Chapter 82

1.4K 47 3
                                    

Nagbalik ang matamis na ngiti sa mga labi ni Julie sa muling pagbabalik ng lalaking nagpapatibok sa kanyang puso.

Habang nasa kotse sila ni Julie ay si Elmo ang nagmaneho.Nakasandal sa bisig nito ang Dalaga at panay ang tanong tungkol sa kanya.

Julie: Baby,kamusta studies mo? Okay ba ang grades mo? Ang trabaho mo?

Elmo: Okay naman.Mataas naman ang grades ko tsaka mababait lahat ng katrabaho ko.Actually,gusto ka nga nila makilala eh.

Julie: Talaga?? Ako rin! I wanna meet them! *hinawakan ang pisngi ng Nobyo* Baby,bakit parang pumayat ka?? Tsaka nag-mature ang mukha mo? Kumakain ka pa ba??

Elmo: Oo.Kaso na-Miss ko yung luto mo.*hinalikan sa noo si Julie* Lalo na yung sunog mong hotdog.Hahaha.

Julie: Che! Yun lang na-Miss mo??

Elmo: Oo na! Na-Miss kita!

Julie: *Ngumiti* Saan mo ko dadalhin?

Elmo: Hmm.. Sa palasyo natin!

Julie: Huh? Moe,nagda-drugs ka ba?

Elmo: Hindi no! Basta! I'll show you our palace!

Kahit na gabing gabi na ay dinala pa rin ni Elmo si Julie sa isang bahay na hinuhulugan niya pa rin sa bangko hanggang ngayon.Dalawang palapag ito na may kulay puti at asul na pintura.May isang di kalakihang garahe.Sa likod naman ay may maliit na hardin na mayroong duyan na yari sa rattan at malapit lamang ito sa swimming pool.

Nilibot ni Julie iyon at nakita niya ang pagkakapareho nito sa Bahay na tinirhan nila noon kung saan sila unang nagkita.Umupo siya sandali sa duyan at tinabihan siya ng nobyo.Ginawa niyang unan ang braso nito habang nakatingin sila sa langit at pinapakinggan ang tibok ng puso nito.

Julie: Moe,seryoso ka bang atin to?

Elmo: Oo.Paano tayo makakapasok dito kung hindi sa atin to? Sira ka talaga.Hahaha

Julie: Aba malay ko! Bakod nga namin inakyat mo eh! Malay ko kung mas pinili mo na maging akyat bahay gang!

Elmo: Dito na ko nakatira!Hinuhulugan ko na tong bahay para sa future natin.Lahat ng nakikita mo dito,ako ang nag isip nito.Pero yung ibang parte ng bahay di ko muna pinagawa.

Julie: Bakit??

Elmo: Gusto kong gawin natin yun pag mag asawa na tayo.Tulad nung dalawang kwarto.Yung isa,guest room..Yung isa..Uhhmm..

Julie: Kid's Room? Bakit isa lang? Isa lang gusto mong anak??

Elmo: Di ah! Mag isa na nga ko eh! Ang lungkot kaya.Gusto ko sana Dalawa or tatlo..O kaya apat!

Julie: Di mo pa ginawang Dose? Nahiya ka?? Hahaha.

Elmo: Grabe naman yung dose! Pero pwede na rin tapos simulan na natin ngayon.*inamoy sa leeg si Julie*

Julie: *Nakiliti at tinapik ang pisngi ni Elmo* Pasaway ka! Haha! Di pa pwede! You know the rules! hmmm *kinurot ang ilong ni Elmo*

Elmo: I know! Joke lang naman.Pero kung makakalusot,Okay lang sa akin! Hahaha.Pero ilan nga gusto mo?

Julie: Dalawa! Isang Boy tapos Girl..Haayy..I cant believe i'm dreaming with this guy while looking at the stars.

Elmo: I love you..and I'll wait for the right time.

Julie: I love you too! Please dont get tired of waiting for me.

Elmo: Pagod na ko! Let's get married!Hahaha!

Julie: Naku! At saan mo naman ako pakakasalan?? Sa gotohan? Hahaha.

Elmo: Hindi no! Sa mamihan! Kaya nga sabi nila pagpapahigop ng mainit na sabaw.Hahaha.

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon