-17-Mama

648 19 0
                                    

Chapter 17:

"May aasikasuhin ako dito.. kaya naisipan kong kumustahin kayo"-paliwanag ng mama nya

"Ha? bakit biglaan Ma?"-tanong ni Sharlene

"Ang schedule ng meeting ko ay bukas ng umaga.. at dahil marami pang oras, naisip ko na surpresahin kayo"-masayang sabi ng mama nya

"Ah.. wag nyo nalang akong asikasuhin.. kaya ko na ang sarili ko.. asan ba ang makakain dito?"-tanong ng Mama nya habang papunta sa ref..

"Teka! Ma!"- tututulan sana sya ni Sharlene nang biglang humarang si Nash

"Shar.. hindi kaya.. yung Mama mo.. andito sya para kunin ka?"-sabi nito sa dalaga

Napatigil si Shar..

"Ha? bat ngayon pa? Nung nag usap naman kami sa telephone.. wala syang sinabing ganon"-sabi nya kay Nash

"Baka nag aalala sya..kasi tayong dalawa lang dito, di ba lahat naman ng magulang mag aalala pag ganun"-paliwanag ni Nash

Napaisip naman si Sharlene..

(Kukunin nya ako? Mukhang hindi yun mangyayari.. pero pano kung---)- di na natuloy sa pag iisip si Sharlene nang mapansin wala na sa kusina ang kanyang Mama

-----------

Nagulat nalang sina Nash at Sharlene nang makitang natutulog na ang Mama nya sa kwarto ng dalaga..

"Alis na ako.. sasabihin ko pa kina Patty ang nangyari.. siguro nasa hotel sila ngayon"-sabi ni Nash..

Tumango naman ang dalaga..

Lumapit sya sa Mama nyang mahimbing na tutulog.. at naisip nyang muli ang sinabi ni Nash kanina..

(Di kaya.. totoo ngang kukunin nya ako kaya sya nandito? pero.. pag nangyari yun.. pano na sina Benj at Patty?)-inisip nya habang tinitingnan ang kanyang Mama

Tumabi sya dito..

"Talaga bang andito kayo dahil nag aalala kayo sakin?"-tanong nya sa mama nyang natutulog

"Sweet dreams Mama"-sambit ni Sharlene saka pinikit ang mata..

-----------

Kinabukasan..

Nang idilat ni Sharlene ang kanyang mata..

"Mama?!"-sigaw nito nang mapansing wala ang Mama sya sa kanyang tabi..

"Aaaaaaahhh! Itigil nyo yan!"-narinig nyang sumigaw si Nash

Nagmadali syang pumunta sa kinaroroonan ng binata

"Anong problema Nash?"-tanong nya nang makarating sa kusina

Nagulat sya sa kanyang nakita..

"Good morning Sharlene!"-bati ng Mama nya na may hawak na bazooka

"Gusto ko sanang magluto ng breakfast kaso sira yung stove kaya gagamitin ko tong lighter machine para magkaroon ng apoy"-paliwanag ng mama nya

"Magluluto kayo?"-pagtataka ni Sharlene.. napatulala lang si Nash

"Game? 1..2.."-bilang ng Mama nya

"Tekaaa!"-pagpigil ni Sharlene

"3!"

*BOOOOM!*

"Ay mali! sumala pala!"-sabi ng Mama nya nang nagkamali ito ng direksyon sa pagputok kaya nabutas ang bubong ng bahay..

"Shar.. gumawa ka ng paraan bago nya masira ang buong bahay"-bulong ni Nash sa nakangangang si Sharlene

------------

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon