-4- Missing

883 30 3
                                    

Chapter 4

Nag disguise sila Sharlene at Nash na parang mala-Men in Black para di sila makilala habang dala dala nila si Benj dahil bibili sila ng diaper.

"Ewww! Ano yun? Ang baho!"-reklamo ng babaeng kakadaan lang

"Wala na tayong oras para magpaliwanag"-sabi ni Nash habang karga sa Benj

"Oo nga.. pero agaw atensyon tayo"-sabi naman ni Sharlene habang dala si Patty

----------

Sa supermarket..

"Kami ni Patty ang mamimili dun.. kayong dalawa pumunta kayo sa di masyado matao"-sabi ni Sharlene kay Nash sabay turo sa kabilang direksyon

"Sige"-tugon ng binata

"Intayin nyo kami sa may cashier"-sabi ni Sharlene at umalis na para mamili

"Eww tingnan mo yung outfit nya!"-sabi nung tatlong babae habang nakatingin kay Sharlene na busy pamimili ng gatas..

Nasa stuff toy section naman sila Nash at Benj..

Kinuha ni Benj ang kamay ng stuffed toy na unggoy pero inilayo ito ni Nash

"Sorry, di yan pwede.. alam mo ba kung gaano kamahal yang walang kwentang stuffed toy na yan?"-sabi nya kay Benj

Ngunit pilit na kinukuha ulit ito ng baby..

"Wag sabi! Bawal yan!"-sabi nito habang hila hila si Benj palayo sa stuff toy..

"Waaaaaaaaaaaa!"-nakakabinging iyak ni Benj

Ikinuha nalang ni Nash si Benj ng lollipop at isinakay sa cart kaya ito tumigil sa pag iyak..

Pagkarating nila Nash sa may cashier nagbabayad na si Sharlene ng mga pinamili nya..

"Anong nangyari?"-tanong nito kay Nash

"Pagod na ko"-sagot ng binata at itinabi ang cart na kinalalagyan ni Benj sa tabi nya

"5,150pesos po lahat"-sabi ng cashier

Pagkabayad ni Sharlene..

"Oh?? Asan na si Benj?"-tanong nya kay Nash

-----------

Agad nilang hinanap si Benj sa labas ng supermarket..

"Hahanapin ko din sya!"-sabi ni Patty at humiwalay kina Nash at Sharlene

"Benj! Benj!"-tawag ni Sharlene

"Bakit bigla nalang syang nawala?"-sabi ni Nash

---------

Samantala.. nasa labas si Benj ng supermarket at nakasakay sya sa isang---

"Panong??ano yan? kidnapping?"-tanong ng lalaking nakasalubong Benj

"Yaaa!"-sagot ni Benj

Nang dumaan sila sa isang shop may napanood syang palabas sa TV.. King kong ang title ng palabas..

---------

"Hah... hah.. bat ang bilis nyang nawala?!"- hingal na sabi ni Sharlene

"Saan nya ba balak pumunta?"-sabi naman ni Nash

Nang tumingala si Nash..

"Yun! Sa taas! Tingnan mo!"-sabi nya kay Sharlene

May naaninag silang nakatikod na hugis tao na umaakyat sa isang tower at nasa ulo nito si Benj at nakakapit sa kanya ang sanggol

"HOY!"-sigaw ni Sharlene

"Kelangan natin tumaas doon! dapat natin syang iligtas"-sabi ni Sharlene

"Ako ang aakyat.. sasagipin ko si Benj"-sabi ni Nash

"Teka! Sasama ako!"-suhestyon ni Sharlene

"Wag na! delikado!"-sagot ni Nash

"Sabi ng daddy mo bantayan mo ako.. pero di ko naman papabayaan ang sarili ko.. kaya.. sasama pa rin ako!"-sabi ni Sharlene..

"At ngayon.. ako din.. aalagaan ko si Benj.. dahil dito sa Earth, ako ang Mama nya!"-dagdag nya.. natigilan si Nash sa sinabi ng dalaga.. at nang matauhan sya..

"Sige"-sagot ng binata

------------

*Kriiik*Kriiik*

"Uh."-sambit ni Sharlene habang umaakyat.. nasa kalagitnaan na sila ng mataas na tore..

"Humawak ka sa kamay ko"-sabi ni Nash sabay lahad ng kamay nya.. nagulat naman si Sharlene ngunit tinanggap nya pa rin ito.

--------

Nang makarating na sila sa tuktok..

"Eh?"-sabi ni Nash nang makitang ang taong naaninag nila kanina ay ang unggoy na stuffed toy pala at nakasakay sa ulo nito si Benj..

"A-ano naman yan?"-tanong ni Sharlene

"Yan yung stuffed toy na gustong bilhin ni Benj kanina"-sagot ni Nash

"Benj!"-tawag ni Nash

"Benj.. halika na dito"-sabi naman ni Sharlene

"Yatsu"-sabi ni Benj habang nakikipaglaro sa unggoy

"Benj.. halika na.. please"-sabi muli ni Sharlene sabay abot ng kanyang kamay..

Agad namang binitawan ni Benj ang stuff toy at yumakap kay Sharlene

"Mama!"-sabi nito

"Bu-buti nalang"-sambit ni Sharlene

At nalaglag na ang stuffed toy na unggoy sa mataas na tore..

------------

Kinagabihan..

"Kaya sa huli--"-wika ni Sharlene nang dugtungan ni Nash ang sinasabi nya

"Ang power ni Benj ang nagpakilos dun sa stuffed toy"-sabi nito

"Patty!"-tawag ni Sharlene

"Oh? Bakit?" tanong ni Patty

"Bakit di mo sinabi samin na may psychic powers pala si Benj?!"-sigaw nito kay Patty

(Takot pa naman ako sa matataas na lugar)-nasa isip ni Sharlene

"Ha?! Di ko ba nasabi"-pagmamaang maangan ni Patty..

"Shar, Patty, kumain na kayo ng dinner.. uubusin ko to"-sabi ni Nash habang naghahain

"Shar? Bat mo ako ginagawan ng palayaw ha?"-tanong naman ni Shar kay Nash

"Gusto ko eh"-sagot naman ni Nash...

-----------

Sa kabilang kwarto naman..

"Zzzzzz" payapang natutulog si Benj na napagod dahil sa paggamit ng kanyang psychic powers.

-End of Chapter 4-

Votes and comments are highly appreciated! Thank you :*

Follow me on twitter:

@yOOnjOoLee01

Lovelots,

Lie Ann Valenzuela :)

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon