Leigh's P.O.V
"So ija, Magkwento ka naman tungkol sa family mo. About you."Nakangiting sabi ng nanay ni ryu.
"Ah, Wala naman po akong gaanong makukwento sainyo kasi, wala na po akong magulang, Wala rin po akong.. kapatid"diretsadong sabi ko.
"Oh.. Im so sorry to hear that."pagpaimanhin ni tita wendy.
"Ah, okay lang po. Yung about nalang saamin ni ryu, kung paano kami nagkakilala."
"Oh sure, i want to hear that"sabi ni tito uno.
Nagsimula naman akong magkwento.
"Nagkakilala po kami ni ryu, sa simabahan."panimula ko.
"Papalabas na po sana ako nung habulin nya ako. Akala ko nga po aaminin nya agad na na love at first sight sya saakin, Yun pala iaabot nya saakin yung panyo ko."natatawa kong sabi, Akalain mo yun? pwede na akong maging author sa wattpad ng mga stories. HAHAHAHHA.
"Tapos yun, hanggang sa lagi na naming nakikita yung isa't-isa sa simbahan. Hanggang sa, KABOOM! naging kami na."pagwawakas ko.
"Aaaaay! nice story anak! nagsisimba kana lala ulit, hindi mo sinasabi, buti nalang hindi mo na naaalala si amber pagnagsisimba.... ka"napatingin kaming lahat kay tita wendy.
"Ma, Past is past, wag na po natin halungkatin yun."walang ganang sabi ni ryu. "Excuse me, CR lang ako."sabi ni ryu sabay alis.
"Ah, ija just wait here, okay? Uno, ikaw muna ang bahala kay leigh okay?"Sabi ni tita wendy atsaka sinundan si leigh.
"Ah, ija kilala mo ba si amber?"tanong ni tito uno.
Nag-kunwari naman akong hindi ko kilala.
"Hindi po eh, sino po ba si amber?"
Bumuntong hininga si tito uno at saka nagsalita.
"Si Amber, First love ng anak ko yun. Sya lang yung nagpatino kay ryu, sya lang rin yung kaisa-isang babaing pinakilala nya saamin. Alam mo, nung mawala yang si amber sa piling ni ryu, bumalik ulit sa dati ryu. Naging basagulero, Mainitin ang ulo, at iba pang dating masama nyang gawi."sabi ni tito uno. Halata sa mukha ni tito na talagang nalulungkot sya para kay ryu.
Nilapitan ko si tito at hinawakan ang kanyang kamay.
"Makaka-asa po kayong, babaguhin ko si ryu. Pangako ko po yan, Hindi ko iiwan ang anak nyo hanggang sa nabago ko na sya."sabi ko sa kanya.
Nangiti naman sya.
Nagkwentuhan din kami tungkol sa kabataan ni ryu. Biruin mo yun, Takot pala sa dilim yun mokong nayun, takot din sya sa mga manika
Hahahahahha, mukhang magagamit ko yun sa kanyang panti-trip yun."Ah, dad. gabi na po kasi, ihahatid ko na sya, baka hanapin na sya sa kanila."biglang sulpot ni ryu, teka? namamaga yung mata nya. Anong nangyari?
"Ah, ija."tugon ji tito at saka inurong ang upuan ko.
"Salamat po tito."sabi ko at saka ako nag bow.
"Ingat kayo ryu."paalam ni tita wendy at ni tito uno.
"Sige dad mauna na kami"pag-papaalam ni ryu, at saka kaki tuluyang lumabas ng dining area.
Tahimik lang kaming naglalakad papalabas ng mansion nila.
"Ryu, bakit namamaga yung mata mo?"tanong ko. Pero ilang minuto ang lumipas, wala akong sagot na nakuha sa kanya, hanggang sa maisakay nya ako sa kotse.
Tahimik lang kaming bumabyahe. hanggang sa ang kakulitan ko ay umiral namaman. bahala na kung irereject nya yung tanong ko.
"Ah.. ryu, yung tanong ko kanina bakit namamaga yung----"
"Shut up. Wala kang pakielam kung namamaga ang mata ko, at hindi mo na kailangang malaman kung bakit."seryoso nyang sabi. Napatahimik naman ako.
"sabi ko sayo leigh eh! wag kana mag-tanong eh!"mahin
àh kong sabi.Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin.
"Salamat, ryu"sabi ko at saka bumaba ng kotse. Agad nya namang pinaandar yung kotse.
"Anong problema non?"tanong ko sa sarili ko.
Pumasok naman ako kaagad sa bahay.Nadatnan ko si sam, sa sala mag-isa.
"Oh, baby nasan si daddy mo?"tanong ko sa kanya saka sya tinabihan.
"Daddy, went to.... to..... i dont know tita leigh, but he said, that he will bring a pasalubong for me, if i'll wait you without labas labas dyan sa labas. Ah tita leigh may isa pa po pala. Tito kairo, tito kenshin, tito kailix and tita lyiah they went to "idont know with daddy, they'll stay daw dun for 3days, kaya ikaw daw mag-aalaga saakin hihihhih."sabi nya habang nakayakap saakin.
Pinisil ko naman yung pisngi nya.
"Ganon? o sige, ah kumain kana ba?"
"Yes. How about you tita?"
"Yes baby. So tara na? Let's sleep na?"
"Okay tita"sabi nya saakin at saka ko sya binuhat papuntang kwarto.
Ibang klase talaga ang mga kuya ko, nakayang iwanan si sam mag-isa dito. Mabuti nalang mabait 'tong pamangkin ko, nakoh kung hindi, baka kung napano na ito.
*Riiiingggg riiiingggg*
"Titaaaa! your cellphone rings!"sigaw ni sam.
Agad ko namang kinuha ang cellphone ko sa kama.
Pag-tingin ko, Unknown number. Sino kaya 'toh?
"Hello?"
["Hey Megaphone! this is ryu, save my number or else i'll kiss you. That's all goodnight!"]Toot toot.
"Putch*! binabaan ako?"napatakip ako ng bibig ko, si sam pala kasama ko.
"Don't worry tita, i'll not sumbong sumbong you to daddy."sabi nya at nag wide smile. HAHAHAHA, angcute ng batang 'toh!
"Hahahahaha, ikaw talaga. Tara na sleep na tayo?"
"But tita, daddy brush my hair. Because i can't sleep without brushing my hair."sabi nya at humikab.
"Okay, higa ka muna, tapos i'll brush your hair okay naba yon?" nag-nod naman sya at saka humiga.
Hanggang sa makatulog sya ay sinusuklayan ko parin yung buhok nya.
*Bzzzt bzzzt* Kinuha ko ang cellphone ko, baka mamaya sila kuya yung nag text.
From: 0909*******
Hey, i said save my number, baka hindi mo pa si-nave, uulitin ko ang master ryu mo ito! i-save mo na ngayon na."
-
Langya. Nakuha pang mag-utos! batukan ko 'toh e! Sinave ko muna yung number nya bago ko sya replyan ulit.
To: Menopause
Oo na na-save k na! good nyt na!......Send.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang
*bzzzzt bzzzzzt*
From: Menopause
Goodnight girlfriendshajjsbsbr vejjdjwjeurvakkwlslaljwoeilqertyylsjebhe
-
Ano daw?
To: Menopause
Parang tanga ryu! cge n good nyt!, wag kana magtetext ulit!
-
*Bzzzzzzzt bzzzzzzt*
Ay ang kulit! >.< nakakabwisit naman tong si ryu!
From: Menopause
That's not me! its ate rae!
-
Hindi ko na sya ni-replyan. Bahala sya maghintay ng reply ko, basta ako matutulog na.