Lj's P.O.V
Kakauwi lang namin ni Ate Lyiah galing airport. Sinundo namin si kuya Kenshin, Grabe! Ang hinhin nya parin, Pero gaya ng sabi ko noong umpisa pa lamang, Ganyan talaga si kuya, Pero kapag nasa racing field na, Harujusko! Mamamatay ka sa init. Hahaha
"Oh Leigh! Kamusta ang pag-aaral? kamusta ang Scholarship mo? Okay naman ba? Wala naman bang nanliligaw sayo doon?"Nabuga ko ang kinakain ko. Nga pala paano ko sasabihin kay kuya? magagalit to for sure.
"Okay kalang?"Lumapit sila saakin at pinainom ako ng tubig.
"Oo okay lang ako, Nga pala kailan babalik sila kuya kairo?"Pagiiba ko. buti na lang sinakyan nya. Muntik na ako dun.
"Hindi ko alam bunso eh. Pero hayaan mo pagtumawag sya babalitaan kita"Sabi nya, Umalis saglit si kuya kasi may tumatawag sa Cellphone nya.
"Hello?.... Ah Sige sige.... Okay bye"Sabi ni kuya at bumalik sa hapag.
"Ate Lyiah!, Matatapos kana ba?"tanong nya kay ate
"Oo bakit?"Sagot ni ate, Nagtitigan lang sila, Ang weird nila. Bumalik sila pagkain at mabalis tinapos ito.
"Oh? San kayo pupunta?"tanong ko "Iiwan nyo ako mag-isa?"Dagdag ko.
Nahtinginan muna sila bago sumagot, Bakit ba ang weird nila?
"Babalik kami agad! Okay? dito kalang, Ikandado mo lahat ng pinto, Wag kang lalabas okay?"sabi nilang dalawa at saka sabay nila akong kiniss sa magkabilang pisngi ko.
Umalis sila. Iniwan nanaman ako. -______- Porket ba bunso ayaw nilang isama? Tsss -___-
Gaya ng sinabi nila, Hindi ako lumabas ng bahay, Pero tinawagan ko naman Sila Jel at Snapie para may kasama ako.
"Oh my gosh? Nandito na si Kuya Kenshin?"Gulat na tanong ni Jel,
"Yup!"Sagot ko
"Waaaait, OP ako, Hindi ko kilala kung sino yung kenshin."Sabi ni Snapie. Kumapit naman sia Jel kay Snapie At sinabing "Maging tayo muna bago ko sabihin saiyo kung sino si Kenshin."sabi ni jel, Natayo naman si Snapie at nagpagpag. "Nako Jel, Kinikilabutan Aketch sa sinasabi mo!" Sabi nya. Nasabi ko bang may gusto si Jel kay Snapie? Ganun nga ka gwapo si Snapie, Miski ang Queen Bee ng Eitouk nagkagusto sa kanya e, Iba ang Karisma netong baklang ito.
Maya maya nagsiuwian narin sila 8:00pm narin sila umiwi, Eto ako ngayon Mag-isa nanaman -___-
Nagbabasa ako ng libro, Yung Fifthy Shades Of Grey? Waaaaaa, Kinikilig ako sa kakisigan ni Christian Greeeeey!
*Dingdoooong* *Dingdooooong* Sunod sunod na doorbell ang nanggaling saaming gate
"Sino yan?"Tanong ko, Pero walang sumasagot.
Natakot ako. Halaaa! Baka magnanakaw to? O kaya naman rapist? Eto ba yung kumakalat na balita sa Village? Na Bigla na lang silang papasok sa bahah nyo tapos rarape-pin ka tapos papatayin? Waaaaa! Erase erase! Ang dumi na ng isip ko.
Kinuha ko ang Baseball bat ni kuya Kairo sa kwarto nya at bumaba.
"Etoo na... etoo naa..."Binuksan ko ang Gate at ........ Pinigilan nya ang pagpalo ko ng Baseball bat. Dinilat ko ang mata ko.
"R-ryu? bakit ka nandito?"Tanong ko sa kanya.
"Papatayin mo ba ako? Kung may galit ka sakin sabihin mo! Hindi yung bigla ka nalang manghahampas ng baseball bat." sabi nya sabay pagpag ng damit nya. Ano ba kasing ginawa nya rito?
"Bakit ba kasi napasugod ka? At saka teka? paano mo nalaman ang Bahay ko?"Taka kong tanong.
"Para san pa't may Connection ang Family ko? Mabuti pa tara!"bigla nya akong hinila kung saan.