-12- Captured

617 21 2
                                    

Chapter 12:

"Alam ng lalaking yan ang tungkol kay Benj at Patty?!"-gulat na tanong ni Nash

"Sharlene!"-inis na sabi nito

"Di ko kasalanan! Alam na nya nung una pa lang!"-depensya ng dalaga

"Kung ganon.. Sino ka?"-tanong ni Nash sa lalaki

"Hindi sino kundi ano..Ako si Francis Magundayao.. yun ang pangalan ko dito sa Earth"-sagot ni Francis

"Pangalan sa Earth?! Kung ganon.. isa kang ding.. ALIEN?!"-gulat na tanong ni Sharlene

"Bingo!"-sagot ni Francis sabay peace sign

"Edi pareho kayo ng planeta nina Benj at Patty?"-tanong ng dalaga

"Hindi.. galing ako sa planetang Shalack.. nagbabakasyon lang ako dito"-sagot ni Francis

"Bakasyon?"-pagkompirma ni Sharlene

"Oo.. sikat ang Earth bilang planetang pasyalan.. maraming aliens ang dumadayo dito at syempre kelangang magbihis tao para di magkagulo"-paliwanag ni Francis

"Pero bakit mo nalamang nandito sina Benj kung taga-ibang planeta ka naman?"-tanong ni Nash

"Kaming mga nakatira sa Shalack Star ay nakakabasa ng isipan kapag nahahawakan namin ang kamay ng iba.. nung nahawakan ko ang kamay ni Sharlene nung nagkabanggaan kami.. nabasa ko ang lahat ng nasa isipan nya"-sagot ni Francis

"Kasalanan mo pala talaga"-bulong ni Nash kay Sharlene

"Alam ko ang lahat tungkol sa kanya..tulad nalang ng mga sikreto ni Sharlene, yun ay---"-di na natuloy ang sinasabi ni Francis dahil tinakpan na ni Sharlene ang bibig nya

"Eh bakit ka interesado kina Benj at Patty?"-pagchechange topic ng dalaga at kinalas na nito ang kamay nya sa bibig ni Francis.

"Kasi.. dahil sa napakalayo ng planeta nila sa planeta nyo at planeta ko.. ni minsan hindi pa kami nakakahalubilo ng mga taga-Auto Star.. kaya naman.. Please! Hiramin ko muna sila sa loob ng tatlong araw"-sabi ni Francis

"Hi-hiramin? Ayoko nga!"-pagtutol ni Sharlene

"May iba pa bang paraan? Para maiuwi ko sila sandali? Gusto ko silang makita ng mga taga-planetang Shalack!"-pangungumbinsi ng Francis

"Nakakairita sya!"-bulong ni Nash

"Patty gusto mo ba nitong dumplings? Maraming ganito sa planeta ko"-alok ni Francis kay Patty

Tinanggap naman iyon ni Patty

"Hoy! Patty! Wag ka ngang tumanggap ng suhol!"-sigaw ni Sharlene

"Ok lang naman siguro di ba? Tatlong araw lang naman"-sabi ni Patty habang kumakain ng dumplings

"Oo nga, tsaka pabor din ito sa inyong dalawa.. mukhang ang laking problema sa inyo sina Benj at Patty.. baka pasalamatan nyo pa ako dahil mawawala na sila dito"-sabi ni Francis

Kumunot naman ang noo nina Nash at Sharlene dahil sa narinig.. at galit nilang sinugod si Francis..

"Nag iisip ka ba? Pano mo nasabi yung mga ganung bagay!"-galit na sabi ni Sharlene

"Pag di ka pa tumigil, bubugbugin na kita!"- banta naman ni Nash

"Kung ganon.. wala na akong magagawa"-sabi ni Francis habang may kinukuha sa bag nya

May nilabas syang spray..

"Gamit to.. mapapatulog ko kayo"-sabi nito.. at..

*Swiiiiiissshhh*

*Cough*Cough*

Biglang natumba sina Nash at Sharlene sa sahig..

"Goodnight"-sambit ni Francis at pilit na kinarga sina Benj at Patty

"Sharlene! Nash!"-sigaw ni Patty

----------

Nang makalabas na sila ng templo..

May kinuha si Francis na maliit na box sa bulsa nya at nang ihagis nya iyon ay bigla itong naging space ship.

"Ah!!...Yaaaa!"-sigaw ni Benj nang makapasok na sila sa sasakyan

"Mamamasyal lang naman tayo Benj"-sabi ni Francis at nagsimula ng ioperate ang UFO

"Umm.. Ibabalik mo naman kami dito pagkatapos ng tatlong araw di ba?"-tanong ni Patty

"Oo"-sagot ni Francis

"Ay! Oo nga pala! ang tatlong araw sa planeta namin ay katumbas ng kalahating taon dito"-sabi nya at nagsimula nang umaandar ang UFO

"Eh? Niloko mo kami!"-reklamo ni Patty habang palutang lutang si Benj sa space ship at nakatingin sa papalayong templo

-End of Chapter 12-

:)

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon