-24- Ambush Date

446 23 4
                                    

Sabado na..

"Alis na ako. Balik ako mamaya"- paalam ni Nash na ngayon ay bihis na bihis dahil sa 'date' nila ni Celine.

Pagkalabas ng templo.. agad na nagpalit si Sharlene ng damit at nagsuot ng bullcap.

Hinatak nya din sina Patty at Benj para sundan si Nash.

Nang makarating sila sa Amusement Park, nakita na nila si Celine na kumakaway kay Nash.

Kasalukuyang nakatago sila Sharlene sa may poste malapit kila Nash.

"Saan mo gustong pumunta?"-narinig nilang tanong ni Celine kay Nash.

Pinagmamasdan lang sila ni Sharlene.

"Di pa ba tayo sasakay dun?"-tanong ni Patty kay Sharlene sabay turo sa roller coaster.

"Kyaaaah!"- masayang sigaw ni Benj na kasalukuyang karga ni Patty

"Shhhhhhh!"- pagpapatahimik ni Sharlene sa dalawa ngunit dahil malakas ang pagkakasabi nya non.. nakuha nya ang atensyon ng iba.

Napalingon si Nash sa direksyon nila Sharlene. Agad namang nagtago ang dalaga.

(Hala! Sana di nya kami nakita!)- nasa isip ni Sharlene habang nakatago sa poste

"May problema ba?"-rinig nilang tanong ni Celine kay Nash

Nang sandaling iyon.. naisipan ni Sharlene na sumilip ng kaunti.

Ngunit nagtaka sya ng makitang nakangiti si Nash habang nakatingin sa direksyon nila.

(Patay!)- sabi ni Sharlene sa sarili sabay talikod.. nang may nakita syang mascot na sumasayaw na nasa direksyon nila.

(Ah! baka dahil don, kaya sya nakangiti)- nasa isip ng dalaga

"Wala. Tara na."-sabi ni Nash at naglakad na sila ni Celine papunta sa ilang rides.. sinundan naman sila nina Sharlene, Benj at Patty.

"Tara don!"-turo ni Celine sa roller coaster

"Sige."-pagsang-ayon ni Nash

"Lagot na."-dismayadong sabi ni Sharlene dahil mabilis syang mahilo. Ngunit tumuloy pa rin sila sa pagsunod kina Nash.

"Yey!"-masayang sabi nina Benj at Patty nang makarating sa roller coaster.

Nakaupo sina Nash sa unahan samantalang sila Sharlene naman ay sa bandang likod pumwesto.

"Aaaaaaaaaaaahhhhhhh"-sigaw nila nang magsimula na ang pag andar.

"Grabeeeeeeeeee! Mamaaaaaaa!"- sigaw ni Sharlene.

Nang marinig yon ni Nash ay napalingon sya sa likod ngunit di nya makita kung sino ang sumigaw dahil maraming nagkumpulang tao sa likod nila.

Nang matapos na ang ride ay agad bumaba si Sharlene kasama sila Patty at Benj.

Hilong hilo pa si Sharlene pero nagpasya silang ipagpatuloy ang pagsunod kina Nash.

"Ang saya! Dun naman tayo."- rinig nilang sabi ni Celine kay Nash sabay turo sa Horror House.

"Tara."-sagot naman ni Nash saka sila naglakad papuntang horror house.

"Ba't dun pa?!"-reklamo ni Sharlene habang patago nilang sinusundan ang dalawa.

"Tutuloy pa ba tayo?"-tanong ni Patty

"Daaaaa!"-sabi ni Benj. Napatingin si Sharlene kay Benj.

"Oo. Kailagan nating sundan ang Daddy ni Benj."-sabi ni Sharlene.

Nang makarating sila sa horror house.

"Di ba dati ayaw mo dito?"-natatawang sabi ni Celine kay Nash

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon