Peter Pan

433 17 0
                                    

Sa backstage..

"Kinakabahan ako!"-sabi ni Sharlene na nakasuot ng maiksing fairy costume at may transparent na pakpak sa likod.

"Ako din"-sabi naman ni Alexa na nakasuot ng isang magarbong dress at nakapony tail

"Malapit nang magsimula"-napalingon silang dalawa sa nagsalita..

Si Nash.. na nakasuot ng Peter Pan costume na bumagay talaga sa kanya lalo na ang suot nitong sumbrero.

"Ang gwapo nya"-sabay na bigkas nina Sharlene at Alexa

Bigla namang tumalikod si Sharlene.

(Ano bang pinagsasabi ko?! Bakit ko nasabi yon?!)-nasa isip ni Sharlene habang sinasampal ang sarili

Patuloy namang pinagmamasdan ni Alexa si Nash..

"Andito na si Benj!"-sigaw ni Mika

"Si Benj?"-sabi ni Sharlene sabay lingon

"Ang cute!"-sigaw ni Alexa

Lumapit sila kay Benj na ngayon ay naka jumper at nakapout.

"Dahil sa ka-cutetan nya.. matotouch ang mga puso ng babaeng judges"-sabi ni Mika

Binigyan naman ni Sharlene si Benj ng isang good-boy-ka-dapat-look.

"The next performance put up by Year 2 Class 1!"-sabi ng MC

----------------

Nagsimula nang mag-ingay ang audience kasabay ng palakpakan.

At nagsimula na ang play..

---------------

"Now, by using the magical powder, we can fly in the sky"-sabi ni Peter Pan kay Wendy sabay hagis ni Tinker Bell ng magical powder.

"Ihanda na ang trampoline!"-sigaw ni Mika sa backstage. Agad naman nilang nilatag si Patty na halos mabingot na nang talunan sya ng cast.

------------

"BWAHAHAHA!"-tawa ng kontabidang nagngangalang Captain Hook.

"Let them go!"-sabi ni Peter Pan sabay turo sa nahostage na sina Wendy at mga kapatid nito.

Habang nasa likod ni Peter Pan si Tinker Bell.. may napansin ang dalaga..

(Benj! Wag ngayon!)-nasa isip ni Sharlene nang mahalatang pinipilit ni Benj na gamitin ang kanyang powers.

"NO! I'll defeat you first! In one.. two.."- pagka-countdown ni Captain Hook.

"3!"

*Boogsh*

Nagulat ang lahat ng biglang gumuho ang props na barkong tinutungtungan nila.

Di nila alam na dahil yon kay Benj..

Lahat sila.. bumagsak.

Dahil maagap si Patty, nasalo nya si Benj kaya di ito nasaktan.

Nakapikit pa rin si Sharlene dahil sa takot.

Pinakikiramdaman nya ang kanyang sarili ngunit parang wala syang maramdamang sakit mula sa pagbagsak.

"A-aray!"

Nagtaka si Sharlene nang biglang may nagsalita sa harap nya.

Unti-unti nyang minulat ang kanyang mga mata at nagulat sya sa kanyang nakita.

Sobrang lapit nya kay Nash. At naka-dagan pa sya dito.

Nang tumingala si Nash, saka nya nakita ang sitwasyon nila.

Agad nyang binawi ang tingin nya kay Sharlene.

"Uhh.. sorry."-sabi ni Sharlene sabay upo ng maayos sa tabi ni Nash

"Ayos lang"-sagot naman ng binata.

"Anong meaning nung nakita ko kanina?!"-nagulat sila nang biglang sumulpot si Alexa na may dala dalang malaking kahoy mula sa nasirang props.

"A-aaahhh! e-eh ka-kasi"-utal na paliwanag ni Sharlene

"Aaaaaaarghhhh!"-sigaw ni Alexa sabay hagis ng kahoy sa kanilang dalawa.

----------------

"Grabe! Ang sakit sa ulo!"-reklamo ni Sharlene sabay sapo sa noo nya.

"Sabi sayo e. Wag ka masyadong lalapit para di ka magkabukol. Nadamay pa ko."-sabi naman ni Nash habang hinilot ang ulo.

"Nakatulog na sya."-bulong ni Patty habang karga si Benj

"Salamat at di sya nasugatan"-sabi naman ni Sharlene.

"Tutulog na ko."-paalam ni Nash

"Teka.. Nash!"-tawag ni Sharlene

Inihatid na ni Patty si Benj sa kwarto nito.

"Bakit?"-tanong ni Nash

"Tungkol kay Alexa"-panimula ng dalaga

"Ano nanaman?"-tanong ulit ni Nash

"Di mo ba sya type?"-tanong ni Sharlene

"Hindi."-sagot ni Nash

"Kung ganon.. matanong nga kita, anong type mo sa babae?"-usisa ni Sharlene

"Wala."-tanging tugon ni Nash sabay lakad palayo.

(IMPOSIBLE YON!)- sabi ni Sharlene sa sarili

-----------------

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon