Chapter 92

1.5K 53 13
                                    

Habang nagmamaneho pabalik si Lauren kasama si Elmo ay nakatanaw lamang ang Binata sa labas ng bintana.Nahahabag naman ang kanyang kaibigan sa sitwasyon nito.Alam ni Lauren na walang kahit anong salita ang makakapagpahupa ng sakit na nararamdaman ng Binata.

Lauren: Bez, Mahal na mahal mo talaga si Julie.Kasi alam mo yung tanga ang mag mahal? Tangang-tanga ka eh! Quota ka na!

Elmo: Ano bang dapat ko pang gawin?Ikaw na nga ang nag sabi di ba? Guguluhin ko lang siya dahil sa ginagawa ko.

Lauren: Ilapit mo nga sa akin yang mukha mo para ikaw ang First Blood ko! Ang ibig ko sabihin dun,lumaban ka ng patas! Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Sam?? Magpakalalaki ka! Kung mahal mo si Julie, Edi gumawa ka ng paraan para mahulog siya ulit sayo.Dont hide yourself! Gawain lang ng mga duwag yun!

Elmo: May Sam na nga--

Lauren: Last time I cheked her Wiki,Single pa rin ang Status niya! So It means, Hindi pa sila kasal!

Elmo: So? Sinasabi mong sulutin ko si Julie??WOW! magandang Advice yan!

Lauren: Hindi mo siya susulutin.

Elmo: Eh ano?

Lauren: You'll win her back.Kukunin mo ang dating sayo.Alam ko may Feelings pa rin siya sa'yo..Sabihin na natin na yung Love ni Julie sa'yo parang Sleeping Beauty.

Elmo: So ako yung Prince?? Hahaha. Comedian ka na?

Lauren: Ay hindi! Ikaw yung tatay niya! Malamang di ba?? pwera na lang kung gusto mong si Sam ang maging Prinsipe ni Julie. Papayag ka ba??

Elmo: Hindi! Pero paano ko gagawin yun??

Lauren: Alam mo,Bez..Ngayon ko lang talaga nasiguro na mas kailangan mo ko eh.Gwapo ka lang pero wala kang Brain! Ano ka ba? You still have the Power! Hawak mo siya sa leeg! Remember the Contract??

Elmo: So?? Anong meron sa Contract? Two months lang yun..

Lauren: Use it! Gamitin mo yun para makasama mo siya ng madalas.Tutal sabi mo sa akin dati may mga Outreach chorva kayo?? Edi gamitin mo yung Two months na yun! Ibahin mo naman yung diskarte mo.Wag na puro Flowers,Okay?

Elmo: May point nga si Lo..Pwede kong gamitin yun..Tama! So..Anong mga gagawin ko?

Lauren: HAHAAHAHA! Just leave it to me!

Nabuhayan ng loob si Elmo dahil sa mga sinabi ni Lauren.Pagdating nila sa bahay ay agad niyang tinawagan ang kanyang Sekretarya upang mag handa para sa isang Board Meeting.Doon niya uumpisahang isagawa ang kanyang unang hakbang upang maibalik ang pagmamahal ni Julie para sa kanya.

Alas Kwatro na ng Hapon ng magising si Julie.Sobra ang sakit ng ulo nito at nahihilo kaya naman hirap siyang tumayo.Mayamaya pa ay lumapit si Sam sa kanya dala ang isang tasang maiinit na kape.Ininom ito ni Julie at bahagyang nawala ang sakit ng kanyang Ulo.

Sam: Lasing na lasing ka.. *tumayo* Alam mo ba kung gaano ko nag alala sayo?!? Halos halughugin ko tong buong Pasig para lang makita ka!! Ano bang nangyayari sayo,Julie Anne?! Nasisiraan ka na ba talaga ng bait?!

Julie: S-Sorry na,Bee.. Gusto ko lang talaga uminom nun eh..Sobrang sakit na ng nararamdaman ko..Gusto kong makalimot kahit sandali lang.

Sam: Ngayong nasa katinuan ka na, nakalimutan mo ba?? Hindi! Di ba??

Julie: Sam naman... *naiyak* Sorry na..Di ko na kasi alam kung anong gagawin ko.

Sam: Alam ko na kung sino yang pinoproblema mo! *umupo sa kama ni Julie* Sinasabi mong makakalimutan mo siya pag nilunod mo yang sarili mo sa alak?!? Tantanan mo ko!Mula sa kotse hanggang dito iyak ka ng iyak at puro Elmo na lang ang sinasabi mo!!Tapos nung mahanap kita sa Bar na yun,nandun rin siya at kasama ang Girlfriend niya!Ano bang nangyayari?!

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon