-25-Cinderella

246 13 0
                                    

Kinaumagahan..

"Benj! Patty! Tignan nyo to! Nakuha ko dun sa mga lumang gamit ko. Mga story book!"-sigaw ni Sharlene

Lumapit naman sila Patty at Benj.

"Wow! Mukhang maganda yan!"-Patty

"Kyaa!"-Benj

"Cinderella? Little Mermaid? Shar, lalaki si Benj!"-reklamo ni Nash.

"Okay lang yun.. basta babasahan ko sya nito mamaya bago sya matulog. Excited ka na ba Benj?"-tanong ni Sharlene. Masayang tumango ang baby.

Kinagabihan..

"..and they live happily ever after.. the end."-kwento ni Sharlene nang tapos na nyang basahin ang kwento ni Cinderella.

"Yaaaaah!"-Benj sabay hikab.

"Goodnight na. Sweet dreams"-sabi ni Sharlene sabay halik sa noo ni Benj.

Habang natutulog silang lahat at nananaginip..

Di nila alam na unti-unting humiwalay ang kaluluwa nila sa katawan at sumanib sa librong binasa kanina---ang Cinderella.

Isa ito sa mga superpowers ni Benj..

************

"Cinderella! Cinderella!"-sigaw ng isang babae na nagpagising sa natutulog na si Sharlene

Pagkamulat ng dalaga, nagulat sya nang mapagtanto na nasa ibang lugar sya. May hawak din dyang walis-tambo at basahan. Nakasuot din sya ng lumang damit.

"Andyan ka lang pala Cinderella! Kanina pa kita hinahanap!"-bulyaw sa kanya ni Alexa?

"Cinderella?"-tanong ni Sharlene

"Oh? bakit? Pangalan mo yon. Anong problema mo?"-sagot ni Alexa.

(Nananaginip ba ako? Ako? Si Cinderella? Kyaaaaaa! Ang galing!)-nasa isip ni Sharlene

"Ate! Maghanda na tayo para sa grandball malapit na."-singit ni Mika?

(Si Alex at Mika? Mga evil step sisters ko?)-tanong ni Sharlene sa sarili.

"Mga anak! Halika na kayo! Aalis na tayo! Cinderella! Maiiwan ka dito!"-sigaw ng evil stepmother nya na nasa kabilang kwarto.

"Poor you! Bye Cinderella. Enjoy the night--- ALONE!"-Alexa sabay tawa ng pangkontrabida

"Yeah! Sayang! Di ka kasi maganda!"-tukso naman ni Mika at sabay silang umalis.

(Teka! Anong gagawin ko? Ah! alam ko na!)-sabi ni Sharlene sa sarili sabay luhod sa sahig.

"Haaaaay, gusto ko pumunta sa grandball! Pero ano bang magagawa ko? Wala akong magarang damit, wala akong sasakyan, wala akong kahit ano"-pagda-drama ni Sharlene

*Poof*

Biglang may lumabas na nakatalikod na nilalang na may mahabang buhok, may dalang wand at nakasuot ng damit na pang fairy.

"Sabi na nga ba! Fairy God Mother!"- sigaw ni Sharlene at nagulat sya ng humarap ang fairygodmother.

"BENJ?! Ikaw?!"- Sharlene/Cinderella

"Kyaaaa!"-sabi ni Benj at winagayway na ang kanyang wand.

*Poof*

Biglang nagbago ang damit ni Sharlene---isang magarbong gown na may mga perlas at dyamante. Umayos din ang kanyang buhok at nagkaron sya ng kaunting make up. Napakaganda na ng dalaga.

"Wow! Salamat Benj este Fairy God Mother! Pero paano ako makakapunta sa palasyo?"-Sharlene

Biglang dumaan ang alagang pusa ng kanyang evil step mother sa katauhan ni Patty. Winagayway muli ni Benj ang kanyang wand sabay nagtransform na si Patty bilang karwahe.

UFO Baby (NashLene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon