Chapter 49

1.3K 36 1
                                    

Kinabukasan,maagang nagising si Elmo at nakita si Julie na nagluluto.Agad siyang nag handa ng sarili para sa pagpasok nila sa kani-kaniyang eskwelahan.

Julie: Haayy..Ano kayang masasabi ng mokong na yun dito sa luto ko??

Mayamaya pa ay umupo na si Elmo sa Mesa para kumain.Agad namang hinain ni Julie ang niluto.

Julie: Oh eto! Dapat kumain ka huh? Tandaan mo..Di ka kumain kagabi.

Elmo: Ano ba to? *Tinignan ang niluto ni Julie* Mukhang karumal dumal ang itsura..Pero anong malay natin??Masarap pala!

Julie: Uyy sige na! Tikman mo na!

Elmo: S-sige.. *Kinakabahan si Elmo sa pagtikim ng niluto ni Julie ngunit tinikman pa rin niya ito*

Julie: Anong lasa?? masarap ba??

Elmo: Ahhh...Oo!!! Sobrang sarap! God! Sa ganitong paraan mo ba susubukan ang pagmamahal ko sa kanya?? Grabe! Sobrang pakla!

Julie: Talaga?? Oh kumain ka pa..Ubusin mo na huh!

Elmo: Ha??? T-teka! Di ako pwede magpakabusog kasi may pasok tayo.

Julie: Okay..Edi baunin mo na lang.Kain ka pa! *Dinagdagan ang ulam sa plato nito* Ang sarap di ba?

Elmo: Ahh.. Oo!Sobrang sarap talaga! Ngayon nga lang ako nakatikim ng ganitong pinakbet eh..Pwede pala lagyan to ng tomato sauce tsaka pasas at bell pepper.

Julie: Moe,Menudo yan hindi Pinakbet!!!!

Elmo: Haaa??? Akala ko..

Julie: Sinasabi ko na nga ba niloloko mo lang ako eh!

Elmo: Hindi ah! Masarap nga talaga! Eto nga oh..Inuubos ko na.Di ko na babaunin! Haha! Goodluck sa tiyan ko mamaya!!

Tuloy-tuloy ang pagkain ng binata sa niluto ng Julie halos mabulunan na nga ito.Ipinapakita niyang masarap ang kinakain niya.

Julie: *Tinikman ang kanyang luto* Sobrang pait..Ang pangit ng lasa!!! Bakit kaya sarap na sarap siya?? Weird!

Nang matapos kumain ay naghanda na sila sa pag alis.Inihatid ni Elmo si Julie sa School nito at siya naman ay nakipag kita kay Joyce ng palihim.

Sa isang Restaurant sa Makati ay nagkita ang Dalawa upang mag usap.Naunang dumating si Elmo at ilang minuto ang lumipas ay dumating si Joyce at saka sila nag kape.

Elmo: Joyce,hindi na ko magkukunwaring walang alam.Kayo ni Kris,Alam kong nagkabalikan na kayo..

Joyce: How'd you know??

Elmo: I saw the picture.I asked him personally and he admitted everything.

Joyce: Well,kung alam mo na pala..Bakit pa tayo nag uusap?

Elmo: Kasi sa pag uusap namin ni Kris, napagkasunduan namin na ipagpatuloy niya ang relasyon nila.

Joyce: Whaaattt?!! And how about me??

Elmo: Alam ko masasaktan ka! Pero ang pinaka masasaktan sa lahat eh si Julie! Niloko niyo siya eh..

Joyce: Hindi ko siya niloko.Alam niyang mahal ko pa rin si Kris kahit na nakipag hiwalay ako.Hindi ko sinasadyang gawing complicated ang lahat.

Elmo: Hindi ko alam ang dapat ko pang sabihin at paniwalaan.Pero ang ipapakiusap ko lang,ilihim niyo muna ang relationship niyo ni Kris.Para sa Career mo at kay Julie.

Binayaran ni Elmo ang kanilang kinain at tumayo.

Elmo: Thanks for your time. *Lumakad palayo ng Mesa*

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon