Chapter 78

1.1K 41 2
                                    

Tatlong linggo ang nagdaan.Nag umpisa na ang pag gawa ng pelikula at ngayon pa lamang ay marami ng naghihintay para dito.Halos ang lahat ay alam na ang pagpapareha kay Sam at Julie.Pwera lang si Elmo na walang oras para magbasa ng mga balita at chismis dahil sa pag tatrabaho upang makaipon.

Isang araw,habang nasa isang TV guesting si Julie ay nagpadala si Elmo ng Text sa nobya.

"From My Love:
Babe,inaya ako ng mga  colleagues ko uminom.Okay lang ba?"

Hinintay ni Elmo ang sagot ng Nobya ngunit wala itong natanggap kaya naman sumama na lang siya sa mga katrabaho kesa makantiyawan.

Nagkataong kaarawan ng isa nilang katrabaho na si Lauren.Flight Attendant ito at isa sa pinaka-maganda at sexy sa kanilang Airline Company.Maraming nagpapantasya sa Dalagang ito ngunit hindi sila umuubra.

Habang nag iinuman sa isang Videoke Room sa Makati,nagkakwentuhan ang lahat tungkol sa kani-kaniyang buhay pag ibig.Hanggang sa napukol kay Elmo ang mga tanong.

Derrick: Oy Bro! Ikaw? Di ba syota mo yung singer?

Elmo: *uminom ng beer* Ahh Oo! Si Julie Anne San Jose.Matagal na rin kami,Bro.

Enzo: Dude,Ang ganda nun ah! Swerte mo! Ganda pa ng boses.

Derrick: Oo! Kaya nga itong Future Boss natin eh natagalan sa pag- Oo sa atin.Baka ma-Enough!No More siya! Hahaha!

Elmo: Loko! Hahaha.Swerte lang talaga ko dun sa Girlfriend ko.

Lauren: Bakit? Swerte rin naman siya sayo eh. *uminom ng alak* Oh bakit?

Nagtawanan ang lahat at kinantiyawan si Lauren dahil sa sinabi.

Louise: Wow! Umamin ka nga! Crush mo si Elmo no?? Hahaha.

Derrick: Daya! Ano bang meron si Elmo na wala ko,Lo?? Pareho naman kaming gwapo at may abs! Hahaha

Enzo: Kaya pala ayaw mo paporma dun kay Captain Tim may iba kang gusto.Hahaha

Elmo: Guys,Wag niyo naman ganyanin si Lauren.Birthday niya tapos binu-Bully niyo.

Napuno ng Tawanan ang Videoke Room hanggang sa nag kantahan na sila at sumayaw.Nang maupo si Elmo ay lumapit si Louise sa kanya at sumunod sila Derrick at Enzo.

Louise: Uyy Moe,pwedeng humingi ng Favor?

Elmo: Sure!Ano ba yun?

Louise: Di ba ka Loveteam ni Julie Anne si Sam Concepcion?Can you ask her to give this letter to Sam?? *iniabot ang sulat*

Elmo: Huh? Sinong Sam?

Louise: Si Sam!! Hello?? Sikat na Sikat kaya sila ngayon! Nakakakilig nga sila eh.Hinihintay ko yung Movie nila.H-Hindi mo ba alam yun?

Enzo: Hoy! Louise! Kelan ka pa nagka-gusto diyan kay Sam Concepcion na yan?

Louise: Hello?? Sikat na sikat si Sam dati pa! High School pa lang ako Crush ko na siya no!Ang galing ba naman sumayaw at kumanta.Tapos Super Gwapo at bait pa.

Derrick: So Fan ka pala ng SamLie?? Hahaha.

Elmo: SamLie?

Derrick: Dude! Ano ba? Sam and Julie! Para ka namang ano dyan.Uminom na nga lang tayo!*inabutan si Elmo ng alak*

Elmo: Thanks.*Kinuha ang sulat sa kamay ni Louise*Try ko ibigay kay Julie.. Sam Concepcion? Loveteam??

Maraming nainom sila Elmo at mga kaibigan niya.Halos ayaw pa paawat ng mga lalaki ngunit magmamaneho pa ang mga ito kaya sumunod na lang sila sa payo ng mga Babae.Nag-Picture Taking sila at may mga Video pa ang pinag gagawa nila Derrick.Inilagay ito sa Instagram at ng makita ng mga tao si Elmo sa litrato ay kumalat ito sa internet.

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon