-9- Awkward

718 24 0
                                    

Chapter 9:

(Wait! Wag kang gigising!)-pagpapanic ni Sharlene nang gumalaw si Nash na kanina ay natutulog

(Hala! Anong gagawin ko?)-tanong nito sa sarili

"Ah.. ah!"-sambit ni Benj na nasa likuran nya

"Hmm.. parang may--"-mahinang sabi ni Nash habang dinidilat ang mata..

(Kelangan na akong kumilos!)-pasya ni Sharlene at kinuha nya si Benj

Pagkatingala ni Nash nagulat sya nang halikan sya ni Benj sa labi.. hawak ito ni Sharlene..

Agad na napaatras si Nash.

"Benj! Anong ginagawa mo?"-gulat na tanong ni Nash

"Kya!"-sagot ni Benj nang nakangiti

"Ikaw ba yung humalik sakin kanina? Lalaki ka di ba?"-tanong nito kay Benj

Tumawa lang ang baby..

Nag tip toe na si Sharlene para makatakas nang mapansin sya ni Nash..

"Shar?"-tawag nito

Napalingon naman si Sharlene

"Bakit ka.. nandito?"-tanong ng binata

"Ah! wala lang ha-ha-ha.. medyo nauhaw lang ako"-palusot nito

"Sige! Goodnight"-sabi ni Sharlene sabay takbo paalis

"Anong problema nun?"-tanong ni Nash kay Benj..

---------

Nang makarating na si Sharlene sa kanyang kwarto

(Pano na? Nahalikan ko sya)-iniisip nito

----------

Kinaumagahan..

(Di man lang ako nakatulog!)-singhal ni Sharlene sa sarili habang nagtutooth brush..

(Pano ko kaya haharapin si Nash?)- nasa isip nito

"Nakaharang ka sa daan.. ano bang ginagawa mo"-natigilan sya nang marinig ang boses ni Nash sa likuran nya

"Aaaaaaahhhhhh!!!"-sigaw ni Sharlene at dahil sa gulat.. bigla nyang nasampal sa pisngi ang binata

-----------

Nang kakain na sila ng umagahan..

Halata sa mukha ni Nash ang pagkainis

"Anong nangyari sa pisngi mo Nash?"-tanong ni Patty

"Itanong mo kay Shar"-sagot ng binata

"Eh kasi.. bigla syang sumulpot sa likod ko.. kaya nagulat ako.. tapos ayun.."-paliwanag ni Sharlene habang nakayuko

(Wag mo na kasing isipin yun! Aksidente lang yun! Dapat nang kalimutan!)-sabi ni Sharlene sa sarili

Nagulat si Sharlene nang bigla syang halikan ni Benj sa pisngi

"Master Benj!"-sigaw ni Patty..

"Si Benj.. ang weird nya simula kahapon.. hinalikan nya rin ako"-pagtataka ni Nash

"Eh?"-pag aalala ni Patty

Bigla namang kinabahan si Sharlene dahil baka mabuking sya

"Ahh.. ayos lang naman yun.. ang cute kaya nung halik nya"-sabi ng dalaga sabay tapik sa ulo ni Benj

"Hindi pwede yon!"-sigaw ni Patty

Nagtaka naman sina Sharlene at Nash

"Sa planeta namin, ang halik ay.. isang simbolo ng kasal!"-dagdag nito

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon