-27-Guy x Roses

499 23 11
                                    

First of all.. this chapter is dedicated to: theboredomsoul iloveyou girl! super na-touch ako sa msg mo sa mb ko. Yan, ginanahan tuloy ako haha thanks to you. Keep supporting my stories. Lovelots :*

---------------

Maagang naglakad papunta sa school sina Nash at Sharlene.

"Buti tulog pa si Benj nang iwan natin. Sana di magkaproblema si Patty sa kanya."-pag aalala ni Sharlene habang sumusunod kay Nash.

"Ayos lang sila. Problemahin mo yung sarili mo. May quiz tayo sa statistics mamaya."-sabi ni Nash

"ANO?! Teka! bat di ko alam?!"-gulat na tanong ni Sharlene

"Malamang di ka kasi nakikinig."-sagot ni Nash

"E bat di mo sinabi sakin? Sana nakapagreview ako!"-Sharlene

"Di ka naman nagtatanong."-Nash

"Kahit na! Arrrgghh! Ang sama talaga ng ugali mo!"-Sharlene

Di nalang ito pinansin ng binata. Nang makapasok na sila sa classroom.. Napatigil sila sa may pintuan nang marinig ang pinag uusapan ng mga kaklase nila.

"Kyaaaaaaaah! Ang gwapo nung transferee!"-girl 1

"Oo nga! nakita ko din sya kanina, kausap ng principal. Gosh! umaapaw sa karisma at ang lakas ng dating!"-girl 2

"Dalawa na ang inspirasyon ko sa classroom! Si Nash at yung bago! Sisipagin lalo ako mag aral pag sila ang araw araw na nakikita ko."-girl 3

"Pwede ba? Inyong-inyo na yung bagong salta. Basta sakin si Nash!"-pananakot ni Alexa

Napabuntong hininga nalang si Nash.

"Ow? May karibal ka na."- sabi ni Sharlene kay Nash.

Dumiretso naman si Nash sa kanyang upuan at di pinansin ang sinabi ni Sharlene.

"Tss. Suplado. Sungit. Siguro talo ka nga nung transferee. Hmp."-bulong ni Sharlene.

"Di dapat sumisimangot ang isang magandang binibining tulad mo."-bulong ng isang lalaki sa kanya.

"Ay tokneneng!"-sigaw ni Sharlene nang mapaatras dahil sa gulat.

"Naku sorry, nagulat ba kita? Wag kang mag alala cute ka pa rin."-sabi ng lalaki sabay kindat.

"Eh? sino ka?"-tanong ni Sharlene

"Kyaaaaaa!! Sya yun! ung transferee!"-sigaw ng kaklase nila sabay turo dun sa lalaking  kaharap ni Sharlene.

"Hi! Jairus Aquino nga pala. Bago nyong kaklase. Nice to meet you miss. For you."-sabi ng binata sabay bigay ng isang pirasong pulang rosas kay Sharlene.

"A-ah.. thank you"-nakangiting sabi ni Sharlene sabay tanggap ng bulaklak.

"Yan.. smile ka lang lagi. Mas maganda ang isang babae pag nakangiti."-sabi ni Jairus na syang ikinapula ng mukha ni Sharlene

"Ang swerte mo Sharlene!"-sigaw ng isa sa mga kaklase nila.

Sa di kalayuan ay may isang matang nagmamasid.

"Uto-uto. Napuri at nabigyan lang ng bulaklak nabaliw na."-bulong ni Nash

------------------

"Hi classmates! Im Jairus Aquino."-pakilala ng binata

"Ok, Mr. Aquino, maupo ka na sa vacant seat.."-sabi ng homeroom teacher.

Agad namang tumungo si Jairus sa upuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon