Ryu's P.O.V
"Bakit mo naman kasi ginalit si nathan! iba magalit yun!"kanina pa nya sinasabi saakin yan. Nakakarindi, eh ano naman kung iba magalit yung gag*ng yun?
"Mas iba ako magalit janine, kaya tumigil ka kakasabi saakin nyan."sabi ko. natahimik naman sya, nagets nya siguro ang ibig kong sabihin.
"Pupunta tayo ngayon sa bahay, Suotin mo 'toh!"sabi ko sa kanya sabay hagis ko sa kanya ng damit.
"Bakit naman tayo pupinta sainyo?"tanong nya.
"Gusto ka makilala ng magulang ko."
Nanlaki ang mata nya at lumapit saakin.
"A-ayoko"sabi nya at saka ibinalik saakin ang damit
"Anong ayoko? Isusuot mo yan at pupunta tayo sa bahay, O ako mismo ang magsusuot nyan sayo at kakaladkarin kita papuntang bahay?"
"A-akin na. Hindi ka naman mabiro, eto na oh"sabi nya saakin at nag smile.
Ang cute nya. Wait wait, Did i say that? erase erase! Ang pangit nya pala! para syang Sped na 'di mo maintindihan.
"Ang pangit mo! wag ka ngang ngumiti ng ganyan, hindi bagay sayo!"sabi at saka tuluyang lumabas.
"Tss -____-"sabi nya at padabog na pumasok sa banyo. She's funny, nakakatawa sya lalo na pag-naaasar.
Wala pang sandali ay lumabas na sya suot ang Black dress na binigay ko sa kanya. Sheet! bakit? bakit ang ganda--- este pangit nya pag-nag susuot ng mga ganyang damit? -__- hindi bagay, tss -.-
"Ang pangit mo, pero pwede narin. Tara na hinihintay na nila tayo."sabi ko at saka sya hinila.
Sumakay naman kami kaagad ng kotse. Tahimik lang sya sa kotse, nakakapanibago sya, dati ang ingay ingay nya pag bumabyahe kami, pero ngayon hindi na, ano kayang nakain ng babaing megaphone na'toh?
"Himala, ang tahimik mo"
"Wala kana don."aba't nakuha pang magsungit. Ano bang problema nito? Ah baka yung sinabi ko kanina.
Tahimik lang kami hanggang sa marating namin ang tapat ng bahay namin.
"Okay, maganda kana. Bagay sayo yung dress, okay naba yun?"pagkasabi ko no'on ay ngumiti sya nag pagkalapad-lapad.
"Sabi ko na nga ba eh! niloloko mo lang ako! So tara na? Lalaking nag-me menopause?"Anong sabi nya? Lalaking nag me-menopause?
"Hoy anong sabi mo!?"sigaw ko sa kanya pero bigla nalang syang pumasok ng mansion.
"Aba't, walang-hiya. Aishhhhhhhit!, janine hintayin moko janine!"saad ko at saka tumakbo para habulin sya.
*******
Third person's P.O.V"Leighhhhhhhhhhhh!"sigaw ni rae ng makita nya ang pamilyar na mukha, walang iba kundi si leigh.
"Ate rae!"tugon ni leigh at saka niyakap nya ito pabalik.
"Tara, doon tayo sa dining. Naghihintay na sila mom at dad sayo"nakangiting sabi nito.
Hindi halatang kinakabahan si leigh, pero sa loob-loob nya ay matinding kaba ang nararamdaman nya.
'Maniniwala kaya silang girlfriend ako ng anak nilang nag-memenopause?'sa isip-isip ni leigh.
Tumuloy naman silang tatlo sa dining kung saan naroon ang magulang nila Ryu.
"Kinakabahan ka?"tanong ni ryu kay leigh.
"Slight, para kasing nakakatakot yung magulang mo"sabi ni leigh habang nakatingin lang sa sahig.
"Wag ka 'ng kabahan okay? hold my hand"sabi nya.
Napatingin naman si leigh ng sabihin nya ito.
"Talaga? pwede? baka joke lang yan!"paninigurado ni leigh.
"Ayaw mo? edi wag!"sabi nito at saka lumayo ng bahagya kay leigh, yung para bang nagtatampo.
"Uy! joke lang, eto na nga oh! nakahanda na yung isang kamay ko."sabi ni leigh habang nahinto sila sa paglalakad.
Hinawakan naman ni ryu ang kamay ni leigh na parang tunay na nyang kasintahan.
"PDA, pero okay lang bagay naman kayo"mahinang bulong ni Rae sa kapatid na si Ryu.
"Shut up"balik nito sa kanyang kapatid.
Maya-maya pa'y nakarating na sila dining. Tanaw na tanaw ang dalawang tao na hindi naman katandaan na nakaupo sa harap ng hapag.
'eto na ata sila Mrs. And Mr.Villarama.'sa isip-isip ni leigh.
"Mom, Dad!"sigaw ni rae, dahilan para mapatingin ang dalawa sa kinaroroonan nila.
Natayo naman ang dalawa, at saka lumapit sa kanila.
"So, Sya pala"nakangiting sabi ng nanay ni ryu.
"Yes, mom. Ah by the way, She's Leigh Janine Arishima, My Girlfriend."
"Ah, Hello po."Kinakabahang sabi ni leigh.
"Are you nervous? Don't worry ija, hindi naman kami nangangain ng tao."sabi ng tatay ni ryu.
"Ah nga pala, My name is Wendy Villarama, The mother of Ryu."sabi nito at saka hinalikan si leigh sa pisngi.
"Dad"Sabi ni ryu.
"Oh, sorry ija. Ah by the way, My name is Uno. Uno Villarama, The father of Ryu, And your Future father in-law."nakangiti nitong sabi.
Biglang kinilabutan si leigh ng makita nya ang ngiting iyon. Para bang nakita nya na ang mga ngiting iyon.Ngunit hindi nya maalala kung kailan, at saan.
Nagpatuloy naman sila sa dining at saka nagkwentuhan.