-23- Childhood SweetHeart

505 21 5
                                    

Kinabukasan..

Di pa rin maalis sa isip ni Sharlene ang tungkol sa pinag usapan nila ni Nash..

"Nash! Lalaki ka ba talaga?"-pangungulit nya sa binata

"Ano sa tingin mo?"- pamimilosopo sa kanya ni Nash

"Ang ganda na ni Alexa, di mo pa type.. choosy mo ha!"-sabi ni Sharlene

"Pake mo ba?"-tugon ni Nash

"Ah! ganon!"- sabi ng dalaga at biglang may binulong kay Patty

Tumango tango naman si Patty na syang pinagtaka ni Nash na ngayon ay pinapakain si Benj.

Nagulat sya ng biglang magtransform si Patty bilang isang sexy, maganda at matangkad na babae.

"Wow!"-manghang-manghang sabi ni Sharlene

Napatingin si Nash dito pero ilang segundo lang ay di na nya ito muli tiningnan.

"Uy! di ka ba talaga naaakit sa kanya?"-reklamo ni Sharlene

"Hindi."-sagot ni Nash at tumayo na sabay kuha ng bag nya

"Alis na ko"-paalam ng binata

"Saglit lang!"-habol sa kanya ni Sharlene at nagpaalam na ito kay Benj at Patty.

Nang makalabas na sila.. Sabay silang naglakad papuntang school..

"Nash?"- napalingon sila nang biglang may tumawag na boses ng babae

Nagulat si Nash nang makita kung sino iyon..

"Celine?!"-tanong nya sa isang magandang babae

"Ako nga!"-nakangiting sabi ni Celine. Agad naman itong nilapitan ni Nash.

"Musta na? Tagal nating di nagkita!"- bati ni Nash

"Ayos lang naman. Na-miss kita.. sobra"-sabi ni Celine

Nakatingin lang si Sharlene sa kanila.

"Uhm.. sino sya?"-tanong ni Celine kay Nash sabay turo kay Sharlene

"Ah, sa bahay ko sya nakatira. Magkaibigan ang magulang namin"- paliwanag ni Nash

Nilapitan ni Celine si Sharlene sumunod naman si Nash.

"Celine Lim nga pala. Ikaw si?"-tanong nya

"Sharlene San Pedro"-sagot ni Sharlene

"Nash! Sharlene!"-napalingon naman sila sa tumawag.. si Kobi

"Oh?Bakit?"- tanong ni Sharlene

"Sabay na tay---"- di na nito naituloy ang sasabihin nang mamukhaan ang isang pamilyar na kaibigan.

"Ce-Celine?!"-gulat na tanong ni Kobi

"Kobi! Ang taba mo na!"-biro ni Celine

--------------

Sabay-sabay silang naglakad..

Nauuna sina Nash at Celine..

"Kelan ka pa bumalik?"-tanong ni Nash

"Kahapon lang."-sagot ni Celine

"Hanggang kelan ka dito?"-Nash

"Di ko pa alam"-Celine

Nasa likod naman naglalakad sina Sharlene at Kobi

"Kelan nyo sya nakilala?"- tanong ni Sharlene kay Kobi

"Si Celine ba? Dati pa.. nung mga bata kami.. alam mo ba, sya ang first love ni Nash"-paliwanag ni Kobi

Napatingin naman si Sharlene kina Nash at Celine na nasa unahan nya.

"Ahh.. kaya pala close sila"-sabi ng dalaga

"Oo! Sobrang close sila.. dati nga sya ang taga-pagligtas ni Nash nung inaaway sya nung ibang bata eh.. Nakakatuwa nga, parang sya pa ang lalaki sa kanilang dalawa."-kwento ni Kobi

(Ganun pala.. ang type ni Nash.)- nasa isip ni Sharlene

Nang makarating na sila sa school..

"Kita tayo mamaya. Punta ako sa bahay nyo"-sabi ni Celine kay Nash

"Sige"-nakangiting sagot ni Nash

"Alis na ako. Bye. Bye Sharlene"-paalam ni Celine

Kumaway naman si Sharlene.

--------------

Nang matapos na ang klase nila.. Agad na umuwi si Nash at Sharlene sa templo para itago sina Benj at Patty.

"Dyan muna kayo. May bisita tayo!"-sabi ni Nash

Habang naglilinis si Sharlene, naalala nyang nasa sala pa ang UFO ni Benj.

*Ding dong* *Ding dong*

Agad syang tumakbo papunta sala at tarantang naghanap ng pagtataguan ng UFO..

Sumiksik sya sa likod ng cabinet nang makarinig sya ng yabag ng paa na papunta sa sala.

Di sya makaalis doon dahil dala dala nya pa ang UFO ni Benj

"Ang linis naman ng bahay nyo. Asan si Tito?"-rinig nyang sabi ni Celine na ngayon ay nasa sala na kasama si Nash

"Nagte-training sya"-sagot ni Nash

"Sa wakas! Grabe! Nakamit nya rin ang pangarap nya!"-sabi ni Celine

"Oo nga. Kaso iniwan nya kami dito"-reklamo ni Nash

"Ayos lang yun.. malaki ka na.. at masasabi kong lalo kang gumwapo!"-sabi ni Celine

Nang marinig yon ni Sharlene.. di nya maiwasang mapasilip sa tabi ng cabinet.. Doon nya nakita ang magkaharap na sila Nash at Celine.

Mas lalong nagulat at napalaki ang mata ni Sharlene nang makita ang sunod na ginawa ni Celine..

Hinalikan ni Celine si Nash sa pisngi..

Agad namang namula si Nash sa ginawa ni Celine.

(Grabe! ngayon ko lang sya nakitang mag-blush)- naisip ni Sharlene

"A-ah.. t-tara sa may k-kampana"-utal na sabi ni Nash

Tumawa si Celine..

"Sige.. 5pm na, kelangan na patunugin yon"-sabi nito at umalis na sila

Saka lang nakalabas si Sharlene sa pinagtataguan nya nang umalis na ang dalawa..

----------------

Maya maya dumating na ulit sila Nash at Celine.. kasalukuyang nagwawalis si Sharlene sa labas ng bahay.

"Oh! Sharlene! ba't ngayon lang kita nakita? Nasaan ka kanina ? "-tanong ni Celine

"Ah may ginawa lang ako."-palusot ni Sharlene

"Ganun ba.. Sige ah.. Alis na ko. Salamat Nash, nag enjoy ako"-paalam ni Celine

"Sige."-sagot ni Nash habang nakangiti

"Uhm, Nash.. pwede ka ba sa Sabado? Sa amusement park?"-tanong ni Celine

"Oo naman"-sagot ni Nash

"Thanks! Bye!"-sabi ni Celine sabay alis

Napatingin si Nash kay Sharlene.. patuloy pa rin itong nagwawalis.

"Tama na yan. Pahinga ka na"-sabi ni Nash sa dalaga ngunit parang wala itong narinig at di sya pinansin.

"Tss."-sabi ni Nash sabay pasok sa loob ng bahay.

------------------

Nang matapos na ni Sharlene ang pagwawalis, agad itong pumunta sa kwarto ni Patty..

"Patty.. may favor ako sayo"-sabi ng dalaga

"Ano naman yon?"-tanong ni Patty

"Samahan nyo 'ko sa Sabado, sa Amusement Park."-pakiusap ni Sharlene

-----------------

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon