-11- Revelations

675 21 1
                                    

PLUG: Newest story ni Author entitled: Three MUSE-Keteers

Published today!

Halo-halong NashLene, NLex and Mikash.

If you have time basahin nyo lang. Please do support my 3rd story. Thankie :*

Chapter 11:

"Oh.. Anong--! Ano bang pinagsasasabe mo ha?!"-tanong ni Sharlene kay Francis habang hinahampas ito sa balikat

"Alien sa bahay ko? Kumusta naman yun? Wala akong alam sa sinasabi mo!"-pag mamaang maangan nito

"Kung wala kang kelangan sakin.. uuwi na ako!"-sabi ni Sharlene sabay talikod..

Maglalakad na sana sya nang biglang hawakan ni Francis ang kanyang kamay

Napalingon ang dalaga..

"Hindi ka na makakapagsinungaling.. alam ko ang lahat"-sabi ni Francis

Kinagat ni Sharlene ang kamay ni Francis para bumitaw ito..

"Aray!"-daing ni Francis sabay takbo ni Sharlene paalis

---------

(Pano nya nalaman yun?)-nasa isip ni Sharlene habang nagmamadaling maglakad..

(Siguro nakita nya sina Benj at Patty kung saan)-napag isip nito

(Hindi to pwedeng malaman ni Nash!)- pag aalala nya

--------

Sumilip sya sa labas ng gate ng school..

(Wala yung lalaking naka cap dito)-pansin nya at nagsimula nang maglakad..

"Malayo ba ang bahay nyo dito?"-narinig nyang may nagsalita sa likod nya.. paglingon ni Sharlene

"Hi!"-bati ng lalaking naka cap.. si Francis

"Ba-bakit ka nandito?"-gulat na tanong nya

"Gusto ko na makita yung alien.. ah! exciting na ako!"-sagot ni Francis..

Tumakbo agad si Sharlene at iniwan don si Francis..

(Anong gagawin ko? Sinusundan nya ako!)-nasa isip ni Sharlene habang nakikipag habulan dun kay Francis

Nagtago sya sa poste..

"Boo! nakita na kita"-sabi ni Francis sabay silip sa poste

Agad na tumakbo ulit si Sharlene.

Sumiksik sya sa mga halaman..

"Anong ginagawa mo dyan?"-tanong ni Francis na nasa tabi na pala nya

(Pag nasundan nya ako sa bahay.. patay na!)-naisip ni Sharlene habang naghahanap ng matataguan..

(Pano nya ako nahahanap?)-tanong nya sa sarili.. nakakita naman sya ng basurahan..

(Madumi dun.. pero baka di nya ako mahanap kapag dun ako nagtago)-pasya nito at binuksan na ang takip ng basurahan..

Laking gulat nya nang nakita na nasa loob ng basurahan si Francis

"Hi!"-bati nito na may balat pa ng saging sa ulo

(Hiiiiiiindiiiii!!!!)- sabi ni Sharlene sabay sipa sa basurahan kaya gumulong ito palayo..

--------------

"Sa wakas! Nakauwi rin!"-sabi ni Sharlene pagkarating sa templo

"Welcome home Sharlene! Nakabili ka ba ng tofu?"-tanong ni Patty at nagulat ito nang makita ang itsura ng dalaga

Nakatakip ang mukha nito ng panyo at tanging mata lang ang nakikita..

"Ang lawak ng loob ng bahay nyo"-nagulat sila nang biglang may nagsalita sa likod ni Sharlene

Paglingon nila.. yung lalaking naka cap!.. si Francis!

"Aaah!"-sabi nito sabay turo kay Patty

"Ikaw yung sitter pet mula sa auto star..Si Patty.. tama ba?"-tanong nito

(Pano nya nalaman)-nasa isip ni Sharlene at Patty

"Anong bang sinasabi mo? Ito ay stuffed toy.. Ito yung nagsasalitang manika na popular ngayon"-sabi ni Sharlene habang hinahampas si Patty.

"Kung ganon.. bakit nalutang yung baby? sa likod mo"-tanong ni Francis sabay turo sa likod

"Mam..ma!"-sambit ni Benj at yumakap kay Sharlene

"Ang cute! Kakargahin ko sya!"-sabi ni Francis

"Normal na baby si Benj!.. yung kanina.. nagmamagic kasi yung daddy ni Nash"-palusot ni Sharlene

Muling hinawakan ni Francis ang kamay ni Sharlene

"Alam ko ang lahat.. ang daddy ni Nash ay wala dito dahil nagtetraining sya at dahil sa trabaho ng magulang mo kaya ka iniwan dito tapos napadpad sina Benj at Patty dito kaya dito muna sila nakatira.. tama ba?"-sabi ni Francis.. napanganga lang sina Sharlene at Patty sa narinig.

"Kaya naman.. kung pwede.. kakargahin ko sya"-paalam nito

"Ayoko!"-sagot ni Sharlene

"Sandali lang naman"-sabi ni Francis

"Ayoko nga!"-sigaw ni Sharlene

Hinawakan ng lalaki ang braso ni Benj

"Sumama ka sakin"-aya nya sa baby

"Bitawan mo sya!"-sigaw ng dalaga

Sumimangot sa kanya si Benj at tinabig nito ang kanyang kamay..

"Daaaaaah.. ahhh!"-galit na sabi ni Benj sa lalaki

Pinalutang nya ang itlog sa kusina at inihagis sa pader malapit sa lalaki..

"Ang galing.. baby pa lang sya.. nagagawa na nya yun!"-sabi ni Francis

Lalong nagalit si Benj at pinalutang ang sandok na hawak ni Patty at isang sapatos ni Sharlene..

Inihagis nya ito kay Francis..

Ngunit nasalo nya ito..

"Di ito uubra sakin"-sabi ni Francis habang nakangiti

"Benj! Tama na!"-pigil ni Sharlene sa baby

Tinapik naman ni Francis ang ulo ni Benj

*Screeech*

"Anong tunog yun?"-tanong ni Patty

Napatingin si Sharlene sa bagay na paparating..

"A-anong.. sa likod mo"-sabi nya kay Francis

Nang lumingon ang binata..

Huli na nang subukang nyang makaiwas.. nadaganan na sya ng aparador na pinalutang ni Benj.

Agad namang nakaalis si Francis sa bumagsak na aparador..

"Aray! Masakit yun"-sabi nito ng nakangiti at lumapit kina Sharlene..

"Wag kang lumapit dito!"-sigaw ng dalaga habang karga si Benj

"Bakit naman?"-tanong ni Francis

Biglang bumukas ang pinto..

"Andito na ako!"-sabi ni Nash

"Huh?"-pagtataka nito nang makita ang lalaki

-End of Chapter 11-

:)

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon