Chapter 60

1.6K 44 1
                                    

Habang nasa nakaupo si Julie at tutok na tutok sa kanyang laptop na nakapatong sa Mesa ay nagluluto naman si Elmo ng tanghalian nila.Hindi niya iniimik ang Dalaga sa mga tinatanong nito.

Elmo: Nakakainis! Pwede na daw?!? Samantalang ang daming may Crush sa akin sa School! Ano bang klaseng mata meron siya?

Julie: Moe..Feeling ko masama loob nito sa akin.

Elmo: Oh? *Nilapag sa Mesa ang Platong hawak*

Julie: Pwede ba ko Um-order?

Elmo: Anong gimik yan? Sige.Anong order mo?

Julie: Pa-order ng S.S.S. !

Elmo: Pumunta ka sa East Avenue..

Julie: Hindi naman Social Security System ang gusto ko!

Elmo: Eh ano??

Julie: Yung Super Sweet Smile mo.Nagsusuplado ka na naman kasi eh..

Elmo: Gusto mo ko mag-smile eh napapangitan ka nga sa akin.Ano yun?Joke?

Julie: Wala naman akong sinabing Pangit ka ah? I said,pwede na.Pwede na mag artista! Hahaha. Kaya wag ka na magtampo.Okay?

Elmo: Di ako nagtatampo no! Tsaka maraming nagkaka-Crush sa akin.Di ko nga alam kung bakit di ka matablan.

Julie: Naks! lakas ah? Grabe! Hahaha.. 

Mag uumisa na sanang kumain ang Dalawa ng may kumatok sa kanilang pintuan.Binuksan ni Elmo ang pinto at si Rhian ang bumungad sa kanya.

Elmo: What are you doing here??

Rhian: Elmo,I need to talk to you.

Elmo: Can't you see?!? Ayoko na makialam sa inyo ng Future Husband mo!So get outta here!

Isasara na sana ni Elmo ang pintuan ng lumapit si Julie.Nakita niya ang Fiancé ng Ama ni Elmo kaya naman pinagbuksan niya ito ng pintuan at pinaupo sa Sofa.Hinatak naman siya ni Elmo sa kusina at hininaan lamang ang kanilang boses.

Julie: Ano ba,Elmo?!? Ganyan ka ba sa mga bisita niyo??

Elmo: Hindi siya bisita.Okay? Paalisin mo na siya.

Julie: Hindi siya pupunta dito kung hindi importante ang sasabihin niya!Mabuti pa,magtimpla ka ng Juice.Ayusin mo! sayo ko una ipapatikim yun kaya naku..

Wala ng nagawa si Elmo kundi sundin siya.Tila hindi makapalag si Elmo sa Dalaga kapag tumataas na ang boses nito at nagagalit.Kaya naman ng matapos siyang magtimpla ay dinala niya ito sa sala kung saan naroon si Julie at Rhian.Inabot ni Julie ang Juice kay Rhian at ngumiti ito.

Rhian: Thank you,Elmo and Julie. Anyway,Sobrang Fan mo ko Julie! *Ngumiti sa Dalaga* Nanunood nga ko nung show niyo eh.

Julie: Really? Thank you! Naku!manuod ka sa mini concert namin huh? For a cause yun.

Elmo: Hay nako! mga babae talaga! Cut it out!Okay?? It would be nice kung di ka manunood coz I dont wanna see you.

Julie: Uhh..Rhian,pasensya ka na dito huh? Excuse muna.Kakausapin ko lang saglit tong mokong na to.

Hinawakan ang braso ni Elmo at hinila ang Binata papuntang Garden.Nang makarating roon ay piningot niya ang tenga ng binata.

Elmo: OUCH!!!! *kinuskos ng kamay ang pulang pula na tenga* Ang sakit huh!?

Julie: Kulang pa yan! Hoy Elmo!Alam kong galit ka sa Daddy mo!Pero wag mong idamay si Rhian dun dahil hindi siya yung nanakit sayo!Try mo kayang rumespeto?! Hindi ka na nakakatuwa! Bumalik ka dun at kausapin mo siya!Kapag di mo siya kinausap ng maayos,wag mo na ko kausapin kahit kailan!

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon