Chapter 33

1.6K 36 0
                                    

Kinabukasan,halos sabay lang silang nagising kaya naman naglinis na lang sila ng bahay.Maaga pa lang ay nag umpisa na ang bangayan nila.

Elmo: Haist! Linisin mo naman maigi! Pati sulok..tapos punasan mo yung mga maaalikabok na yan.

Julie: Ang dami mo namang pinapagawa! Napapagod na ko eh.

Elmo: Sige! ako gagawa niyan.Pero ikaw ang maglinis ng mga bintana natin tsaka magdilig ka ng halaman?

Julie: Ayoko nga! Ikaw na!

Elmo: See?? Oo nga pala..Magluluto na ko.

Julie: Dapat lang! Gutom na kaya ako.

Elmo: Lagi ka na lang gutom.Ewan ko sayo..

Nagluto si Elmo at natapos ang paglilinis ni Julie.Sabay silang kumain at nagkwentuhan tungkol sa nangyari kagabi,

Julie: Hay naku..Para kong nasa langit nun..Hanggang ngayon feeling ko nananaginip ako.

Elmo: Bakit? Kayo na ba?

Julie: Ah.. Oo.

Elmo: Edi....Maganda.Tapos na ko kumain. Ikaw na maghugas ng Plato.

Julie: Kahit kailan ka talaga! Oo na!

Mayamaya ay naalala ni Elmo na araw ngayon ng pagpapadala sa kanila ng Challenge.Agad siyang pumunta ng Mailbox at ipinaalam kay Julie ito.Binasa nila ang Pagsubok para sa linggong ito.

Good Morning Elmo and Julie Anne! Ang Pagsubok sa linggong ito ay pag aayos ng mga Booth para sa darating na Foundation Day ng isang eskwelahan na malapit sa puso ninyong dalawa.Ang Montronomy High School na naging tahanan ng karunungan ni Elmo sa loob ng Apat na taon.Ang mga Mag aaral sa nasabing paaralan ay magdo-Donate ng mga School Supplies sa mga Elementary Schools na tinutulungan ng Kapuso Foundation.Bukod pa roon ay makukuha niyo ang Allowance niyo para sa darating na linggo.

Meron kayong Apat na araw para tapusin lahat.May mga estudyante rin na tutulong sa inyo sa pag aayos.

Salamat at Goodluck!

Inis na inis sila dahil marami ng nawalang oras sa kanila.Kaya naman nagmadali na silang pumunta sa nasabing paaralan dahil paniguradong naghihintay na ang mga estudyanteng tutulong sa kanila.

Pagdating nila ay naglinis na ang mga Students ng Covered Court,Stage,At Classrooms.Agad nilang pinakilala ang kanilang mga sarili kila Elmo at Julie at ganun din  ang Dalawa.Hinati nila sa Dalawa ang mga Estudyante at pinaghatian nila ang mga Booths na gagawin.Ang Marriage,Horror,Movie,Jail,at Dance Booth ay napunta sa mga lalaki.Habang sa mga babae naman ang Dating,Parlor,Message Booth,At Food and Drinks.

Agad na inumpisahan ang Design ng Marriage Booth.Dahil mga lalaki sila,Tinanong muna ni Elmo si Julie Anne kung anong mas magandang gawin doon.

Julie: Kahit simpleng ring lang pwede na yun.Tapos,bili na lang kayo ng Pink Roses para sa Bride.Kahit tag isa lang then,sa kanya na yun..

Elmo: Kailangan ko pa ba bumili ng Tuxedo and Gown?

Julie: Syempre! Pero yung sa Tux,Kahit yung pang itaas lang,.Yung sa Gown naman,Dapat Ready to wear para di ganun katagal.

Elmo: Eh kung maglagay  kaya tayo ng Photobooth malapit dun tapos magpa-contest tayo.

Julie: Anong Contest naman yan?

Elmo: Paramihan ng likes sa Wedding Picture! then yung mapipili,Bibigyan natin ng Couple Shirt. Okay ba?

Julie: At saan ka naman kukuha nun??

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon