"No! hindi pwede, nag-aaral si leigh dito, tapos kukunin nyo sya? diba napag-usapan nanatin yan? na hangga't nababantayan namin ng maayos si leigh dito muna sya?Pag di-sang ayon ni lyiah. Bakit ba napaka tigas ng ulo ng isang 'toh?
"Delikado na ang buhay nya dito. Eh paano kung malaman nila Uno na buhay si leigh? sige nga! paano kung si leigh lang mag-isa dito? paano kung wala kayo? Sige nga, sabihin nyo sakin ngayon ang gagawin nyo sakaling mapahamak si leigh?"Inis kong sabi
"Tama si kairo lyiah, hayaan nalang nating mabuhay si leigh sa japan, doon paniguradong secure sya doon." dag-dag ni kailix.
"Ah basta, dito lang si leigh. Walang aalis."sabi ni lyiah at saka tumayo, pero pinigilan ko sya.
"Iuuwi ko si leigh sa ayaw nyo man o gusto. Ako ang masusunod. Ako ang magdidikta kung uuwi sya o hindi."Sabi ko.
Ako si Kairo Lee Cruxis. Kuya ni leigh. Panganay sa magkakapatid. Namantay ang magulang namin noong 17 years old ako. 10years past ng mawala sila saamin, at dahil iyon sa mga Villarama, Mga hayop na Villarama. Walang kaalam-alam ang mga magulang ko ng patayin nila ito.
Nang mabalitaan namin na in-ambush sila agad kaming pumunta sa pinangyarihan. Pero wala na,huli na kami ng dating, Patay na sina mama at papa, pinatay na sila. At ang gustong patayin ngayon ni Uno ay si Leigh, ang kapatid ko. Si leigh talaga ang papatayin dapat nila noon, pero maswerte si leigh dahil hindi sya pinasama ni mama, dahil alam nya na na kahit anong oras, kaya silang patayin ng mga villarama. May alitan ang pamilya namin at ang villarama. Si Argon Villarama III ang may-ari ng gang na sikat sikat sa japan na Akiyama. Pero dahil Malapit si papa sa tatay ni uno na si Argon, Kay papa pinaubaya ang gang. Nagalit si Uno, kaya naisipan nyang patayin sina mama, papa at leigh. Pero nagkamali si Uno ng kinalaban, dahil bigo syang mapatay si leigh. Kaya nadamay si leigh sa gulo ay dahil sya ang tagapag-mana ng Grupong iyon, kaya pag namatay si leigh, sa pamilya ito ni uno mapupunta, which is Ang Villarama. Pero hinding-hindi ako papayag na mangyari iyon. Mapapatay muna nila kami bago nila mapatay si Leigh."Ang hirap kasi sayo kairo, yung grupo ang inuuna mo, hindi mo iniintindi si leigh."Sigaw ni lyiah. Inawat naman sya nila kenly.
"Ate, please wag na kayo mag-away"sambit ni kenly at kenshin.
"Hindi mo alam ang totoong rason kung bakit ko sya pinapauwi sa japan. kaya wag na wag mo akong huhusgahan."sabi ko sabay panik saaming kwarto.
Walang magyayari kung makikipag-talo pa ako kay lyiah, alam ko naman hindi sya papayag na kunin namin si leigh. Pero kahit anong mangyari kukunin ko si leigh, dahil saakin sya ibinilin ni mama at papa, at ayokong sirain iyong pangako ko sa kanila.
************************