-10- Si Francis

717 28 4
                                    

Chapter 10:

Habang naglalakad si Sharlene pabalik sa templo..

(Oo nga pala! Dahil tinulungan ako ni Benj dun sa problema ko.. reregaluhan ko sya)-naisip nya

(Ano kayang bibilhin ko?)-tanong nya sa sarili nang biglang..

*BOOGSH*

May nakabangga syang lalaking naka-cap.. at pareho silang napaupo sa lupa

"Ah!.."-sabi ng lalaki

Agad namang tumayo si Sharlene..

"Sorry po! Okay ka lang?"-tanong nya sa lalaki

"Ayos lang naman"-sagot nito

Inilahad ni Sharlene ang kamay nya para alalayang tumayo ang lalaki..

"Di kasi kita napansin"-sabi ni Sharlene

Nang mahawakan ng lalaki ang kamay ni Sharlene.. bigla itong natigilan..

Nang makatayo na.. biglang tumakbo si Sharlene paalis..

(Magsasarado na ang department store!)-nasa isip ng dalaga

Napako naman sa kinatatayuan nya ang lalaki..

(Ang babaeng yun..)-nasa isip nito..

--------------

Kinabukasan..

"Aalis na kami!"-sabi ni Sharlene na papunta na sa school kasama si Nash

"Bye!"-paalam ni Patty habang karga si Benj na naglalaro ng laruang niregalo ni Sharlene

"Ang alam ko maaga ang morning assembly ngayon"-sabi ni Nash

"Eh? Tara na!"-tugon ni Sharlene at nagsimula nang tumakbo..

---------

Dahil sa bilis ng takbo ni Sharlene.. naiwanan nya si Nash

Nang papalapit na sya sa school.. di nya namalayan na may kasalubong sya kaya nabunggo nya ito.. napaupo silang dalawa sa lupa..

"Ay! Okay ka lang?"-tanong ni Sharlene

"Oo.. ayos lang"-sagot ng lalaki habang pinapagpagan ang sarili

------------

Nang makarating na si Nash..

"Bakit ang bilis mong tumakbo?"-tanong nya kay Sharlene

"Eh ikaw? bat ang bagal mo? tsaka pinagmadali mo kaya ako! nabangga ko tuloy si---"-sabi ni Sharlene ng biglang mapansin na wala na pala sa likod nya ang lalaki kanina..

"Nawala sya.. Mukhang 2nd year din sya eh.. siguro nagmamadali yun"-sabi ni Sharlene

"May kasama ka kanina?Di ko sya napansin"-sabi naman ni Nash

----------

Pumunta si Sharlene sa locker nya para magpalit ng sapatos..

"Goodmorning Sharlene!"-bati ni Alexa

"Goodmorning Alexa!"-bati naman ni Sharlene

Nang buksan na ni Sharlene ang locker nya nagtaka sya nang makakita sya ng isang sulat..

Binuksan nya yun..

-Sharlene San Pedro,

Nung makita kita.. palagi na kitang iniisip.. Pagkatapos ng klase, magkita tayo sa ilalim ng cedar tree.

-Francis Magundayao

(I-ito ay--!)-naisip ni Sharlene habang namumula ang mukha

"Anong problema?"-nagulat sya nang biglang marinig ang boses ni Nash sa likod nya..

Agad nyang tinago ang sulat..

"Wala naman.. walang problema!"-sagot nya dito

(Isa yung.. love letter?!)-iniisip nya

-------------

Naalala ni Nash na nagpapabili nga pala si Patty ng tofu..

Pero may meeting sya kaya baka ma late sya pag uwi..

Naisipan nya nalang na si Sharlene ang pabilhin non..

"Alexa.. alam mo ba kung nasan si Sharlene?"-tanong nya kay Alexa

"Umalis sya kanina.. makikipagkita daw sya sa isang lalaki"-sagot ni Alexa

"Eh? Lalaki?"-tanging nasabi ni Nash

-----------

Naglalakad si Sharlene sa likod ng school papuntang cedar tree..

Nang may maaninag syang tao na nakatayo sa ilalim nito..

(Sya yun)-sabi nya sa sarili sabay lapit sa lalaki

"Buti naman.. pumunta ka!"-sabi ng lalaking naka cap

"He--hello"-nahihiyang bati ni Sharlene

Pagkatingin nya sa lalaking yon..

"Teka! ikaw yung nakabangga ko kaninang umaga!"-sabi ng dalaga

"Hindi lang kanina.. kahapon din"-sabi ng lalaki

"Ahh!"-react ni Sharlene nang maalala nya na..

"Didiretsahin na kita.. pwede bang.. please.. pakasalan mo ako"-sabi nang lalaki sabay hawak sa kamay ni Sharlene

Nagulat naman ang dalaga..

"Uy! Joke lang yun!"-sabi ng lalaki

"Ha?Ano ba yon?"-tanong ni Sharlene habang namumula

"Kung pwede sana.. titingnan ko ngayon.. yung alien na nakatira sa bahay nyo"-seryosong sabi ng lalaki

Lalong nagulat si Sharlene sa narinig..

"Alam ko lahat ng tungkol sayo"-dagdag nito

(Pano nya nalaman?!)-tanong ni Sharlene sa sarili

-End of Chapter 10-

The next 5 Chapters will be posted on Saturday or Sunday. :)

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon