-13- Crashed

608 21 1
                                    

Chapter 13:

"Teka lang! Nagsinungaling ka samin! Ibalik mo na kami sa templo!"-pakiusap ni Patty

"Huli na.. lumilipad na tayo oh"-sagot ni Francis

"Manloloko ka!"-sigaw ulit ni Patty

"Hindi ako manloloko.. ibabalik ko naman kayo!"-sigaw naman ni Francis

Nang di na makita ni Benj ang templo dahil sa malayo na ito..

"Aaah! Uhh!"-galit na sabi nito at pumuwesto sa tabi ng makina ng UFO

"Aaaaaahhhh!"-sigaw ni Benj at biglang nagmalfunction ang mga makina

"Teka! Baka masira ang sasakyan!"-pagpigil ni Francis dito

Ngunit di nag paawat si Benj..

"Masama to! Magka-crash tayo!"-sigaw ni Francis

-----------

"Huh? Ano yon?"-tanong ng isang lalaki habang nakatingin sa telescope nya

"Alin? Asan? Nakadiskubre ba tayo ng bagong star?"-tanong ng kasama nya

"Hindi! Hindi yun star! Isa yung UFO!!"-sagot ng lalaki

Pareho silang nagulat sa nakita..

------------

"Babagsak tayo sa bundok na yun!"-sabi ni Francis habang pilit na minamaniubra ang UFO

Kakargahin na sana ni Pattu si Benj kaso.. biglang tumagilid ang UFO kaya tumilapon si Patty sa labas..

Naiwan sina Benj at Francis sa loob at sumabit ang UFO sa isang puno..

"Mam..ma"-huling sambit ni Benj bago sila pareho mawalan ng malay..

-----------

"Mnn.."-sambit ni Sharlene habang natutulog..

(Huh? Asan ako)-isip nya nang makita ang sarili na nasa isang madilim na lugar..

At may nakita syang maliit na liwanag..

"Sharlene.. Sharlene"-tawag sa kanya ng mama at papa nya

"Sharlene, sa ngayon, inaabot namin ni Papa ang aming pangarap.. ayos lang naman sayo yon di ba?"-sabi ng Mama nya

"At alam naman namin na nasa maayos na kalagayan ka"-sabi naman ng Papa nya..

At saka sila naglakad paalis habang hinahabol sila ni Sharlene

"Mama! Papa!"-tawag nito nang biglang naglaho ang liwanag ng Mama at Papa nya na hinahabol nya..

Napatigil sya at napaluha..

Nang biglang may nagliwanag sa likuran nya..

(Sino to? Katulad ng liwanag kanina nina Mama at Papa)-nasa isip nya habang tinititigan ang liwanag

Nang lumapit ito.. nakita nya dito si..

BENJ!

......

At biglang nagising si Sharlene mula sa pagkakatulog..

"Benj!!!"-sigaw nito

"Nash! Nash gising! Wala na sina Benj!"-sabi ni Sharlene, nagising naman ang binata

Tatakbo na sana paalis si Sharlene nang hilahin sya sa kamay ni Nash

"Teka Sharlene! San ka pupunta? Baka wala na sila dito sa Earth.. alam mo ba kung nasan sila ha?"-pagpigil nito sa dalaga

"Di ko alam.. pero alam kong nandito lang si Benj.. nararamdaman ko yun!"-sagot nito

Tiningnan lang sya ni Nash..

"Naiintindihan ko.. Tara na"-sabi ng binata

Nang makalabas sila ng templo..

Nakita nilang may mga taong nakaharang sa daan at isa na dun si Kobi

Lumapit sila dito..

"Yo! Nash!"-bati ni Kobi

"Anong meron? Bakit andaming tao dito?"-tanong ni Nash sa kaibigan

"May mga taong nakakita sa isang UFO papuntang bundok.. titingnan nga namin yun ngayon eh"-sabi ni Kobi

Nagulat sina Nash at Sharlene sa narinig..

"Sina Benj!"-bulong ni Sharlene

"Sharlene.. halika dito.. may alam akong shortcut papuntang bundok.. siguradong mauunahan natin sila"-bulong ni Nash

At pumunta na sila sa kabilang daan, matarik at papalusong ang lugar.. Kelangan magpadulas sa damuhan para makarating sa baba..

"Dito ako naglalaro nung bata pa ako.. mag ingat ka medyo madulas dito"-paalala ni Nash..

Sasagot na sana ang dalaga ng biglang..

"Aaaaaaaahhhhh!"-sigaw ni Sharlene nang di sinsadyang nadulas sa damuhan

Agad na sumunod naman sa kanya si Nash..

Napaplakda sya sa lupa nang makarating na sa baba.

"Binalaan na kita kanina.. tara na"-sabi ni Nash na maayos ang pagkakalaglag

"Hoy! intayin mo ko!"-sigaw ni Sharlene at hinabol si Nash..

Habang tumatakbo sila.. biglang nadapa si Sharlene..

"Ano bang nangyayari sayo?"-tanong ni Nash

"Eh kasi.. may naapakan akong malambot!"-sagot ng dalaga.. pagkatingin nya sa naapakan..

Nagulat silang pareho nang makita si.. Patty.

"Pattyyyyy! bakit ka nandito? Asan si Benj?"-tanong ni Sharlene habang buhat si Patty.

"Sharlene! Nash! Nagcrash yung space ship! Si Master Benj.. andun pa si Master Benj!"-sabi ni Patty habang naiyak

Nagpanic ang dalawa..

"Asan ang space ship?"-tanong ni Sharlene

"Nasa tuktok ata ng bundok"-sagot ni Patty

"Tara! puntahan na natin agad!"-sabi ni Nash at nagsimula na silang tumakbo.

-----------

Nang makarating na sila sa tuktok.. nagulat sila sa nakita..

"Yung UFO.. nakasabit sa puno!"-sabi ni Sharlene

"Buti nalang! Safe si Master Benj di ba?"-sabi ni Patty..

Napansin nilang mukhang bibigay na ang sanga na kinalalagyan ng UFO.. at kapag nahulog ang space ship ay malalaglag ito sa lawa na nasa ibaba ng puno..

"Ako na ang pupunta dun.. ililigtas ko si Benj!"-sabi ni Nash.. nang biglang..

*Splaaaaaasssshhh*

Bumagsak na ang UFO at lumubog sa lawa..

"Benj!"-sabay na sigaw nina Nash at Sharlene

Tumakbo agad sila.. tumalon sa lawa at naglangoy patungo sa lumubog na space ship..

(Nash.. Sharlene.. Master Benj)-pag aalala ni Patty

-End of Chapter 13-

:)

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon