-15- Two of Us

669 27 2
                                    

Chapter 15:

"Tekaaa! Benj!"-sigaw ni Sharlene habang hinahabol ang lumilipad na si Benj

"Ah.. gyah"-sabi ni Benj na may hawak na manika

"Ibalik mo sakin yan! Paboritong manika ko yan"-sabi ni Sharlene habang tumatakbo

Di niya namalayan na kasalubong pala nya si Nash kaya nasagi nya ito, pero di na nya pinansin at nagpatuloy sa paghabol kay Patty..

"Anong nangyayari dun?"-sabi na lang ni Nash

----------

"Haaay! Ang ganda ng panahon!"-sabi ni Patty na naglilinis sa bakuran

"Huli ka! Benj!"-sigaw ni Sharlene habang kinukuha ang manika kay Benj

"Waaa!"-sambit ni Benj at biglang naihagis ang manika sa ere at tumama ito kay Patty..

------------

Habang nakain ng umagahan..

"Simula kaninang umaga.. nag iingay na kayo.. at dahil lang sa manika?"-sabi ni Nash

"Di lang naman kasi ito basta manika.. ticket to sa amusement park fair!"-sagot ni Sharlene

"Amusement park? Yung MomonLand ba yan Sharlene?"-manghang tanong ni Patty

"MomonLand?"-tanong naman ni Nash

"Oo! Napanalunan ko yan! At may overnight voucher pa for 2 person!"-paliwanag ni Sharlene

"Ito?"-tanong ni Nash sabay turo sa TV.. kung san pinapalabas ang commercial ng MomonLand..

"Oo yan!"-sabi ni Sharlene

Nagliwanag ang mata ni Benj sa nakita sa TV..

"Kyaaa!"-sambit ni Benj nang tuwang tuwa

"Interesado ka ba jan Benj? Gusto mo punta tayong dalawa?"-tanong ni Sharlene

"Kayong dalawa? Iwan nyo ako dito? Ang nagsisilbi sa inyo araw araw"-mangiyak ngiyak na drama ni Patty

"Ako ang naghahanda ng pack lunch ni Sharlene, ang naglalaba ng damit ni Sharlene, ang nagluluto para kay Sharlene"-pangongonsensya ni Patty

"Okay.. tama na! ikaw na ang sumama.. kayong dalawa nalang ni Benj"-pagsuko ni Sharlene

Natuwa naman si Patty sa narinig...

------------

"Tara na Master Benj!"-sabi ni Patty na nagtransform bilang isang binata.. karga nya si Benj sa likod..

"Patty! ingatan mo si Benj! Walang dapat makaalam na nagtratransform ka lang"-paalala ni Sharlene

"Okay!"-masiglang sagot ni Benj

"Bukas ng tanghali.. babalik na kami"-sabi ni Benj sabay lakad paalis..

Napayuko si Sharlene..

"Ako dapat dun eh! Prize ko yun!" bulong ng dalaga habang nakain ng ice cream

"Kalimutan mo na yun.. matagal-tagal na din simula nung tumahimik dito sa bahay"-sabi ni Nash at umupo sa lapag..

(Ang tahimik.. kapag wala sina Benj at Patty.. ang tahimik dito sa bahay.. okay lang kaya kung magsalita ako?)-nasa isip ni Sharlene habang nakatingin kay Nash na nagbabasa lang

"Uhh.. oy Nash!"-tawag nito habang nakangiti

Lumingon si Nash..

"Oh?"-tanong nito

"Uhmm.. ano..ahhm.."-natigilan si Sharlene

(Wala akong maisip na topic!)-isip ng dalaga

Tiningnan lang sya ni Nash at saka itinuon ulit ang atensyon sa librong binabasa..

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon