Chapter 18:
(Wala talaga syang pakielam sakin)-nasa isip ni Sharlene ng marinig ang sagot ng kanyang Mama.
"Alam mo nung high school ako.. sobrang istrikto ng magulang ko.. kaya naman gusto kong maging malaya ka.. naiingit nga ako sayo eh"-paliwanag ng mama nya
"Tsaka high school ka na.. kaya mo na ang sarili mo"-dagdag nito
Lumapit ito kay Sharlene..
"At si Nash.. ang cool nya.. mukhang matino naman sya"-bulong nito sa anak
"Pero babae ako Ma! Pano pag namboso sya sakin habang naliligo o nagbibihis ako?"-inis na tanong ni Sharlene
"Talaga? Namboboso ka?"-tanong naman ng mama nya kay Nash
"Oy! di ko po ginagawa yon!"-depensa ni Nash
"Tsaka.. bigla kong nakasama sa iisang bahay ang isang lalaking hindi ko pa naman kilala dati"-sabi ni Sharlene
"Pero.. nagkakilala na kayo dati!"-sagot ng mama nya
"Eh?"-sambit ni Sharlene
"Nung baby ka pa.. pumunta tayo dito"-sabi ng mama sabay kuha si isang picture at pinakita nya yon kay Sharlene..
Dalawang baby na naglalaro.. isang babae at isang lalaki..
"Hindi nga? Si Nash to?"-tanong nya habang nakaturo sa sanggol na lalaki
"Oo ang cute nyo dyan di ba?"-sabi ng mama nya
"Ay! meron pang isa! mas maganda to.. tingnan mo Nash"-sabi ng mama ni Sharlene sabay pakita kay Nash nung isang picture..
"Kayo yan"-dagdag ng mama ni Sharlene
Yun ang picture kung saan sabay silang naliligo..
Hinablot agad yun ni Sharlene saka ito tumalikod.. Namumula ang mukha nya dahil sa hiya at inis.
"Sharlene"-tawag ng mama nya
"Bakit ba kayo pumunta dito? Para ipakita ang mga picture na yan? Lagi kayong nagdedesisyon para sa sarili nyo.. wala kayong pakielam sa iba! Ang selfish nyo! Di nyo man lang naitanong kung papano ako namumuhay dito!.. Iniwan nyo ako dito.. kung pumunta kayo para lang dito sa picture na to.. bumalik na kayo dun"-sabi ni Sharlene habang nag iiyak at tumakbo na paalis
Naiwan doon sina Nash at ang mama ni Sharlene..
"Ginulo ko nanaman sya.. minsan na lang kami magkita.. hindi ko naisip kung anong nararamdaman nya dahil palagi nalang akong busy"-sabi ng mama ni Sharlene habang nakayuko..
Nilapitan sya ni Nash..
"Pwede po bang magtanong? Bakit di nyo po sya inihabilin sa iba?"-tanong ng binata
"May mga panahong masaya sya.. minsan nalulungkot.. Nash.. alam kong nakikita mo ang tunay na nararamdaman ni Sharlene.. kaya yun.. Mas mabuti nang sayo kesa sa iba."-sagot ng mama ni Sharlene
------------
(Nakakainis! dahil naman sa kanya kaya nangyari lahat ng 'to! Nakakaasar si Mama)-maktol ni Sharlene sa isipan nya habang naglalakad
(Ang saya ko pa naman nung makita ko sya)
"Sharlene"-napatigil sya nang marinig ang boses ng mama nya sa likuran nya
Napalingon si Sharlene
"Sorry"-sabi ng mama nya sabay yuko
"Di ko naman binabaliwala ang nararamdaman mo.. alam ko lang na kahit na di kita kasama, nasa mabuting kalagayan ka"-sabi ng mama nya sabay yakap sa kanya
-----------
Naglalakad na ang mag ina pabalik sa templo..
"Nung bata pa ako.. meron akong dalawang pangarap.. una ay magkaroon ng anak na mamahalin ko ng sobra.. at nang natupad yon.. napakasaya ko!"-sabi ng mama nya
"Naisip ko na isinilang ang mga tao para tuparin ang pangarap ng bawat isa.. Pinalaki ko ang anak ko ng puno ng pagmamahal.. at alam kong dahil sa kanya pwedeng matupad ang isa ko pang pangarap"-dagdag nito
"At gusto kong makita yun sa universe.. yun ang isa ko pang pangarap.. at alam mo naman na di ako susuko agad di ba? kaya patawarin mo ako"-paliwanag ng mama nya
"Mama"-sambit ni Sharlene at niyakap nya ito pabalik..
"Tara na"-sabi ng mama nya at nagpatuloy na sila sa paglalakad
(Si Benj.. kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Benj siguradong matutuwa si Mama..na nandito lang ang pangarap nya)-naisip ni Sharlene
"Ma! makinig ka sakin.. wag kang magugulat ha.. makinig ka lang!"-sabi ni Sharlene..
Napalingon naman ang mama nya
"Ang totoo.. sa templo---"-di na naituloy ni Sharlene nang biglang..
"Kanina pa namin kayo hinahanap Mrs. San Pedro"-sabi ng tatlong lalaking naka black na suit..
"Nahanap na sya!"-boy 1 habang may kausap sa phone
"Buti naman.. dalhin nyo na sya dito"-sabi nung kausap ni boy 1
"Ha? nahanap?"-pagtataka ng Mama ni Sharlene
"Tumawag ang minister.. pinapahanap kayo.. representative kayo ng bansa at di kayo umattend sa meeting.. ano bang ginagawa nyo?"-boy 2
"Mama.. busy pala kayo eh"-sabi ni Sharlene
"Okay lang yun.. wag kang mag alala"-sagot naman ng mama nya
"Wag nyo yung baliwalain Mrs. San Pedro.. Tara na"-sabi ni boy 3 at hinatak na nila palayo ang mama ni Sharlene
"Teka lang! Sharlene! Pumunta ako dito para sayo.. Bye!"-sigaw ng Mama nya
"Mama! Susuportahan kita!"-sigaw naman ni Sharlene
At umalis na sila..
"Ang mama mo.. ang bait nya"-sabi ni Nash na nasa tabi na ni Sharlene
"Anong! Nakikinig ka samin?"-gulat na tanong ni Sharlene
"Aksidenteng narinig"-sagot ni Nash sabay labas ng dila.
------------
Pabalik na sina Patty at Benj sa templo nang makabangga nila ang mama ni Sharlene kasama ang mga men-in-black.
"Ahh.. sorry"-paumanhin ng binata/Patty habang karga si Benj
"Ahh.. okay lang"-sagot naman ng mama ni Sharlene
Biglang hinawakan ni Benj ang detector na dala ng mama ni Sharlene
*Bip*
Natigilan at nagulat sila sa tunog nito.. Napaisip naman ang Mama ni Sharlene.
"Ah.. nasira nanaman"-sabi ng mama ni Sharlene at umalis na sila..
---------
Kinagabihan..
"Ang saya sa Momonland!"-sigaw ni Patty
"Mama!"-sabi ni Benj sabay yakap kay Sharlene
"Breaking news!"-sabi ng news anchor sa TV.. napatingin silang lahat sa balita..
"Si Mrs. San Pedro ay napag alamang babalik na sa USA"-sabi ng news anchor
"Ah.. nakabangga namin sya kanina.. tapos may bigla kaming narinig na nag bip"-sabi ni Patty
Nagulat na lang sina Nash at Sharlene sa narinig..
-End of Chapter 18
:)
BINABASA MO ANG
UFO Baby (NashLene Version)
Fiksi PenggemarStory of an ordinary girl and boy bound and live together in one temple.. surprisingly, they'll be the sudden parents of an extraordinary baby that came from outer space.. Will they do their part to be the baby's parents and make their own love stor...