Chapter 39

1.4K 34 1
                                    

Habang nagmamaneho papuntang Taping ay nakatanggap ng Text Message si Julie mula kay Kris.

Kris: Lieanne,Kamusta? I miss you.Pwede ba tayong lumabas mamaya after ng Taping niyo?

Julie: Sure! Makaka-hindi ba ko sayo? Hahaha. Kaso baka late na kami matapos huh? Okay lang ba sayo?

Kris: Pupuntahan na lang kita mamaya.Pwede naman siguro yun di ba?

Julie: Pwedeng pwede basta ikaw! I'll see you there.Ingat.

Habang nagte-text si Julie ay nakatingin naman si Elmo sa Dalaga dahil panay ang ngisi nito.Alam niyang si Kris ang kausap ng Dalaga kaya naman hindi niya maiwasang mainis.

Elmo: Para kang tanga...

Julie: Hay nako.. Mag hanap ka ng ka-Text mo para alam mo yung feeling huh? Naiinggit ka lang.

Elmo: Anong nakakainggit sa ginagawa mo? Pff.. 

Julie: Eh kung yung kalsada kaya ang tignan mo wag ako?

Elmo: Wow! Bahala ka nga.. Feeling masyado huh?

Julie: Just tellin the truth.

Nang dumating si Julie sa Taping ay agad itong tinulungan ni Elmo sa pagbubuhat ng mga gamit niya.Papasok na ng Tent si Julie ng makasalubong nila si Joyce.Ngumiti lamang ito kay Julie at Elmo saka umalis para pumunta sa Director.Nang makaupo sa loob ng kanyang tent ay inilapag ni Elmo ang mga bitbit at umupo sa tabi ni Julie.Napansin nitong nalungkot ang dalaga.

Elmo: Oh? anong ine-Emote mo diyan?

Julie:Wala...

Elmo: Sus! Sa akin ka pa magsisinungaling? ilang buwan na ba tayong magkasama sa bahay Julie?Pwede ba?

Julie: Moe naman..

Elmo: Yung kanina ba?

Julie: Oo..

Elmo: Alam mo naman sigurong mangyayari yun bago mo sinagot yung Ex niya di ba?

Julie: Oo naman.. Kaso hindi ko akalain na may ganitong feeling..

Elmo: Bakit? Anong feeling ba sinasabi mo?

Julie: Kasi parang.. Nagi-Guilty ako.Pakiramdam ko inagaw ko si Kris sa kanya.

Elmo: Ang tanong,inagaw mo ba? Pwede ba? kung sa tinigin mo masaya ka kay Kris at mahal mo siya,wag mo ng isipin yun.

Julie: Ganun ba?

Elmo: Oo.

Julie: Kahit na alam kong may nasasaktan?

Elmo: Ganun naman talaga ang buhay eh..We cant have it all..kaya kung di para sayo,tanggapin mo..

Julie: *hinawakan ang kamay ni Elmo* Thanks.Moe....

Elmo: Pareho tayo ng nararamdaman kaya naiintindihan kita..yun ang totoo.Pakiramdam ko habang minamahal kita,inaagawan ko ang Pinsan ko.Pero hindi ko rin kayang mawala ka.Ang totoo..Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sige,Alis na ko..

Julie: Ikamusta mo ko kay Lola huh?

Elmo: Okay!

Umalis na si Elmo papunta sa kanyang Lola upang kamustahin ito.Ilang oras pa ay nakarating na ito sa bahay ng kanyang Lola.

Lola: Naku! Nandito ka rin ba para sungitan ako?

Elmo: Depende..kung di niyo iniinom ng maayos ang gamot nito,susungitan ko kayo.Hahaha.

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon