-5- 2nd Yr. Class 1

832 33 13
                                    

Chapter 5:

Kinaumagahan..

Bumangon na si Sharlene sa kanyang pagkakahiga..

*Hikab*

Nang bigla nyang naisip..

(Simula ngayon, transferee na ako sa school nina Nash)

(Nang mga nakaraang araw.. ang daming nangyari.. at ngayon.. magsisimula na ang aking buhay estudyante)

Naisipan nyang kunin ang kanyang bagong uniform..

"Cute yung dati kong uniform pero.. sa tingin ko, mas cute ito"-sabi nya habang tinitignan ang kanyang sarili sa salamin hawak ang isang jumper-like uniform na may malaking laso sa gitna

Napadaan naman si Benj sa kanyang kwarto.. at nakita ang uniform na hawak ng dalaga

"Aaaauuau.. Ah! Kyaaah!"-sabi ni Benj sabay hablot ng uniform ni Sharlene at umalis na ito sa kwarto ng dalaga habang lumilipad

"Wag! Benj! Ibalik mo yan!"-sigaw ni Sharlene na nagulat sa nangyari

Hinabol ni Sharlene si Benj.. Nang hindi nila namalayang kasalubong pala nila si Nash..

Dahil nakakalipad si Benj, nakaiwas ito kay Nash..

Nabunggo naman ni Sharlene si Nash at pareho silang nahulog sa sahig..

Ngayon, nakapatong si Sharlene kay Nash at nagkatitigan ang dalawa..

"Ikaw!"-sigaw ni Sharlene habang namumula dahil sa lapit ng mukha nilang dalawa

(Ang damit nya)- nasa isip ni Nash habang napatingin sa suot ni Sharlene na manipis na bistidang pantulog..

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!! Manyak!"-sigaw ni Sharlene nang mapansin ang tinitingnan ng binata

-----------

Sa hapag kainan..

"Kumain na tayo"-sabi ni Nash at Patty habang pulang pula pa rin si Sharlene dahil sa nangyari kanina

Kumain si Nash ng nakahaing pagkain

"Oh! ang sarap nito"-komento nya

"Mabuti naman nagustuhan mo hehehe"-sagot ni Patty

"Buti pala Patty at ikaw ang naatasan sa pagluluto at hindi si Shar"-dagdag pa ni Nash.. napapoker face naman si Sharlene sa narinig..

"Hoy! anong ibig mong sabihin ha?"-inis na tanong ni Sharlene

"Wala."-sagot ni Nash

"Ano?! dahil ba ako ang naatasang maglinis ng bahay di na ako marunong magluto ha?! Wala kang alam! Walang utak!"-sabi ni Sharlene at sinimulan nang hampasin/bugbugin si Nash

"Oo na! ako na ang walang utak!"-pagsuko ng binata para tumigil na si Sharlene

-----------

"Aalis na kami! Bye!"-paalam ni Sharlene na ngayon ay suot na ang kanyang bagong uniform..

"Bye! Ingat kayo!"-sabi ni Patty

"Mamaya na lang ulit Benj" -paalam ni Nash at naglakad na silang dalawa paalis..

"Kyaaa!"-sambit ni Benj habang lumilipad sabay hawak sa braso ng dalawa..

"Oy! Wag! Bitaw!"-sabi ni Sharlene

"Bawal kang sumama.. dito ka lang sa bahay!"-sabi naman ni Nash

Bumitaw si Benj pero hinigit naman nito ang palda ni Sharlene..

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon