-26-Little Mermaid

323 14 1
                                    

"Dapat kasi tinapon mo na yang mga walang kwentang librong yan. Pano na mamaya? Magiging sirena ka naman?"-tanong ni Nash

"Aish! Malay ko ba kung maiintindihan ni Benj yung story kahit picture lang ang nakikita nya."- sabi ni Sharlene

"Wow! Ang galing talaga ni Master Benj! Nagagawa nya pala yun.. Ngayon ko lang nalaman na may super powers pala syang ganun"-manghang sabi ni Patty

"Maaa.. Fiiiiish!"-sigaw ni Benj

"See? Ako nga ang gagawin nyang little mermaid.. Medyo excited na ako!"-Sharlene

"Teka.. yung ending ng story ng  little mermaid.. alam mo?"-tanong ni Nash

"Oo naman, ako pa! Nung kinuha kasi nung evil octopus na si Ursula yung boses ni Little Mermaid kapalit nung paa nya di na sya maalala nung Prinsipe tapos ayun.. nagpakasal yung Prinsipe at Prinsesa ng kabilang kaharian.. at naging bula na si Little Mermaid. Sad story. Nag iyak nga ako pagkatapos ko basahin yun."-kwento ni Sharlene

Nagulat si Nash.

"Ibig sabihin.. magiging bula ka?"-Nash

Napatigil naman si Sharlene

"Oo? Jusko! Ngayon ko lang naisip yan!"-Sharlene

"Di ba nagkakatotoo ang mga nangyayari sa panaginip natin tulad nung sa paa ko.. edi kinabukasan---"-Nash

"HA?! Magiging bula ako?!"-Sharlene at inimagine ang bula na makikita sa kama nya kinabukasan..

"Kyaaaa.. Maaa.. Fiiiiish!"-Benj

"HINDIIIIII!"-Sharlene

Kinagabihan..

"Grabe.. wala ka ba talaga balak matulog?"-Nash

"Ayoko! Ayoko maging bula!"-Sharlene

"Bahala ka. Tulog na ko"-Nash sabay punta sa kwarto nya.

"Kaya ko to! Di ako matutulog *Hikab*"-Sharlene

"Oh! Sharlene! Gising ka pa pala. Kakatulog lang ni Master Benj.. Magtitimpla ako ng gatas, gusto mo ba? May tinapay din dito."-Patty

"Sige Patty, nagugutom na din ako"-Sharlene

Pagkatapos nilang kumain..

"Tutulog na ako Sharlene.. goodnight"-Patty

"Goodnight din Patty.. *Hikab* Di ako pwedeng ma...tu...log.. Zzzzzzz"-Sharlene

Gaya ng inaasahan, nangyari nanaman ang nangyari kagabi..

Humiwalay ang kaluluwa nila at sumanib sa librong Little Mermaid..

************

(Ang lamiiiig!)-isip ni Sharlene nang maramdaman ang tila malamig na pakiramdam na bumabalot sa katawan nya.

Unti unti nyang dinilat ang kanyang mga mata.

Tanging kulay bughaw lang ang kanyang nakikita.. ilang sandali pa'y nakakita sya ng isang grupo ng isda na lumalangoy sa harapan nya.

(Isda?)-nagtatakang tanong ni Sharlene sa sarili.

Tumingin-tingin pa sya sa paligid at napagtanto nya na nasa ilalim ng dagat pala sya.

(Hala! Di ako marunong lumangoy!)- pagpapanic ni Sharlene habang sinusubukang lumangoy papunta sa ibabaw.

Nang makarating sa ibabaw ng tubig.. di nya inasahan na kaya nya palang lumangoy ng ganung kabilis. Napatingin naman sya sa ibabang parte ng kanyang katawan dahil hindi nya maramdaman ang dalawa nyang paa.

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon