Chapter 16:
Kinagabihan..
Sa kusina..
(Sa totoo lang.. di pa ako nagkakapagluto ng kalabasa sa talambuhay ko.. hmmm.. itry ko kaya ngayon)-pasya ni Sharlene habang may hawak na kutsilyo
*Chop*
Nagpanic ang dalaga sa paghihiwa ng gulay.
"Ano ba yan! Di ko matanggal yung kutsilyol! Ang tigas naman nito!"-reklamo nya
Narinig naman iyon ni Nash habang nag iintay sa hapag kainan..
"Ah! Ang ineeeet!"-sigaw ni Sharlene
Napa-facepalm na lang si Nash at patuloy na naghintay.
*Tik*Tok*Tik*Tok*
"Ah! Yung asin!"-muling sigaw ng dalaga
*Ding*Ding* Alas sais na ng gabi.. patuloy na nag iintay pa rin si Nash sa hapag kainan..
-------------
Natigilan na si Sharlene sa pagluluto..
(Bakit? Ginawa ko na ang lahat ng kaya ko.. wala pa rin!)-pag iisip nito habang nakatingin sa kaldero
"Ang bagal mo naman."-nagulat si Sharlene nang magsalita si Nash na nasa likod na nya ngayon.
"Dalawang oras ka nang nagluluto"-sabi ng binata
"Umm.."-tanging sambit ni Sharlene at napatingin sa niluluto nya..
(Nako!)-sabi nito sa sarili nang makitang halos nasusunog na ang niluluto nyang pumpkin soup
"Kumusta na yan?"-tanong ni Nash na sinisilip ang pagkain
Hinarangan naman sya ni Sharlene para di nya ito makita
"Antayin mo lang sandali.. lulutuin ko pa ng kaunti para mas lalong sumarap"-pagdadahilan ng dalaga
Di na nakinig si Nash at itunulak ng kaunti si Sharlene para makita ang niluluto nito..
"Tekaaaa! Waaag!"-sigaw ni Sharlene
Pero huli na ang lahat, nakita na ni Nash ang pumpkin soup..
"Umm.. kasi.. sa totoo lang.. di pa ako nakakapagluto ng kalabasa.. akala ko kaya ko.. ginagawa ko naman ang lahat eh.. kaso.. mukhang di masarap"-paliwanag ni Sharlene
Nagulat sya nang makita nyang kumuha si Nash ng kutsara..
"Gumawa nalang ulit tayo ng bagong pumpkin soup.. may isa pang kalabasa dyan!"-sabi nya sa binata
Sumandok na si Nash ng sabaw gamit ang kutsara at..
"Waaaaag!"-sigaw ni Sharlene
*Nyaam*
Kinain na ni Nash ang pumpkin soup na niluto ni Sharlene.
Nag alala si Sharlene dahil baka nakakamatay ang lasa ng luto nya.
Nagulat sya sa sumunod na nangyari..
Ngumiti si Nash..
"Kahit na mukhang ewan.. masarap naman ang lasa"-sabi ni Nash
Nagulat nanaman si Sharlene sa sinabi nya..
"Isang klaseng pagkain lang ang kakainin natin? May isang kalabasa pa naman.. lutuin natin"-suhestyon ni Nash
"Eh?"-tanging nasabi ni Sharlene habang namumula ang mukha.
Agad na kumuha ng kutsilyo si Nash..
*Chop*Chop*Chop*
Nagulat si Sharlene dahil ang bilis nitong maghiwa ng kalabasa..
"Pakuha nung ketchup"-utos ni Nash
"Ok"-sagot naman ni Sharlene
At niluto na nila ang kalabasa.
------------
Habang nakain ng dinner..
(Ngayon.. mukhang nakita ko na ang tunay na ugali ni Nash)-nasa isip ni Sharlene habang masayang kumakain kasama si Nash
"Pahingi pang kanin"-sabi ni Nash
"Akin na yung plato mo"-sabi naman ni Sharlene..
--------------
Pagkatapos maghapunan..
"Salamat sa pagkain"-sabay na sabi ng dalawa pagkatapos kumain
"Ahh.. busog na ako!"-sabi ni Sharlene
"Ang sarap ng pagkain"-sabi naman ni Nash
"Linisin na natin to"-sabi ni Sharlene habang nagpupunas ng lamesa
"At ang susunod na balita!"-sabi ng news anchor sa TV.. napatingin naman sina Nash at Sharlene
"Si Myleen San Pedro ay isang ganap na astronaut na nang matapos ang kanyang training program sa NASA.. Nababalitaang sya daw ay uuwi upang bumisita sa Pilipinas!"-sabi ng news anchor
"Ha? Bat di nya sinabi sakin?"-tanong ni Sharlene
"Pero teka.. alam ba ng Mama mo na wala si Dad dito?"-tanong ni Nash
"Hmm.. baka naman sinabi na ng Daddy mo sa kanya"-sagot naman ni Sharlene
"Tsaka di naman yun poproblemahin ni Mama.. nasa pangarap nya ang atensyon nya eh"-dagdag ng dalaga
"Ang dapat nating isipin ay sina Benj at Patty, kung paparito si Mama"-pag aalala ni Sharlene
----------
Sa kwarto ni Sharlene..
"Kakapagod!"-sabi ni Sharlene habang nagpapahangin sa electric fan
(Nagsasaya siguro sina Benj at Patty ngayon)-nasa isip ng dalaga
*Treeek*Swiiiiissssh*
Napalingon sya nang may marinig na kakaibang tunog..
(Ano yun?! May kung ano sa labas!)-naisip nya
Biglang may lumitaw na liwanag.. pagkatingin ni Sharlene.. may anino isang ng kakaibang nilalang..
"Aaaaaaaahhhh!"-sigaw ni Sharlene sabay takbo papuntang kusina..
Nakita nya dun si Nash na nainom ng tubig.. napayakap sya sa binata..
"Anong problema?"-tanong ni Nash
"May nakita akong.. kung ano sa may bintana ng kwarto ko"-sabi ni Sharlene
Nagulat sila nang makitang nakapasok na sa bahay ang nilalang na yun at palapit na sa kanila..
Pinapunta ni Nash si Sharlene sa likod nya para protektahan ang dalaga
"Anong kailangan mo?!"-tanong ni Nash
Nagulat sila nang biglang kumuha yung nilalang na yun ng tsa-a at umupo sa hapag kainan..
"Sino ka? Ano ka ba?"-tanong ni Nash.. lumingon sa kanila ang nilalang..
Lumapit ang nilalang na iyon sa kanila sabay akbay kay Sharlene..
"Nagdedate ba kayong dalawa?"-tanong nito..
"Eh?"-pagtataka nina Nash at Sharlene
"Di nyo ba nahalata? Naka space-suit lang ako"-sabi ng nilalang sabay tanggal ng helmet
"MAMA?!"-gulat na sigaw ni Sharlene
"Kumusta na Sharlene?"-tanong ng mama nya.
-End of Chapter 16
:)
![](https://img.wattpad.com/cover/12955462-288-k98655.jpg)
BINABASA MO ANG
UFO Baby (NashLene Version)
FanfictionStory of an ordinary girl and boy bound and live together in one temple.. surprisingly, they'll be the sudden parents of an extraordinary baby that came from outer space.. Will they do their part to be the baby's parents and make their own love stor...