Chapter 66

1.7K 50 4
                                    

Lumipas ang Enero,Dumaan ang Pebrero,Lumagpas sa Marso,at dumating ang Abril.Nagkasama ang Dalawa sa iisang Bahay na sumubok sa kanilang mga pagkatao at nagpatatag sa kanilang samahan.Noong Una'y hindi sila magkasundo sa kanilang mga kagustuhang mangyari.Walang Nagbago.Madalas pa rin silang mag-talo dahil sa kanilang mga pagkakaiba.Sa halip na matumba ang kanilang relasyon sa mga pagsubok,lalo itong nagpatibay sa Dalawa.

Magkasama sila sa bawat Pagsubok na ibinigay ng Programa.Panghinaan man ang kalooban,nagagawa nilang magtagumpay dahil hinaharap nila ito ng magkahawak ang kamay.Magkasama sila sa mga naging espesyal na araw ng kanilang buhay.Nang dumating ang Valentines Day at ngayon sa Graduation Day ni Julie Anne.

Masayang-masaya ang Dalaga dahil matututukan niya na ang kaniyang pag awit.Alam niyang ito ang pangarap ng mga magulang nito para sa kanya.Bukod pa roon malaya na siyang tuparin ang kaniyang mga pangarap at mag-sarili.

Natapos ang seremonya sa loob ng unibersidad nila Julie at katulad ng inaasahan,kahit naisin niyang itrato siya bilang isang ordinaryong mag aaral na nagtapos din sa araw na iyon ay hindi mangyayari sapagkat kilalang kilala o mas lalong nakilala ang Dalaga dahil sa kanilang Programa.Nagdulot pa ng ibang ingay doon ng mamataan nila si Elmo dahil sa tilian ng mga tao.Kaya naman agad na silang umalis at dumiretso sa isang Restaurant.

Naging masaya ang salu-salo ng Pamilya ni Julie.Imbitado rin doon ang Lola ni Elmo ngunit umalis ito agad dahil may kailangan itong puntahan.Kaya naman ibinigay na lamang nito ang regalo para sa Dalaga at nagpaalam.Napuno ng tawanan at kalokohan ang pagdiriwang na iyon.

Papa: Naku! Alam kong may Deal tayo dati na kapag naka-Graduate ka na,pwede ka na bumukod.Pero wala kong sinabi na mag asawa ka huh?

Julie: *Nag-Blush at Pabirong kinurot ang kanyang ama* Papa Talaga! Syempre di pa po!

Papa: Alin ang hindi pa? Yung bubukod ka o mag aasawa? Hahaha!  *Tumingin kay Elmo na panay ang tawa* Oh Natatawa ka diyan Elmo! Hahaha.

Panandaliang tumayo si Elmo at nagpaalam para pumunta ng Palikuran.Habang ang mag ama naman ay panay ang bulungan.

Julie: Papa,hindi pa ako mag aasawa.Tignan mo nga magkasama na nga kami ni Elmo sa isang Roof ng ilang buwan.Pero hanggang ngayon,hindi ko pa rin siya Boyfriend at wala pa rin kaming Relasyon.

Papa: Wala nga kayong relasyon pero kapag daig niyo pa ang mag-Syota kung magturingan! Hahaha.Pwede ba,Anak? Okay lang naman sa amin si Elmo eh..Kilala na namin siya.

Julie: Pa,may isa pa kasi akong gustong mapatunayan ni Elmo sa akin eh.

Papa: At ano naman yun? 

Julie: Gusto kong I-Prove niya lahat ng Words and Promises niya kapag tapos na yung Program.Kapag di na kami magkasama lagi..tsaka ..Gusto ko rin makasiguro talaga sa..

Papa: Sa Feelings mo? Well,May point ka naman doon Anak.Pero one week na lang kayo mag-Stay dun di ba?

Julie: Opo... Gosh! One Week na lang?? As in ONE WEEK?? YESSS!!! HAHAHA! 

Papa: Ipapalinis ko na ang Room mo.Im sure nami-Miss mo na ang kwarto mo pati na Mini-Studio mo.

Julie: Thank,Papa.

Mayamaya pa ay bumalik na si Elmo at siya naman ang biniro ng Ama ni Julie.Panay ang halakhakan sa kanilang mesa kaya naman bukod sa pagkain,busog din sila sa hangin dahil sa katatawa.Naisipan nilang umuwi ng nagpahiwatig na si Jac na hindi niya na kaya ang pagod at nais na nitong matulog.Ipinadala ni Julie sa kanyang mga magulang ang kanyang Diploma at mga regalo ng ibang mga Schoolmates.

Habang nasa biyahe ay nakatingin lang si Julie kay Elmo na kumakanta pa habang nagmamaneho.

Elmo: *Feel na Feel ang pagkanta*

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon