-2- Alien Baby

1K 34 3
                                    

Chapter 2:

Nasa hapag kainan ang dalawa.. at tahimik na pinagpapatuloy ang naudlot na pagkain kanina..

(Anong gagawin ko.. Kami lang dalawa ng lalaking 'to sa bahay na 'to.. pano na?)-- mga bagay na naglalaro sa isipan ni Sharlene.

Nagulat sya ng biglang tumayo si Nash

"Kukuha lang ako ng soup."-sabi nito

"O-okay"-sagot naman ng dalaga

Tumayo si Nash at naglakad papunta sa may kusina na di kalayuan sa dining area..

"Sorry"-sabi ni Nash na ngayon ay nakatalikod kay Sharlene habang sumasandok ng sabaw

"H-ha?"-gulat na tanong nya dito

"Sa pagiging selfish ni Dad.. gusto nya laging sya ang masusunod"-tugon ng binata

"Ahh.. ganun din ang mga magulang ko.. sila lang palagi ang nagdedesisyon"-sambit ni Sharlene.. bumalik na si Nash at muling kumain..

"Siguro makakaya naman natin mabuhay sa ganitong sitwasyon.. Wag ka lang gagawa ng mga weird'ong bagay"-sabi ni Nash sabay ngisi kay Sharlene

Bigla naman naalala ni Sharlene ang nangyari kanina..

"ANO?! Ikaw kaya tong namboboso sa banyo!"-depensa ng dalaga

"Gabi na.. bukas ko na lang papag isipan yan"-sagot ni Nash na tumayo at tumalikod na para maglakad paalis ng kusina

(Kaasar! Ang ugali nya.. nakakainiiiiis!) - nasa isip ng dalaga habang nagpipigil sya sa galit

---------------

Handa nang matulog si Sharlene nang may maisip sya..

(America.. Tama! umaga pa dun ngayon..tatawagan ko sila Mama at sasabihin kong maghahanap ako ng bagong matitirahan bukas)

Bumangon sya at nagsimulang maglakad upang hanapin si Nash at magpaalam na makikigamit sya ng telepono..

Habang naglalakad sa hallway ng templo..

(Asan kaya yung si Nash? Nakakainis sya pero kelangan ko syang nahapin..kelangan ko talagang tumawag sa telephone eh..Andito lang siguro yun)

Nang makakita sya ng pinto..

Binuksan nya ito..

"Oy! Nash! Pagamit ako ng tele--"-di na nya naituloy ang sinasabi ng bigla nyang makitang..

Magbibihis palang si Nash ng tshirt nya.. Meaning topless ang binata..

"I-ikaw?!"-gulat na sambit ni Nash

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhh"- pagfrifreak out ng dalaga at tumalikod na lang

"Hoy! bat ka ba naninilip?!"-sigaw ni Nash na natataranta na sa pagbibihis

"Eh bakit ba wala kang suot na damit? Manyak!"-sigaw naman ni Sharlene

"Nagpapalit ako ng pantulog.. anong masama dun? Tsaka dapat di ka basta pumapasok sa kwarto! Kumatok ka muna!"-sagot ni Nash sabay hagis sa ulo ni Sharlene ng damit na pinagpalitan nya

"Kaya ayokong makasama ang babae eh!"-dagdag pa nito

Dahil don.. lalong nag init ang ulo ni Sharlene..

"Kung ganon.. Sige!"-sigaw nito sabay hagis pabalik ng damit ni Nash at saka naglakad paalis

----------

Hating gabi na..

"Anong ginagawa mo?"-tanong ni Nash

"Aalis na ako"-sagot ni Sharlene na nakatalikod sa kanya habang nag susuot ng sapatos

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon