Lj's P.O.V
"Ang aga aga ryu! tigilan mo muna ako! nakikita mo namang nag rereview ako para sa mid-------"hindi man lang nya pinatapos yung pagsasalita ko, instead hinila nya ako. Napaka arogante talaga.
"San ba tayo pupunta kasi!"sigaw ko, nandito kami ngayon sa corridor, naglalakad, ahhh i mean sya lang ang naglalakad, samantalang ako kinakaladkad nya, oh diba? napaka bait talaga nya? -______-.
Maya-maya pa'y nakarating kami ng parking lot. Nakasalubong pa nga namin sila Dylan at Neon. Nag-usap lang sila neon at ryu, habang si dylan nakatingin lang sakin. Natapos din ang pag-uusap nila at saka umalis ang dalawa.
"Bakit ganoon makatingin si Dylan?"tanong ko kay ryu.
"Hayaan mo nalang yun, baka wala sa mood. Sumakay kana bilis! ang dami mong tanong! pag tayo na-late humanda ka sakin!"sigaw nya. Pumasok naman ako sa loob.
"Saan ba talaga tayo pupunta?"mahinahon kong tanong
"Secret"simple nyang sagot at pina-andar ng kotse.
'Hindi kaya......... sa oh my god! wag naman sana! mahal ko pa ang bata----'
"Ano bang nasa isip mo? hindi kita da-dalhin sa motel,hotel, condo or what. natatandaan mo ba yung sinabi ko? kailangan natin mag date dalawang beses sa isang linggo."pagpapaliwanag naman nya.
"Buti naman.... Pero san ba talaga tayo pupunta?"tanong ko ulit, sorry naman, makulit talaga ang lola nyo. eh curious ako eh.
"Sa Enchanted kingdom, tapos next doon sa bistro ni inigo. Ano masaya kana?"inis na sabi nito.
Napangiti naman ako. First time kong makakapunta sa Enchanted kingdom. Believe me or not, first time talaga, diba pinaliwanag ko na sa inyo? na bawal akong lumabas ng bahay kasama sila kuya? hindi rin ako pinapagala, saka wala narin kaming parents.
After 1639253829years! nakarating din kami. Namangha ako. Ang ganda pala dito?
"Teka nga. parang manghang-mangha ka, wag mog sabihing first time mo dito?"gulat nyang tanong.
"Ah... eh.... Oo"nahihiya kong sagot.
"Tsss -____- binbo."
"Oy! alam ko ibig sabihin nun ah!"sabi ko pero imbis na patulan nya pa ako ay hinila nya nalang ako papasok. Bakit ang bait netong si ryu noh? sa sobrang bait nya ang sarap nyang ingud-ngod sa canal >.<
"Sir dalawa po ba?"sabi nung nagbabantay sa entrance.
"Yes."simpleng sagot ni ryu.
nang mabigay saamin ang tickets ay, pumasok na kami.
"Saan mo gusto mauna?"tanong nya sakin.
"Sa horror house."masaya kong sabi.
"W-WAG!"malakas nyang sigaw. "Doon nalang sa Roller coaster."sabi nya.
"Ano bang problema mo ryu? Alam mo ang gulo mo! tinatanong mo ako kanina tapos ayaw mo naman pala sa gusto ko. nagtanong kapa. Siguro natatakot ka noh?"Pang-aasar ko sa kanya.
Tumingin naman sya saakin ng pagkasama-sama. It means, naiinis na sya.
"Tara na nga!"sabi nya. "Sa roller coaster?"tanong ko.
"Sa Horror house. Retard"sambit nya at saka ako hinila papuntang horror house.
Akalain mo yun? nanalo ako sa kanya. ^________^ ang galing mo leigh!
"Ikaw mauna."sabi ko sa kanya, agad naman syang nauna. nasa likod nya ako ngayon, pero hindi naman ako kumakapit, nasa likod nya lang ako.
Maya-maya, isa-isang nanggulat ang mga manikin sa loob. Nagulat ako hindi sa mga nang-guulat, kundi kay ryu.
Sino bang hindi magugulat kung bigla syang tumakbo sa likod ko at saka nag-tago. Sabi na eh, natatakot sya dito, kaya ayaw nyang dito kami pumunta kanina.