Chapter 34

1.6K 35 0
  • Dedicated kay Divine Grace Napolitano
                                    

Kinabukasan, tinanghali ng gising si Julie kaya naman nagmadali siyang maghanda ng kanyang sarili.

Julie: Jusme! Yari na naman ako nito kay Mr. Sungit 2014! Haist! Bat kasi di ako nag-set ng time sa Alarm Clock!? Badtrip! 


Agad siyang nangpunta ng kusina matapos mag ayos at nang tumingin siya sa Mesa ay may pagkain ng nakahanda para sa kanya.Umupo sya at nakitang may sulat sa ibabaw ng kanyang plato.

Julie,

Eat well.Im Sorry kung nasigawan kita kagabi.

P.S. Nauna na ko sa School.Sumunod ka na lang.Okay? Ingat.Iniwan ko na yung susi sa ibabaw ng Fridge.


Julie: Ibig sabihin nag Commute lang sya?? Eh madaming dadalhin yun ahh..Di ba siya nag iisip? Hay nako..Pero okay na rin! At last! Ako naman ang magda-Drive! Hahaha.

Agad niyang inubos ang pagkain at niligpit ito.Umalis siya kaagad at dumating sa School pagkalipas ng kalahating oras.

Nakita niyang  marami ng improvement ang ginagawa nila.Kung ang una nilang napag usapan ay ang hatiin ang babae't lalaki,Pinagasama na ito ni Elmo.Nagtulungan at lahat at dahil doon,mas napabilis at napaganda ang kanilang ginagawa.Nakita niyang abalang abala si Elmo sa pag iisip ng mga idadagdag nilang Booths.

Lumapit siya kay Elmo at napansin niyang pawis na pawis na ito at seryosong seryoso sa pagdo-Drawing.

Julie: Ehem! So may talent ka pala? 

Elmo: Ah...Oo.Nakahiligan ko kasi eh.Ngayon ko lang to ginawa kasi madalas mga Anime ang hilig kong i-Draw.

Julie: Teka..Wait lang.. *kinuha ni Julie ang Panyo na nasa bulsa niya at ipinunas sa pawis ni Elmo* Para ka ng naligo sa pawis niyan.Ikaw din! Wala ng lalapit sayong chicks niyan! Hahaha

Elmo: Nandito ka naman.

Julie: Huh?

Elmo: Wala! Ang sabi ko, Nandito ka lang? Wala ka bang gagawin? Di mo ba kami tutulungan??

Julie: Syempre tutulong ako! itatanong ko nga kung anong maitutulong ko eh..

Elmo: Uhhmm.. Kailangan namin ng mga magagandang love songs para sa Dance booth tsaka Dating Booth.Kung pwede,Ikaw na lang mag isip ng Playlist.

Julie: Sure! Kaso..naiwan ko yung laptop ko.

Elmo: You can use mine.kunin mo dun sa bag ko.

Julie: Okay!

 Agad na kinuha ni Julie ang Laptop ni Elmo at pumasok siya sa loob ng kotse upang makapag concentrate.Nang buksan niya ang Laptop ay agad niyang tinignan ang music files nito.Nagulat siya sa kanyang nakita..

Julie: Mga kanta ko to ah?? T-teka...Ibig sabihin pinapakinggan niya pala mga songs ko? Hahahaha!Akalain mo yun? May pagka-romantic din pala siya..may mga lovesongs din pala dito.wait..Ano toh? 

May nakita siyang isang Unknown Folder at nang buksan niya ito ay naglalaman ito ng mga recorded files.Pinakinggan niya ito at nalamang marunong palang mag gitara at kumanta si Elmo.Nag enjoy ang dalaga sa pakikinig hanggang sa pumasok ng kotse si Elmo ng di niya naramdaman dahil sa Headphone na gamit niya.

Sinilip ng binata ang ginagawa ni Julie at nakita niyang pinapakinggan nito ang kanyang mga ni-Record na kanta.Inalis niya ang  headphone ng Dalaga..

Elmo: At sinong nagsabing pakialaman mo yan?! Akin na nga! *inagaw ng Binata ang Laptop na hawak nito*

Julie: Sorry naman..Akala ko kasi may mga magagandang kanta sa Folder na yan eh.In fairness,Maganda naman.

Elmo: Hindi maganda yun.Kalimutan mo na yun.

Julie: Ano ka ba? Bakit ba ayaw mong i-Share ang Talent mo? Sayang naman kung kikimkimin mo lang yan.Pwede kang maging tulad ng Dad mo..

Elmo: First of all, Ayokong pinapakialaman ang gamit ko.Pero pinayagan kita dahil may tiwala ako sayo.Second,ayoko ng pinapakialaman ang Buhay ko.Last but not the least,I never wanted to be like my Father.

Julie: Okay,Im sorry...

Elmo: Eto! *ibinalik kay Julie ang Laptop* Tapusin mo  yung dapat mong gawin.

Umalis si Elmo at pinagpatuloy ang pag aayos ng mga Booth.Pagkalipas ng isang oras ay natapos si Julie sa kanyang ginagawa.Habang si Elmo naman ay nagpa-Deliver ng Pizza at pasta para sa lahat.Naisip rin nila na dapat nilang ayusin ang Cafeteria.

Dumaan ang ilang oras ng mabilis at maraming natapos na gawain.Napuno rin ng tawanan ang eskwelahan kahit na sila lang ang tao roon.Sumapit ang gabi at kinailangan ng umuwi ang mga Estudyante.Si Julie ang nakausap ng mga iyon dahil biglang nawala si Elmo.Pinahanap ni Julie ang Binata at natagpuan ito sa isang Classroom.Nakatulugan nito ang pag disenyo ng mga ilaw na gagamitin.

Student 1: Ate Julie, tingin ko pagod na pagod na siya.

Student: Kanina pa syang umaga nandito eh..Nauna pa sya sa amin.

Student 4: Nauna pa daw sa Guard.Ibig sabihin,Kagabi pa siya nandito..

Julie: Ha??? T-teka..Umuwi naman kami kagabi eh.. Sige,Hayaan niyo muna siya.Ako ng bahala mamaya.Ingat sa pag uwi huh?Bye guys!

Nagpaalam ang mga ito kay Julie at mayamaya ay binalikan niya si Elmo.

Julie: Okay lang siya?? Sa sahig na siya nakatulog.Siguro pagod na pagod to dahil di nakatulog kagabi.Gisingin ko na kaya.. *lumuhod sya sa harap ng Binata at sinilip ang mukha nito* 

Malapit lamang ang mukha nito kay Elmo ng biglang dumilat ang mga mata ng Binata.Sa gulat ni Julie ay na Out of Balance siya at napasubsob sa dibdib ni Elmo. Dahil doon,napayakap naman si Elmo sa Dalaga.Hiyang hiya si Julie sa nangyari

Elmo: Are you Okay?

Julie: Haist! Shemes talaga! Nakakahiya!! Baka anong isipin niya!  Huh?? I-I'm Fine..*umupo na lang siya sa tabi ni Elmo at sumandal sa pader* Bakit ba natulog ka dito? Ganon ba kasarap matulog sa sahig?

Elmo: Hahahaha! Hindi.Di ko nga namalayan na nakatulog na pala ko eh.Inantok ako.

Julie: B-Bumalik ka ba dito kagabi?

Elmo: Paano mo nalaman?

Julie: Di na mahalaga kung paano...Bakit ka bumalik ng di nagsasabi sa akin? Sana sinamahan na lang kita.Medyo nahirapan din naman ako makatulog kagabi eh..

Elmo: Huh? Bakit naman? Eh nung nasa kotse nga tayo humihikab ka na.

Julie: May naalala lang kasi ako.. Tapos,nagising ulit yung diwa ko.Pero yung naalala kong yun ang nagpatulog sa akin! Hahahaha

Elmo: Ang labo mo.Well kung ano man yun,Siguro dapat wag mo na masyadong isipin para di ka nahihirapan.Asan na nga pala sila?

Julie: Ahh..Pinauwi ko na sila kasi Magga-gabi na.Kawawa naman sila tsaka baka mapagalitan ng Parents nila.

Elmo: Sabagay.Teka,Kumain ka na ba?

Julie: Hindi pa nga eh! Kaya nga ginigising kita para ayain na kumain noh! anong oras na kaya..

Elmo: Ahh.. Akala ko hahalikan mo ko eh! Hahahaha

Julie: Baka nananaginip ka lang?  Kapal talaga.

Elmo: Hay nako.. *tumayo at inalay ang kamay sa Dalaga* Tara na!

Tinitigan ni Julie ang Nakangiting labi ni Elmo.Natulala siya na para bang nakakita ng napakalaking bituin sa kalangitan.Hinawakan niya ang kamay ng Binata at inalalayan siya nitong makatayo.Inakbayan siya nito hanggang sa makarating sila sa Kotse at pinagbuksan siya ng pinto.Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanyang sarili.Hindi siya ang ganitong klaseng Babae na hahayaan na lamang na akbayan siya ng isang lalakeng hindi niya lubusang kilala ang pagkatao.Pero may isang bahagi si Elmo sa kanyang isip at puso na hinahayaang mangyari ito.Pilit niyang itinatatak sa kanyang utak na maaring nasanay na silang magkasama at baka ito naman talaga ang ugali ng binata.

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon